Zia Quizon will stay home this summer

The budding singer is a self-confessed "lakwatsera" and swears she could go anywhere to spend her vacation.


“Stay at home” ang plano ni Zia Quizon ngayong summer, aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi pa man niya naipapaliwanag kung bakit, ipinalagay naming ang dahilan ay ang ama niyang si Comedy King Dolphy na nagpapalakas sa kanilang tahanan ngayon.

Kung may pagkakataon sana ngayong tag-araw, “I guess, beach," sabi ni Zia.

"But we’re trying to stay close to home so we can all stay around with my dad and just have family time.

“But family time is what we usually do during summer rin naman.”

Ano sana ang dream vacation para sa kanya ngayong summer?

“Dream vacation? Anywhere! Sobrang lakwatsera lang talaga ako at may nunal ako sa paa. So, I will go anywhere.”

Ang memories naman daw ng mga nakaraan niyang summer ay masasabi niyang well spent.

“Basta, sulit yung memories that I made during those trips. It was always a good time.”

Ano naman ang pinaka-unforgettable summer niya?

“Well, I think, noong maliliit pa kami, dinala kami ng parents namin, pumunta kami sa Europe.

“As in, maliliit pa kami noon. Sobrang nawala lang yung trip namin.

"Sobrang maliit pa kami. Wala pa kaming appreciation sa mga history.

“Pupunta kami ng museum, care bears [walang pakialam] kami.

“Sobrang great experience lang din that we got to see it.

"At least, naaalala ko pa rin even though we were that young.”

Mga nine years old daw siya nang magpunta sila ng Europe ng pamilya niya.

Kapag summer, normal na iba-iba ang trip ng mga Pinoy. May ilang mas gusto sa malalamig na lugar, o makapag-check-in sa isang hotel.

Pero masasabing karamihan, beach talaga ang target kapag summer season.

BEACH BABE? Isa rin ba si Zia na masasabing beach person?

“I guess, mostly beach person at saka stay-at-home ako na ako yung palaging mag-iimbita na, 'Mag-pool party tayo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, just take advantage of sunny days.”

Ano naman ang pinaka-ayaw niya kapag summer?

“Yung umuulan. Kasi summer, ‘Bakit umuulan?’ Parang ganoon. But you know, umuulan din naman minsan any days.”

Siya ba ang tipong conscious sa katawan na dapat pang-beach bod?

“I guess in some level, yes. But when I’m around with people I know naman, I don’t care kasi, mas medyo nagwa-one-piece na lang ako.

“Ako yung tipong naka-rash guard na naka-shorts pa. Yung wala, parang conservative.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN