LJ Reyes has no plans to settle down yet with Paulo Avelino despite their good relationship

IMAGE 0

LJ Reyes seemed very happy when she attended an event with boyfriend Paulo Avelino on November 24. Despite rumors that they may have broken up after Paulo transferred to ABS-CBN, the Kapuso actress clarified that their relationship is as strong as ever and they remain committed parents to their one-year-old son Ethan Akio.


Kasalukuyang ine-enjoy ni LJ Reyes ang kanyang panandaliang break sa showbiz.

Katatapos lang kasi niyang gampanan ang kontrabida role sa Time Of My Life, kung saan umani ang kanyang pagganap ng magandang feedback mula sa mga manonood. (CLICK HERE to read related article.)

Dahil dito, marami sa kanyang fans ang umaasang masusundan ulit ito ng magandang follow-up project.

Masaya namang ibinalita ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga plano ng GMA-7 management para sa kanya.

Kuwento niya nang dumalo siya sa Primadonna event noong November 24 sa Shangri-La Hotel sa Makati:

"I just signed up with GMA Network [again], yung exclusive contract with them.

"Most probably teleserye [ang next project ko] and meron ding wino-workout na indie films."

READY TO GO DARING. Matapos isilang ni LJ ang anak na si Ethan Akio noong July 24, 2010, pakiramdam ng iba ay mas nag-mature siya sa kanyang pananaw sa buhay at sa kanyang propesyon.

Aniya, handa na raw siya ngayong tumanggap ng mas mabibigat at mas daring na roles sa pelikula at telebisyon.

"Ako kasi, sinabi ko naman sa manager ko, si Kuya Perry [Lansigan], na gusto ko iyong craft ko iyong nauuna.

"Hindi dahil mommy na ako, kailangan ko nang magpa-sexy, di ba? Yung craft yung nauuna dapat.

"Ako, basta maganda yung project, iyon 'yong gusto ko.

"Iyon 'yong gusto kong tanggapin, more on character roles.

"Puwede naman sa akin 'yong [sexy] as long as kailangan talaga sa role.

"At kung ikagaganda naman ng kuwento, bakit hindi?"

STRONGER RELATIONSHIP WITH PAULO. Aminado si LJ na anuman ang dumating na offers sa kanya ay ikokonsulta muna niya ito sa boyfriend na si Paulo Avelino.

Matatandaang sabay silang dumating sa naturang event—patunay na matibay pa rin ang kanilang relasyon bagamat wala na si Paulo sa GMA. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan kasi ay lumipat si Paulo sa bakuran ng ABS-CBN, at suportado naman ni LJ ang desisyong ito ng kasintahan.

"It's still the same," saad ng aktres tungkol sa estado ng kanilang relasyon sa gitna ng pagkakalayo.

"Kasi kahit naman noong nasa GMA siya, e, may work naman kami pareho kaya minsan hindi nagma-match yung schedule.

"Pero depende naman 'yon on the both of you, if you will find time for each other.

"Kasi in whatever relationship naman talaga, if you're committed, di ba, kung work man 'yon or friendship or sa family, you will make it work."

Sa katunayan, masaya pa nga siya sa magandang takbo ng career ngayon ni Paulo.

Kabilang kasi si Paulo sa cast ng bagong primetime teleserye na Ikaw Ay Pag-Ibig bukod sa iba pang projects sa Kapamilya network.

"I'm so happy and proud of him. Siyempre, nakakatuwa na may nararating siya, di ba?"

WEDDING PLANS? Sa ngayon, tanging showbiz career at pagpapalaki muna sa kanilang anak ang priority nina LJ at Paulo.

Nang tanungin namin si LJ kung may balak na ba silang magpakasal ng kasintahan anytime soon, ito ang naibulalas ng aktres:

"Naku! Huwag naman soon."

Aminado si LJ na pangarap niya ring humarap sa dambana at maikasal kay Paulo.

Subalit ipinaliwanag niya kung bakit ayaw pa nilang tuparin ito sa nalalapit na panahon.

"Feeling ko kasi, marami pang dapat ayusin.

"I mean, kasi siyempre iyong situation naman namin is different from other couples, di ba?

"There are so many adjustments [we have to do].

"Hindi naman kailangang madaliin iyon."

Nag-propose na ba si Paulo sa kanya?

"Hindi pa, wala pa kami doon, e. Huwag nating madaliin."

Kung sakali namang dumating ang araw ng kasal nila ni Paulo, nais ni LJ ang isang maliit lang na selebrasyon, katulad ng naganap na pag-iisang dibdib nina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni LJ, "For me, gusto ko yung intimate wedding lang kasi ang ganda-ganda.

"Ayoko ng big wedding.

"Kasi I was at Ate Jolens's wedding.

"It was a small wedding, pero ang ganda kasi lahat ng nandoon kilala mo, close talaga sa puso mo.

"Tapos alam nilang lahat yung kuwento ninyong mag-asawa. Ang ganda ng gano'n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN