Aljur Abrenica rumored to be Marian Rivera's next leading man in Amaya

IMAGE Noel Orsal

May mga balita na isa si Aljur Abrenica sa mga bagong character na papasok sa epicserye na Amaya. Si Aljur daw ang gaganap sa role ni Lapu-Lapu, at magiging bagong leading man ni Marian Rivera who plays Amaya.

"Nasabi na sa akin, pero, hindi ko pa alam kung kailan ako mag-uumpisa. Hindi pa naman nababanggit kung ano ang character ko. Hindi ko alam kung si Lapu-Lapu nga," Aljur says.



Naging successful ang ginanap na fans' day ni Aljur Abrenica sa Trinoma Mall noong Biyernes ng gabi, September 16 na ini-organized ng NMI ng igma-TV.

Napuno ni Aljur ng mga fans niya ang activity hall ng nasabing mall kaya naman masayang-masaya ang Kapuso actor habang nakiki-bonding sa mga fans niya.

Matagal na raw nilang pina-plano na magkaroon ng ganoong klase ng fans' day, ito ang sinabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Trinoma Mall.

"Plinano namin 'to na makapag-pasalamat sa mga fans. Yun lang naman, e. Maraming beses na rin akong nakapagpa-fans day, pero, matagal na nawala.

"Naging sobrang busy, sobrang daming ginagawa. So, itong event na ito, ginawa rin para makapag-pasalamat kami sa mga fans."

ONLY GUEST. Hindi naman maikakaila that something special was going on between Aljur and Kylie Padilla. Nang makita at makausap namin sila sa backstage ng Trinoma, panay ang titigan ng dalawa. Tila kahit walang salita, sa mga tinginan pa lang nila, nagkakausap at nagkakaintindihan na sila.

When asked kung ano ang theme song nila, pabirong sinabi ni Aljur, "'Humanap Ka ng Panget,' yun ang theme song niya [Kylie]," referring to himself as the ugly one.

"Hindi, biro lang... actually, 'Getting to Know Each Other.'"

Si Kylie Padilla ang nag-iisang guest ni Aljur sa fans' day. When asked kung special request niya ang rumored girlfriend, ito ang sinabi ng aktor:

"Surprise siya talaga sa akin ni Nanay Daryl [Zamora] kaso, nasabi niya sa akin. Gusto raw niya akong i-surprise, pero, ayaw na raw niya akong i-surprise dahil baka mamaya, mag-iiba raw ang reaksiyon ko. So, sinabi niya rin sa akin."

After Machete, hindi pa nga ulit napapanood si Aljur sa ilang Kapuso series. Movies ang ginawa niya at mga shows abroad.

MARIAN'S NEXT LEADING MAN? Pero may mga balita na isa siya sa mga bagong character na papasok sa epicserye na Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Aljur daw ang gaganap sa role ni Lapu-Lapu, at magiging bagong leading man ni Marian Rivera who plays Amaya.

Aniya, "Nasabi na sa akin, pero, hindi ko pa alam kung kailan ako mag-uumpisa. Hindi pa naman nababanggit kung ano ang character ko. Hindi ko alam kung si Lapu-Lapu nga."

Excited na raw siya na makabilang sa Amaya.

Ayon pa kay Aljur, "Ang Amaya ay isa may pinakamataas na rating sa primetime ngayon. Ang mapabilang sa cast na kasama si Marian Rivera ay isang malaking karangalan."

Hindi naman masasabing first time na magkakasama sa isang project si Aljur at Marian.

"It's not the first time, kasi nagkasama na rin kami. Pero hindi ko pa kasi alam if isa ako sa pansamantalang magiging leading man niya. If ever man, it's a privilege for me na maging leading man niya. Kasi, lahat ng proyekto ni Marian, naging successful."

Dugtong pa niya, "Isa siyempre si Marian sa mga gusto ko rin na makapareha."

COSMO BASH. On the other hand, masaya naman si Aljur sa naging outcome ng kanyang pagrampa sa nakaraang Cosmopolitan Bachelor Bash na ginanap sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi.

Hindi na siya kasama sa mga centerfolds. Pero rumampa din siya dahil ang ine-endorsong niyang produkto na Century Tuna ay isa sa major sponsors ng event.

"Sobrang saya, kasi sa dinami-rami ng endorser ng Century, ako ang pinadala nila," ang sabi ni Aljur.

Ikatlong pagkakataon na raw ni Aljur na rumampa sa Cosmo Bash.

Aniya, "'Yung first kasi, part ako ng bachelors. Yung second naman, ako ang nag-opening. Then, ito ngang third, parang kakaiba 'to dahil parang nire-represent ko ang Century Tuna. Rumampa ako na may dala-dala ako. Na may sumuporta sa akin. Na may kumuha ng show para sa akin."

Isa sa mga pinalakpakan at tinilian ng tao during the Cosmo bash ay si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN