Dingdong Dantes on winning Best Actor at the 37th MMFF: "Ako? Talaga? Parang hindi ako makapaniwala dahil I really wasn't expecting it."

IMAGE Nimfa Chua

Dingdong Dantes on his first win as Best Actor:

"Kung gaano siya ka-importante, minsan, sinasabi ko na bonus na lang talaga na magkaroon ng recognition o award. Minsan nga, iniisip ko na hindi ko talaga siya hinahangad, pero, noong makuha ko siya at masabihan nga na ako [ang nanalo], kakaiba pala ang feeling. Minsan, masasabi mo talaga na kailangan siya ng isang aktor para at least, ma-verify mo na meron kang tamang ginagawa," he says.


Si Dingdong Dantes ang itinanghal bilang Best Actor ng 2011 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Segunda Mano. Ginanap ang awards night noong December 28, 2011 sa Resorts World sa Pasay City.

Yun nga lang, hindi personal na narinig ni Dingdong na tinawag ang pangalan niya at hindi rin niya personal na natanggap ang kanyang tropeo.

Nasa Boracay si Dingdong noong mga oras na yun kasama ang kanyang pamilya at gayundin ang girlfriend na si Marian Rivera.

Pero kagabi, December 30, ilang oras pagkarating ni Dingdong mula sa Boracay ay nagpaunlak ito ng interview para maipabatid na rin ang kasiyahan at pasasalamat sa natanggap na karangalan.

Ayon kay Dingdong, "First time akong mabigyan ng Best Actor award sa pelikula.

"Kung gaano siya ka-importante, minsan, sinasabi ko na bonus na lang talaga na magkaroon ng recognition o award.

"Minsan nga, iniisip ko na hindi ko talaga siya hinahangad, pero, noong makuha ko siya at masabihan nga na ako [ang nanalo], kakaiba pala ang feeling.

"Minsan, masasabi mo talaga na kailangan siya ng isang aktor para at least, ma-verify mo na meron kang tamang ginagawa," aniya.

"But more importantly, para sa akin, sobrang bonus talaga yung award.

"Kasi, mas mahalaga talaga noong nag-umpisa kaming gawin ang pelikula, gusto talaga namin ay marami ang makapanood.

"And more importantly, I'm grateful na sobrang dami ng nanonood ng pelikula, so, masayang-masaya ko ro'n."

IN BORACAY. Nasaan siya noong makarating sa kanya ang balitang nanalo siya ng Best Actor?

Natawa si Dong sabay kuwento na, "Noong mga bandang alas-otso, ka-text ko si Edgar Mangahas ng MJM Productions, ang aming partner ng Star Cinema and Agostodos Picture.

"Sila ni Direk Joyce Bernal ang nag-attend ng awards night.

"So, sabi ko, balitaan niyo na lang ako kasi, nandito ko sa Boracay," aniya.

"Ang dahilan kung bakit nandito ako kasi, months back, hindi pa kami nagsu-shooting, nangako ako sa family ko na kapag gitna ng Christmas at New Year, dadalhin ko [sila] ro'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, bihira kami na mabuo ng ganoon karami. So, nandoon ako. Hindi ako nakagawa ng paraan na makauwi ng mas maaga kasi, punong-puno ang mga flights,

"Pag ganoon talaga, mahirap ang booking. So, I was in this restaurant, around 10 o'clock, nag-a-update ako, hanggang sa sabi niya [Edgar Mangahas], malapit na.

"Nasa Best Supporting na. Two more awards, nasa Best Actor na at Best Director.

"Alam ko si Joyce nandoon. I was also hoping na makuha niya [ang best director award] kasi, bilib na bilib ako sa gawa niya plus the fact na, we we're graded A by the C.E.B.

"I was really hopeful na manalo rin siya."

HE WASN'T EXPECTING IT. Dugtong pa ni Dingdong, "When I received the call, I think, that was 11 or past 11 [p.m.], sumisigaw si Edgar pati si Joyce.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Parang, basta... sabog lang ang boses.

"Hindi ko maintindihan. Akala ko si Joyce or kung sinuman. Basta, they we're very happy.

"Noong sinabi sa akin na, ikaw!

"Ako? Talaga?

"Medyo nag-pause ako. Parang hindi ako makapaniwala dahil I really wasn't expecting it," ang sabi ng aktor.

"Ayoko rin naman na ma-disappoint. Kumbaga, nasabi ko nga na kung ibibigay sa akin yun, sobrang laking bonus sa akin noon.

"Kaya medyo nag-pause pa ako nang matagal hanggang sa tinanong ako ng mga kasama ko kung bakit ka ganyan.

"Sabi ko, 'Nakuha ko.'

"So, tuwang-tuwa silang lahat. Nagtataka yung mga nasa kabilang table kung bakit ang saya namin.

"So, yun, nag-celebrate kami. Sabi nga nila, 'Sayang, bakit hindi ka nag-attend. Sayang, wala ka ro'n.'

"Pero hindi e, bukod sa hindi ko ma-cancel ang flight, siguro, pareho rin ang kasiyahan na nandoon ako sa stage at tinatanggap ko yun.

"Noong malaman ko naman, kasama ko naman kayo [pamilya ni Dingdong]. Kumbaga, hindi ko naman kayo madadala sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kumbaga, kayong mahahalagang tao sa buhay ko, kasama ko kayo noong malaman ko. Para sa akin, sapat na yun."

TRUSTING THE DIRECTOR. May sinabi raw si Direk Joyce na bilang direktor ng Segunda Mano, hindi raw nito sinasabi talaga kay Dingdong ang totoo.

Na para raw kay Joyce, nakita na nga nito na maganda at magaling ang pagkaka-portray ng aKtor sa kanyang character.

Ang sabi naman ni Dingdong na natatawa, "Hindi naman talaga nagsasabi yun kahit kalian.

"Sa rami ng pinagsamahan namin, isa sa mga na-appreciate ko sa kanya, no comment na lang siya kung gusto niya ang ginagawa mo o hindi.

"Kasi para sa akin, mas okay yun. Kasi, hindi niya binibigyan ng validation kung tama o hindi.

"[So] mas nakakapag-explore ako as an actor. Although, kapag mali naman talaga ang ginagawa [ko], sasabihin niya, 'Hindi Dong, huwag tayong pumunta ro'n.'

"Isang malaking bagay na nagtiwala talaga kami ni Kris kay Direk Joyce dahil sa simula pa lang, noong wala pa ang material, talagang nauna naming napagdesisyunan na kunin si Direk Joyce at ito naman ang naging resulta.

"At nagpapasalamat ako sa kanya. Hindi ko rin naman magagawa ito kung hindi dahil sa kanyang mainam na direksiyon."

SWEET VICTORY. Bukod sa kanyang pamilya, kasama rin ni Dingdong si Marian nang matanggap niya ang magandang balita.

Tinanong namin siya kung ano ang naging reaksyon ng girlfriend.

Ayon kay Dingdong, "Yes, she was there beside me. She was to my left. Tuwang-tuwa rin siya siyempre.

"Muntik na rin akong malaglag sa upuan ko," natatawang kuwento pa ni Dingdong.

"Actually, medyo napa-ganoon na rin ako kaya nahawakan ko siya. Tuwang-tuwa rin siya, sobra."

Did he have any inkling that he would win Best Actor for Segunda Mano?

"No, never kong nasabi at never kong na-claim sa sarili ko lalo na noong ginagawa ko [ang pelikula].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ayoko rin naman na ma-distract. Zero in talaga ko sa character [ko]. Wala akong iniisip pagkatapos.

"Wala akong expectations. Kaya mas naging sweet ang victory dahil walang expectation."

FEELING THE PRESSURE. May pressure na ba siyang napi-feel ngayong isa na siyang Best Actor winner?

Pag-amin naman niya, "Siyempre, meron. Pero gaya ng sabi ko, kung palaging confident ka lang naman sa gawa mo, kahit ano pa 'yan, siyempre, magiging masaya ka sa resulta."

Ang co-producer at co-star niya sa movie na si Kris Aquino ay naging very vocal sa paghanga sa performance ni Dingdong sa Segunda Mano.

"Yes, grabe... even when we were talking on the set with regards sa kahit anong bagay.

"Minsan, may opinion siya sa ganitong bagay. Ako rin, minsan naghuhulaan kami kung ano ang mangyayari and most of the time talaga, ang prediction niya, e, tumatama.

"Siguro, that's her gift sa mga ganoong bagay.

"Pero para sa amin, nag-usap nga kami, kakaiba talaga kung inaalay mo na lang sa Panginoon dahil definitely, masasabi ko rin naman na I really prayed hard na mapunta kung kanino deserving," aniya.

"Ganoon din daw pinaubaya lang namin lahat sa Kanya and then it happened."

Hindi naman maiaalis na sa bawat panalo, may mga masaya at may mga hindi masaya para sa aktor. Ano naman ang reaksyon niya sa ganito?

"Nakakatawa kasi, noong ina-announce yun noong gabing yun, ang daming tumatawag, ang daming nag-text.

"Sabi ko, first time akong nakatanggap ng maraming text. Combined na birthday ko at Pasko.

"Yung tipong ang messages mo, times three. Ganoon karami ang pumapasok at hanggang ngayon, may pumapasok pa rin.

"Sobrang overwhelmed ako. Pambihira, ganito pala ang pakiramdam. Pati ang mga taong hindi ko nakakausap.

"Yung alam ko na hindi mahilig manood ng pelikula ay talagang nanood sila at meron silang common view, common opinion sa pelikula at sa performance ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin, yun ang pinaka-mahalaga.

"Maaaring maraming opinion ang ibang tao, okay fine, nirerespeto ko yun.

"Pero, mas nire-respeto ko ang opinion ng institution na nagbigay sa akin ng recognition at yun ang isang bagay na hindi mo matatawaran, hindi mo maku-kuwestiyon dahil sa integridad at kredibilidad ng institusyon na yun."

STAYING POSITIVE. Hiningan din si Dingdong ng komento sa naging pahayag naman ni Governor ER Ejercito na bagama't walang binanggit na pangalan, diumano'y si Kris Aquino ang tinutukoy nito sa binitiwang salita na 'Itinaya kasi ng host na ito ang kanyang pangalan at pamilya para lang makuha niya ang Best Actor.'

Sa kabila nito, positibo pa rin si Dingdong sa lahat.

Aniya, "With regards to that, there are so many positive things that are happening.

"Kung iisipin ko 'yan, medyo hindi rin magandang pakinggan.

"Para sa akin, mas gusto kong mag-concentrate sa magagandang nangyayari, especially kakabalita lang sa akin na medyo umangat ang ranking namin sa box office.

"Isang bagay talaga na ginusto namin dahil ang objective lang talaga namin, maraming makapanood ng pelikula.

"Yung pagkapanalo is an added value which I appreciate very much.

"So, para sa akin, again, I'll go back to saying that I do give respect sa institution na nagbigay sa akin noon at yun ang kinikilala ko.

"At yun ang isang bagay na hinding-hindi ko ikukuwestiyon."

Sa mga mahigpit niyang nakalaban, may mensaye ba siya?

"Para sa akin, hindi ko nga kino-konsider na competition 'yan because ang importante, na-accept ng maayos ng mga tao ang performance ng bawat isa."

SEGUNDA MANO, THE SEQUEL. Magkakaroon ba ng sequel ang pelikula nila?

Ayon naman kay Dingdong, hindi pa raw niya naiisip sa ngayon ang mga ganitong bagay.

"Definitely, this is the start of something good for me and Agostodos Pictures.

"Napakagandang first venture. Napakalaking blessing para sa amin. So, siyempre, we do not want it to end here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang objective lang naman ay gumawa palagi ng mas magandang pelikula para mas maraming ma-entertain at mas maraming ma-educate at mas mapayaman kahit papaano ang industriyang ito."

Tinanong din si Dingdong kung ano ba ang mas importante sa kanya, award o box office?

Nakangiti naman niyang sagot, "Siyempre, alam niyo, I'll stick to my objective which is, maraming makapanood.

"So, if it's transmitted to the box-office, so be it.

"Pero, award? Sabi ko nga award is a matter of opinion.

"Maaaring yun ang opinion ng nagbigay sa akin, maaaring yung iba, hindi.

"Basta para sa akin, ang mahalaga ang opinion ng mga taong nagmamahal sa akin.

"Yung mga taong naniniwala at nakakapagbigay ng malaking ngiti sa aking mukha.

"So, yun ang award na hindi matutumbasan ng kahit na ano."

Isang magandang pabaon nga ng taong 2011 kay Dingdong ay ang natanggap na award para sa pagsalubong niya sa 2012.

Pero kung tatanungin ito, paano nga ba niya isa-sum-up ang nagdaang taon?

"Siguro ano 'yan, parang yung taong mahilig mag-cram.

"Yung biglang sa dulo, bubulagain ka na lang ng kung anu-ano," aniya.

"Yun ang nangyari sa akin. Lahat ng unexpected, sa dulo lahat.

"Ang MMFF blessing sa akin ang masasabi kong highlight ng 2011 ko, plus many others."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN