PART 1 JC de Vera finally speaks up on Rhian Ramos-Mo Twister controversy: "E, dun na lang ako sa NR... no reaction, di ba?"

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera (above) describes former girlfriend Rhian Ramos:

"E, doon ko siya nakilala, na very strong talaga pagdating sa mga decisions. Maybe puwedeng maging mali, puwedeng maging tama para sa kanya, pero pinanindigan niya at naging responsible siya," he says.


Naging karelasyon ni JC de Vera noon si Rhian Ramos.

At sa taping niya for TV5's upcoming series na Valiente (airing this February 13), tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC kung ano ang una niyang reaksyon nang mabalitaan niya ang tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng aktres at ng dati nitong karelasyon na si DJ Mo Twister.

At ang sagot ni JC ay...

"Wala!"

Nagulat siya?

"Hindi, hindi naman.

"Ano naman, ever since kasi pag may desisyon na ginagawa yun, pinaninindigan niya.

"Nagiging responsible naman siya dun, di ba? E siyempre naniniwala ako na ano yun e, choice niya yun, e.

"E lahat naman tayo nabubuhay by choice e, so iyon yung pinili niyang choice, kailangang niyang panindigan so...

"E, doon ko siya nakilala, na very strong talaga pagdating sa mga decisions. Maybe puwedeng maging mali, puwedeng maging tama para sa kanya, pero pinanindigan niya at naging responsible siya."

Ano naman ang reaksyon niya na nadamay ang pangalan niya sa kontrobersiya?

"Aba ewan ko sa kanila!

"Talaga? Aba ewan ko! Actually wala akong naging reaction.

"Ever since nga naniwala ako na by choice ang mga ginagawa niya, kahit alam niya yung mga mangyayari sa future, choice niya pa rin, gumagawa siya ng sarili niyang choice.

"Kumbaga napaplano naman niya kasi talaga lahat kaya...

Nagulat ba siya na nadawit ang pangalan niya?

"Hindi! Sino ang nagsabi ? Wala akong alam."

Kumalat na lang basta ang balita.

"Buti nga kung si Rhian ang nagsabi, di ba? Buti kung si Rhian ang nagsabi, e hindi naman si Rhian ang nagsabi."

Naawa siya kay Rhian?

"Hindi ko sure yung term, e. Hindi ko alam kung awa ba o yung parang concerned, yung ganun.

"Hindi ko maintindihan kasi... well siyempre lahat ng mga ganyan mapi-feel mo rin yung nararamdaman nila kasi siyempre ganun yung nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakatingin sa kanya lahat ng tao, lahat naaawa, yung iba naman natutuwa, parang ganun. So ako saan ako pupuwesto?

"E dun na lang ako sa NR... sa no reaction, di ba?

"Pero napi-feel ko kung ano yung nararamdaman niya kasi hindi naman talaga madali para sa isang tao na yung kung anu-ano ang naririnig mo tungkol sa sarili mo.

"Ang daming nagba-backstab sa yo, ang daming naninira sa yo, so napi-feel ko naman yung nangyari sa kanya.

"Kaya lang siyempre para sa akin e hindi na ako dapat makisawsaw diyan sa ganyang usapan.

"Hindi naman sa dahil ayaw ko siyang pag-usapan pero hindi lang appropriate na sumali pa ako sa usapan or para lang maki-join ako sa ano nila, sa fame nila," at tumawa si JC.

Matagal na raw silang walang komunikasyon ni Rhian.

"Wala, wala kaming communication."

Nagkita raw sina JC at Mo Twister noong time na pareho pa silang nasa TV5.

"Pag nagge-guest ako sa Paparazzi tsaka sa Juicy."

Kinakausap siya ni Mo? May tsika na galit diumano sa kanya si Mo.

"Ah talaga, galit siya sa akin? Baka baligtad! Baka baligtad."

Bakit siya galit kay Mo?

"Hindi ko alam e, parang ayoko lang sa kanya. E di ba normal naman yun sa lalaki. Tsaka kasabay ko siya, e! He! He! He!

"Kasabay ko yun, e. Pero okay lang..."

Kaya hindi sila nagpansinan sa mga pagkakataon na nagkikita sila dati sa TV5.

"Ang plastik ko naman kung papansinin ko siya, di ba?

"Wala din naman akong sasabihin sa likod niya, wala rin akong maririnig na sinasabi niya tungkol sa akin, ano na, good na yun, kumbaga okay na yun, huwag na lang tayong magpansinan."

Basta wala lang raw siyang maririnig na sinasabi ni Mo behind his back.

"Oo, kasi siyempre ako pag once na may marinig ako sa kanya, aba e ibang usapan na yun. Ibang usapan na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aawayin na niya si Mo?

"Oo!"

Mas malaki siya kay Mo...

"Tsaka lalaki ako!"

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Hindi, kasi parang... hindi naman sa madaldal, siyempre alam mo din naman na pinagtatanggol niya rin yung emotions niya pero... e kanya-kanya lang naman yan, ako pinili kong hindi ako magsalita, di ba?

"Pinili kong huwag siraan yung babae pero siyempre kahit anong mangyari, at the end of the day, babae pa rin yun, di ba?

"Parang ano yan e, parang nanay mo yan e, so kahit anong gawin mo, at the end of the day nanay mo yan so... parang ganun, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN