Mike Tan picks hiking and mountain climbing as two of his favorite summer activities

Mike Tan with his "barkada" when they went to Mariveles, Bataan. (Photo-inset) The actor said, “Plano ko ulit umakyat ng bundok, hopefully sa Mountain Province. Pangalawa, aalis kami ng mga barkada ko. Pupunta kami ng La Union at gusto naming i-explore ang buong La Union then, Ilocos.”


Kasisimula pa lamang ng summer ay nagawa na ni Mike Tan ang isa sa paborito niyang gawin at pangtanggal na rin daw niya ng stress—hiking and mountain climbing.

Umakyat na si Mike umpisa pa lang ng Marso sa bundok sa Mariveles, Bataan.

Nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano pa ang plano niya ngayong summer, trekking at mountain climbing pa rin daw.

“Plano ko ulit umakyat ng bundok, hopefully sa Mountain Province.

“Pangalawa, aalis kami ng mga barkada ko. Pupunta kami ng La Union at gusto naming i-explore ang buong La Union then, Ilocos.”

Dugtong pa ni Mike, “Pero siguro ngayong summer, isa sa talagang sisiguraduhin kong magawa, makapag-explore sa La Union.

“Kasi, nakita ko talaga na ang daming puwedeng puntahan sa La Union kahit sobrang init do’n.

“So, siguro ako, uubusin ko muna kung ano ang mga puwedeng puntahan sa North kasi, mas madali siyang puntahan dahil nasa Luzon na tayo.

“And hopefully, by next year, pa-South na ko.”

BATANES. Isa rin daw sa napuntahan na niyang lugar sa Pilipinas ang Batanes. Ito ay nang mag-shooting siya ng pelikula with Iza Calzado na Batanes.

Isa ito sa lugar na babalikan niya.

“Gusto kong makabalik sa Batanes. This time naman, yung hindi na dahil sa trabaho, para mas lalo kong ma-enjoy ang lugar.”

Sa mga lugar na gusto niyang mapuntahan ngayong summer, sino naman ang naiisip niya na gusto niyang makasama o isama?

“Siyempre, pamilya ko. ‘Tapos sana, sa susunod, abroad na.

“Kasi, gusto ko kapag umalis kami, lahat first time. Magkakasama kami sa unang pagkakataon na mangingibang-bansa.

“Kasama ko [sana] ang pamilya ko. Nanay ko, tatay ko at dalawa kong kapatid na kami lang.”

Ano naman ang dream vacation niyang talaga?

“Sa Japan!” mabilis niyang sagot. “Ewan ko, gustung-gusto ko sa Japan.

“Technology, yung lugar, yung linis, ang ganda, e. Gusto ko talaga. Gusto kong mapahinga ro’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kung dito naman sa Pilipinas, sana magkaroon ako ng pera para makapag-Amanpulo.

“Gusto ko talaga ang Batanes, pero dahil napuntahan ko na siya, siguro babalikan ko na lang siya after kong mapuntahan ang mga lugar sa Pilipinas na hindi ko pa napupuntahan.”

Pag-amin naman ni Mike, ang totoo raw, medyo takot siya sa dagat.

Natatawang sabi niya, “Takot ako! Naiisip ko, may pating!”

Ano ang pinaka-hindi niya makakalimutang summer ng buhay niya?

“Hindi ko makakalimutan yung every year naman, may liga ng basketball.

“Pero ito yung year na nanalo kami ng first runner-up. Maliliit kami, e, kaya big deal talaga ang first runner-up.

“Pagkatapos naming manalo, nagpunta kami sa club sa Mandaluyong.

“High School kami no’n. First experience ko yun na pumasok sa club. Nanood lang kami, nag-beer. Yun…”

SUMMER LOVE? Naranasan ba niya yung tinatawag na “summer love?”

“Wala…kasi, simbahan akong tao. So, hindi ko siya priority.

“Talagang yung pagpasok namin ng club noon, for experience lang talaga.

“Pero sakristan kasi ako, kaya sa simbahan talaga ko, lalo na kapag summer noong bata ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN