Geoff Eigenmann on choosing a vacation destination: “I think I’m more of a tropical person. Mas gusto ko ang init kesa sa lamig."

The young actor names girlfriend Carla Abellana as his perfect companion for his summer dream vacation.


Para kay Geoff Eigenmann na nagsi-celebrate ng kanyang kaarawan tuwing summer, ramdam na ramdam niya ang panahon ng tag-init.

"Aside from the heat, feel na feel ko na ang summer. Pero this summer, ang naka-plano, taping pa rin ng Holy Week.

"Wala pang ibang plans. Pero this Holy Week, yun kasi ang siguradong free.

"So, most likely, the family will go to the beach."

Ang pagkakaalam daw niya, posibleng sa Batangas ang destinasyon niya kasama ang pamilya.

"Dalawa kasi, side nina Carla [Abellana na kanyang girlfriend] sa Batangas.

"Sa amin naman, baka second half of Holy Week, sa Subic naman kami.

"Although, hindi pa namin napag-uusapan kung magkasama pa rin kami sa second half kasi birthday ng sister niya.

"So, baka may plan din yata sila."

Bukod sa Holy Week plans nila ng pamilya, kung siya ang masusunod, saan pa niya planong mag-spend ng summer?

"Ako, beach. I always love the beach. Kahit saan lang. Kahit mag-eroplano.

"Kahit magkotse lang papunta ro’n. Beach is always good for me. First option is always the beach."

BORACAY. At para kay Geoff, kung sa Pilipinas, naniniwala raw siya na Boracay pa rin ang isa sa pinakamasarap puntahan.

"Of course, we can never go wrong with Boracay. Yun nga lang ngayon kasi when you go to Boracay, more on party.

"Pero ako, nandoon ako to relax lang, be away from the people.

"Although, aside sa Boracay, Palawan din. I like Palawan.

"I’ve been there three times and I like their beach at saka tahimik."

Kung mabibigyan siya ng chance na makapagbakasyon, sino ang gusto niyang makasama sa summer dream vacation niya?

Mabilis naman ang naging sagot ni Geoff: "Of course, si Carla.

"As much as possible, siya ang kasama ko. Pero siyempre, family rin.

"It’s always good kapag marami kayo talaga. The more, the merrier."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TROPICAL BOY. Hindi naman daw makakalimutan ni Geoff ang memories ng summer niya noong bata pa sila.

"Siyempre, noong bata kami, kapag magkakasama kaming magpi-pinsan.

"Very rare kaming nagkikita, e. Kapag may family occasion lang or something like that.

"So, every time na may birthday o kung sinuman, madalas nasa beach kami. Matabungcay o kaya naman sa Dakak."

Mahilig talaga siya sa summer?

"I think I’m more of a tropical person. Mas gusto ko ang init kesa sa lamig.

"Kasi, every time na nasa States ako at nag-i-snow or sobrang lamig, naba-bad trip lang ako.

"Kasi, ayaw mong gumawa ng kahit na ano. I hate the cold. So, I’d rather stay here in the Philippines, tropical boy."

Usually kapag summer, ito ang pagkakataon na nae-enjoy ang mga summer outfits.

Pero kadalasan, dapat ay may maganda ring pangangatawan. Kaya tinanong namin si Geoff kung conscious ba siya sa kanyang katawan kapag ganitong panahon?

"Meron naman, pero I guess, not as much as other people.

"Siyempre, may iba talaga na hindi maghuhubad kung malaki ang katawan.

"I actually don’t care. But of course, artista, kailangan pa rin aside from summer na kailangan palaging nakahubad.

"Siyempre, for the betterment din na kailangan healthy ka naman, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN