Eula Caballero is excited to spend her summer vacation in Subic with her sisters

Eula Caballero on spending her summer vacation: "Yes, darating dito ang mga sisters ko. Ahm… they’re from Cebu. So darating sila dito ng April 1 and then magsu-Subic kami.”


Ang Kapatid princess na si Eula Caballero ay super excited na ngayong darating na summer sapagkat makakasama raw niya sa beach ang kanyang pamilya.

Ano nga ba ang plano ng big winner ng Star Factor ngayong darating na summer?

“Summer? Yeah, [Actually] for Holy Week, yes, darating dito ang mga sisters ko.

“Ahm… they’re from Cebu.

“So darating sila dito ng April 1 and then magsu-Subic kami,” masayang ibinalita ni Eula.

First time niya bang magpunta sa Subic pati ang pamilya?

“Yes,” pabungisngis niyang saad.

Dagdag niya, “Then after Subic hindi pa sure kung magba-Bataan or Misibis sa… saan ba ‘yon? Albay?

“Ewan ko sa’n ba ‘yon, sa Misibis daw, ayan.”

Ito ba ‘yong older sister na ikinukuwento niya noon na kapapanganak lang?

“Yeah, yeah with her family.

“First time namin makakasama yung…

“Parang ngayon silang lahat may pamilya na.

“ And, hmmm… yes, nanganak na, nanganak na yung sister ko.

“May bago kaming baby sa family, so we’re excited.

“Kasi actually ako nakauwi na ‘ko ng Cebu tatlong beses, since pinanganak siya.

“Pero never ko pa siyang nakita, so I’m really excited.

“Kasi kung magkikita kami ‘yon yung first time na makikita ko siya [yung baby],” sagot ng Kapatid princess.

PERFECT SUMMER VACATION. Natanong din ng PEP kung ano ba para kay Eula ang perfect summer vacation.

“Perfect summer vacation?

“Ako talaga, beach bum talaga ako, e.

“So always on the beach and then with my family and friends—‘yon yung pinakagusto ko.

“Kasi it happened before na kasi.

“Minsan it’s like either with your friends or you are with your family.

“Parang hindi na rin nagkakasabay na barkada mo, ‘tapos family mo sabay, so ‘yon.

“It’s really perfect—‘yon yung pinaka-perfect kong summer ko.

“I think that was, ahm… that was two years ago, if I’m right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahm… sa Cebu, sa Cebu,” paggunita ni Eula.

Aniya pa, “So sa Cebu ‘yon, parang yung particular place na ‘yon sa Cebu, parang it’s near Bohol na.

“So parang nag-ano kami, nag-island hopping, so it’s nice we had fun.

“So kasi parang alam mo yung feeling, iba yung feeling na kasama mo yung family mo.

“And it’s not just the feeling, ibang tao ka kapag kasama mo yung family mo, ibang tao ka rin kapag kasama mo yung barkada mo.

“And kapag ando’n yung dalawa parang wala… nakakaloka lang, so it’s really fun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN