Enzo Pineda goes to Mindoro this summer while rumored girlfriend Louise de los Reyes flies to Hong Kong

“Okay lang para, at least, she can spend time with her family at ako rin ganoon din sa family ko. Hihingi na lang ako ng pasalubong,” says Enzo Pineda when asked if it's okay for rumored girlfriend Louise de los Reyes to not spend her vacation with him in Mindoro.


Mag-enjoy sa beach—'yan ang isa sa talagang summer plan ng Kapuso hunk na si Enzo Pineda ngayong tag-araw.

Sa katunayan, kahit matagal pa raw ang summer noon, napagplanuhan na ng pamilya nila na magpunta ng Mindoro para ma-enjoy ang mga beaches doon.

Kuwento ni Enzo, “Maybe, we might go to Mindoro for summer.

“My dad has friends in Mindoro kasi. Sina Mayor and Governor Umali [are] good friends of my dad. At sila Lito Camo.

“Hindi lang ako familiar sa name ng beach pero nasa dulo raw yun ng Mindoro.

“You have to take a one day boat ride, then pagdating sa Mindoro, may one hour car ride pa.

“Nasa dulo talaga siya ng Mindoro, pero sobrang ganda. Sobrang tahimik ng lugar.”

Isa raw itong private resort na tanging ang mga naiimbitahan lang ang siyang makakapunta.

Posible raw na ngayong Holy Week nila ito gawin ng pamilya. Pero, isasama ba niya ang nali-link sa kanyang si Louise de los Reyes sa Mindoro?

“Hindi ko alam. Kasi alam ko si Louise, she has plans to go to Hong Kong naman.

“Okay lang para, at least, she can spend time with her family at ako rin ganoon din sa family ko.

“Hihingi na lang ako ng pasalubong,” natatawa pa niyang biro.

May ibang plano pa ba siya ngayong summer 2012?

“Sana marami pa akong out-of-town trips kasi gusto ko talagang ikutin ang Pilipinas….especially Palawan.

“I haven’t been to Palawan and I heard that their beaches are one of the best now in the Philippines.

“Alam naman natin na ang Boracay, hot spot talaga ‘yan.

“Pero, I think, mas naririnig ko ngayon na ang mga gustong puntahan ng tao is Palawan.”

Dream vacation din daw ni Enzo ang Palawan.

Isa si Enzo sa masasabing mapalad mula pa sa kanyang kabataan.

Bata pa lamang ay nagawa na ni Enzo na makapag-travel hindi lamang sa iba’t ibang tourist spots sa bansa kundi maging sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Enzo, “Palagi akong nasa States kapag summer. I have relatives in US and Canada.

“So, every summer, di ba, walang pasok. Yun ang time na puwede kong bisitahin ang lolo at lola ko sa States.

“The whole summer, usually, one month.”

Pero ayon kay Enzo, kung tatanungin siya kung ano ang pinaka-unforgettable summer niya, ito ang summer niya noong 2010.

“Noong nagpunta ako ng Boracay. Am not only with my family, I was also with my friends.

“Kakatapos lang ng Star Struck noon. Yun ang first time ko na ma-experience ang bakasyon bilang artista na.”

Mga grilled na pagkain naman daw ang paborito ni Enzo lalo na kapag summer.

“Para kasing mas-feel mo yung mga grilled na pagkain.

“Parang kapag summer, nagkakamay ka lang kumain, sa labas kakain.

“More on mga pagkain na habang nasa beach ka.”

Pero kahit ang “init” talaga ang indikasyon na summer na nga, isa raw ito sa mga ayaw niya sa panahong tag-init.

Natatawang sabi pa niya, “Yung init kasi talagang iba. Pero mae-enjoy mo ang init ng summer kapag nasa beach ka.

“Pero kapag nandito ka sa Manila, medyo irritating siya nang konti.”

Aminado si Enzo na nandoon na ang pagiging conscious niya sa katawan hindi lang tuwing summer na kailangan niyang magsuot ng mga summer wear lalo na sa beach.

Sabi nga ni Enzo, “Siguro kasi ngayon, dahil yes, merong mga goals and plans na ma-achieve, may motivation ako ngayon.

“I’m really preparing kasi nagkaroon din kami ng summer campaign for Bench kaya medyo conscious din ako sa body ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN