Your fave celebs share their plans this summer

IMAGE Noel Orsal

(L-R) Sam YG, Bianca King, Joey Reyes and Alex Gonzaga all plan to go out of town or out of the country—for work and for play.


Dahil summer na nga marami sa ating mga paboritong artista at ilang celebrities ang mahilig mag-beach o mag-out of the country.

Meron namang iba na trabaho pa rin ang mga out-of-town activities nila ngayong darating na summer.

Sa isang mabilis na batuhan ng tanong at sagot with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), narito ang ilang sikat na personalities ang baka makasabayan niyong magpunta sa paborito niyong beach resorts.

BIANCA KING. Unang natanong ng PEP si Bianca King sa kung ano ang plano nito ngayong summer.

“No plans pa talaga,” mabilis na tugon ng aktres.

Saan ang dream summer destination niya at bakit?

“Maldives and Bahamas.

“Para ma-experience ang white sand ng ibang bansa,” sabay ngiti ng dalaga.

Sino naman ang gusto niyang makasama sa dream summer vacation niya?

Aniya, “Sana parents ko makasama ko naman during summer.

“Kasi nasa Canada sila.”

Ano ang pinaka-unforgettable summer vacation niya?

“Last year, I went to Boracay with Solenn [Heusaff] and Michelle [Madrigal].

“First time [na] all girls [ang] Bora trip ko,” paggunita niya.

SAM YG. Sumunod na nataong ng PEP ay ang radio DJ ng Magic 89.9 at TV host na si Sam YG.

Ano ang plano niyang this summer?

“This summer I'm going on a few trips out of Manila, but mostly for work.

“I'm hosting a few events in Boracay.

“And I'm also attending a workshop on TV and radio hosting in Las Vegas this coming April,” pagbabahagi nito.

Saan naman ang dream summer vacation niya?

“My dream summer destination is Greece,” mabilis niyang tugon.

Paliwanag niya, “I think it's full of life and very rich in culture.”

Dagdag din niya, “Locally, I'd have to say Batanes.

“I’ve just seen too many photos and heard a lot of stories about the place that scream, ‘beautifulll!’”

ALEX GONZAGA. Nakakuwentuhan din ng PEP ang isa sa mga TV5 princesses na si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang summer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Summer? Ahm… I think sa summer po, e, may gagawin ako.

“So with TV5, so ‘yon work, work ‘yon!

“Saka relax, relax tayo kasi ga-graduate na ako,” masayang balita niya.

Magtatapos si Alex ngayong Marso ng kursong Humanities sa University of Asia and the Pacific (UA&P).

DIREK JOEY REYES. Ang batikang director na si direk Joey Reyes ay nagbahagi rin tungkol sa kanyang summer plan.

Ani Direk, “Summer plans… take a short-term culinary course, fly to another Asian country for a weekend, and go back to my jewelry-making hobby.”

Ano naman ang dream vacation niya?

“Dream vacation… Athens, Venice, and back to Barcelona and Berlin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN