Aljur Abrenica supports Paulo Avelino's transfer to ABS-CBN; has no plans of leaving GMA-7

IMAGE Noel Orsal

After being taken off guard by the news that his friend Paulo Avelino has moved to the Kapamilya network, Aljur Abrenica talked with his friend and now says, "Ang reaksyon ko diyan, ang masasabi ko lang diyan, suportado ko siya."


Isa si Aljur Abrenica sa mga malalapit na kaibigan ng dating Kapuso star na si Paulo Avelino.

Magka-batch ang dalawa sa Season 4 ng GMA-7 reality-based artista search na StarStruck, at nagkasama rin sila sa ilang shows tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin (2009)at All My Life (2009).

Pero matapos ang ilang taon sa Kapuso network, noong August 12 ay pormal nang pumirma ng kontrata si Paulo sa Kapamilya network. (CLICK HERE for related article.)

Ikinabigla ni Aljur ang paglipat na ito ng kanyang matalik na kaibigan.

Katunayan, hindi pa malalaman ni Aljur ang tungkol dito kung hindi pa siya hiningan ng reaksyon ng PEP contributor na si Rommel Gonzales tungkol sa paglipat ni Paulo. (CLICK HERE for related article.)

Noong una'y ayaw pa raw talaga maniwala ni Aljur, pero nang magkausap na sila ng kanyang kaibigan ay mas naging malinaw na sa kanya ang lahat.

Sa Link Up event ng Tupperware noong Miyerkules, August 23, sa Opus Bar, Resorts World Manila sa Pasay City, sinabi ni Aljur na nagkausap na sila ni Paulo tungkol sa paglipat nito sa ABS-CBN.

"Kumpare ko yun, e, magkaibigan kami, best friends...

"Nasabi na niya sa akin, confirmed na.

"Kasi nung una, hindi pa ko naniniwala, nag-confirm siya sa akin.

"Pero hindi pa nila napag-uusapan yung mga detalye, yung mga bagay," sabi ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayong nagkausap na sila, ano ang reaksiyon niya sa pagiging Kapamilya na ni Paulo?

"Ang reaksiyon ko diyan, ang masasabi ko lang diyan, suportado ko siya," nakangiting sabi ni Aljur.

"Kasi, hindi naman... Kumbaga, may turning point talaga sa career natin na kailangan natin gawin.

"Intindi ko 'yan na para sa ikabubuti niya.

"Ako naman, I trust Paulo naman, e, talagang nag-aalala ako sa kanya bilang isang kaibigan.

"So, alam ko yung ginagawa niya.

"Alam ko yung ginagawa niya, and dahil dun, susuportahan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa ni Aljur, "Hindi naman magbabago yung tao, e.

"Mabait yung si Paulo, network lang nagbago sa kanya. Kumbaga, lumipat lang siya ng istasyon."

Bagamat lumipat na ng istasyon, patuloy pa rin daw ang komunikasyon ng dalawa, lalo pa't iisa lang ang gym na pinupuntahan nila.

Yun nga lang daw, mas busy na ang aktor ngayon.

Suportado man ni Aljur ang desisyon ng kanyang kaibigan, aminado ito na nalungkot siya sa paglipat nito.

"Ang sa akin lang, medyo nalungkot ako," sambit niya.

"Hindi naman ako nanghihinayang dahil alam ko naman what's best for Paulo, e, kung ano yung desisyon niya.

"Alam ko yung sa kanya, e, matalinong tao si Paulo, e.

"Malungkot ako, kasi kasabayan ko yun, e. Produkto kami ng StarStruck, so ine-expect ko sabay kaming aangat.

"Pangalawa, kasama ko siya sa lahat ng mga successful shows ko nun sa GMA, e, di ba?

"Yung Dapat Ka Bang Mahalin, talagang napakagaling niyang villain dun. Tapos yung All My Life.

"So, siguro nalungkot lang ako. [Kasi] for a time, for a time, sabihin na nating for a time, hindi ko siya makakatrabaho."

OTHER NETWORKS' OFFER. Kahit na lumipat na ng isatsyon ang isa sa mga kaibigan niya, wala raw planong umalis sa Kapuso network si Aljur.

Pero pag-amin niya, may mga tila nagpapahaging sa kanya mula sa ibang networks.

"Well, may mga offers na dumadating," maingat na sabi ni Aljur.

"Di ko naman kumpirmado, pero hindi pa pumapasok sa isip ko 'yan—ang lumipat.

"Pero hindi confirmed, e. Di confirmed, e, nasabi ko lang.

"May mga naririnig ako, pero wala pa sa isip ko na lumipat."

Dagdag pa ni Aljur, "Masaya ako sa GMA ngayon, sa ginagawa nila sa akin.

"At marami pa akong gustong patunayan, marami pa akong pangarap na maabot na nasa GMA ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN