Dingdong Dantes on Kris Aquino's pronouncement that he deserves to win Best Actor for Segunda Mano: "Nakaka-pressure talaga."

IMAGE Noel Orsal

Asked to comment on his chances of winning Best Actor for his performance in Segunda Mano at the MMFF 2011, Dingdong Dantes says: "Siguro, higit pa sa manalo man or anuman ang makuha ko, yung experience na na-gain ko. Ng lahat, magmula nang mapag-usapan namin ang istorya hanggang sa last shooting day, hanggang sa pag-dubbing. At siguro, much more if I'd see the faces of those who watched at alam kong naligayahan sila. E, walang katumbas na kahit anong tropeyo


Kagabi, December 12, ay tumuntong sa bakuran ng Kapamilya network si Dingdong Dantes.

Bago pa man isipin na mangingibang-bakod na ang Kapuso actor, nagpunta siya roon para sa presscon ng pelikulang Segunda Mano na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. sa loob mismo ng ABS-CBN compound.

Ang Segunda Mano ay isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011.

Ito ay tinatampukan ni Dingdong kasama ang Kapamilya stars na sina Kris Aquino at Angelica Panganiban, mula sa direksiyon ni Joyce Bernal.

Ayon kay Dingdong, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatuntong siya sa ABS-CBN.

Saad niya, "Hindi naman first time na makapunta ako dito.

"Pero every time pumupunta ako, it's a good experience.

"Na siyempre, mas maganda na hindi ka madalas na nakakapunta para ma-appreciate mo ang mga bagay-bagay, and I appreciate everything."

PRODUCERS. Bukod sa pagiging bida ng Segunda Mano, co-producers din sina Dingdong at Kris; kasama ang Star Cinema at MJM Productions.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung may pagkakataon ba na nagkaroon sila ng problema ni Kris bilang producers.

"Wala talaga," mabilis na tugon ng aktor.

"Kasi siyempre, kapag sinu-shoot namin 'yan, yung sumbrero bilang artista, yun palagi ang nandoon.

"At bilang producer, hindi ko naman iniisip yun.

"At siyempre, bilang producer, kailangan maganda ang kalabasan.

"At as an actor, marami akong mage-gain from it.

"Lahat naman yun natupad, higit pa."

Hindi nga raw makapaniwala si Dingdong na ang pinag-uusapan lang nila noon ni Kris, ngayon ay nagawa at natapos na nila.

"Yung akala ko noon na pinag-uusapan namin, matatagalan pa.

"Now, it's a reality. Mangyayari lang siya sa December 25.

"So, sana panoorin nilang talaga."

Simula't sapul ay isa nang Kapuso si Dingdong.

Hindi ba naging isyu na imbes na sa GMA Films ay mas pinili niyang makipag-co-produce sa Star Cinema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Dingdong, "Originally, nanggaling din naman ang idea sa kanila [GMA Films].

"Gaya nga ng sabi ni Kris, dahil nag-usap sila ni Ms. Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president].

"And I'm willing to do this all over again, but for a different concept."

Diin pa niya, "Of course, GMA is my network."

THE PRESSURE. Naging very vocal si Kris sa wish niyang mag-No. 2 sila sa MMFF 2011, lalo't sinasabi nito na ang Segunda Mano ang "pinaka-best" sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

Sa kaso ni Dingdong, gaano ba kalaki ang pressure sa kanila na hindi lang sila ang bida sa pelikula kundi sila rin ang producers?

Saad ng actor-producer, "Kasi, we gave so much of ourselves in this project.

"So, one thing for sure, they won't feel shortchanged and mae-enjoy nila 'yan.

"Kung sa pressure, oo. Pero sigurado, kapag nakita nila 'yan, maliligayahan sila."

BEST ACTOR. During the presscon, panay ang papuri ni Kris sa naging performance ni Dingdong sa kanilang pelikula.

Ayon pa nga sa actress-TV host, pelikula raw talaga ni Dingdong ang Segunda Mano.

Deserving din daw itong manalo bilang Best Actor, hindi lamang sa MMFF kung hindi sa iba pang award-giving bodies.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Well, what can I say? Thank you," halatang namula si Dingdong sa mga papuring narinig mula kay Kris.

"Totoong may pressure talaga. Meron talaga.

"Hindi ko pa naman napapanood nang buo ang pelikula.

"Kahit na noong nagda-dub ako noong unang beses, kasi konti pa lang ang na-cover ko, nakikita ko naman na medyo iba pala ang resulta compared sa noong sinu-shoot namin.

"So, masaya, kasi it adds up to the great experience of me doing this film.

"Sabi ko nga, sobrang thankful ako that this happened.

"I would like to thank so many people for making it possible.

"For example, my bosses in GMA and, of course, Star Cinema for welcoming me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For my co-actors na napakagaling at napakabait, hinding-hindi ko makakalimutan 'to.

"And of course to Kris, for being so generous and for being so well-equipped on- and off-cam, all the time."

Paano niya nasabing sobrang generous ni Kris?

"On- and off-cam, she's always prepared.

"Hindi lang sa pagiging artista kung hindi sa mga dala niya rin.

"Lahat yata ng kailangan ng isang tao, e, nasa van niya. Parang ganoon.

"She's very generous to everybody.

"Especially when it comes to acting, talagang binibigay niya yung lahat-lahat.

"She's giving her all, all the time.

"Kumbaga, para matulungan ka niya as an actor."

Ayon din kay Kris, she would feel some injustice kung hindi si Dingdong ang makasungkit ng Best Actor sa awards night ng MMFF 2011.

Halatang nahihiya pa rin si Dingdong at sinabing,"Nakaka-pressure talaga.

"Pero ang importante, ini-enjoy ko lang ang pelikula.

"Siguro, higit pa sa manalo man or anuman ang makuha ko, yung experience na na-gain ko.

"Ng Lahat. Magmula nang mapag-usapan namin ang istorya hanggang sa last shooting day, hanggang sa pag-dubbing.

"At siguro, much more if I'd see the faces of those who watched at alam kong naligayahan sila.

"E, walang katumbas na kahit anong tropeyo yun."

Kaugnay sa promotion ng Segunda Mano, lalabas din si Dingdong sa ilang programa ng ABS-CBN; kabilang ang The Buzz, eLive, Bottom Line, Bandila, at KrisTv.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN