Dingdong Dantes slams critics questioning his MMFF Best Actor win: "Mas nirerespeto ko yung opinyon ng institusyon na nagbigay sa akin ng recognition."

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on winning the Best Actor award at the 37th MMFF: "Dati sinasabi ko na bonus na lang talaga ang magkaroon ng recognition, magkaroon ng award. Minsan nga iniisip ko hindi ko talaga siya hinahangad. Pero nung moment na nakuha ko siya at nasabi nga na ako e, kakaiba pala yung feeling."


Sa unang pagkakataon tinanghal na pinakamahusay na aktor para sa isang pelikula ang Kapuso artist na si Dingdong Dantes.

Iginawad ng Metro Manila Film Festival ang nasabing parangal kay Dingdong para sa filmfest entry na Segunda Mano.

"Dati sinasabi ko na bonus na lang talaga ang magkaroon ng recognition, magkaroon ng award.

"Minsan nga iniisip ko hindi ko talaga siya hinahangad.

"Pero nung moment na nakuha ko siya at nasabi nga na ako e, kakaiba pala yung feeling.

"Minsan masasabi mo talaga na kailangan talaga na... kailangan siya ng isang aktor para at least ma-verify mo sa sarili mo na meron kang tamang ginagawa.

"Wala akong expectations kaya mas naging sweet yung victory, dahil wala akong expectations," ayon sa pahayag ni Dingdong sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kahapon, December 31.

Unfortunately, hindi nakadalo sa Gabi ng Parangal si Dingdong; nasa Boracay ang aktor kasama ang pamilya nito at ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera nang matanggap ang magandang balita.

Magkasama sila nang nakarating sa aktor ang balitang siya nga ang MMFF Best Actor.

"Tuwang-tuwa rin siya, siyempre! Muntik kasi akong malaglag sa upuan ko, actually napa-ganun ako e, tapos medyo nahawakan ko siyang ganun.

"So tuwang-tuwa rin siya, sobra!"

Ayon naman kay Marian...

"Nakaka-proud, kasi bago pa man mangyari yung mga yan ay marami na ang nag-text sa akin na magaling nga raw si Dong sa Segunda Mano.

"Kaya nakakataba ng puso dahil na-appreciate nila si Dong sa pag-arte niya."

Maliban sa co-star niyang si Kris Aquino, bilib na bilib din sa Kapuso hunk ang direktor ng kanilang pelikula na si Joyce Bernal.

"Hindi ko sinasabi kay Dingdong habang ginagawa namin yung pelikula na magaling siya.

"Never kong sinabi sa kanya and I guess dahil dito, masasabi ko na sa kanya talaga na 'Dong, you gave your best at nagpapasalamat ako na ginawa mo iyon sa pelikula natin," ang sabi ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapapasalamat ako sa kanya at hindi ko naman magagawa ito definitely kung hindi dahil sa kanyang mainam na direksyon," pahayag naman ng aktor.

Ayon naman kay Kris...

"He has gotten older at lalo siyang nagkaroon ng maturity and depth sa acting, as in ang galing niya!"

May mensahe namang nais iparating si Dingdong sa mga kumukuwestiyon sa karangalang kanyang tinanggap...

"Mas nirerespeto ko yung opinyon ng institusyon na nagbigay sa akin ng recognition, and iyon ang isang bagay na hindi matatawaran, isang bagay na hindi mo maikukuwestiyon dahil sa integridad at kredibilidad ng institusyon na iyon."

Dahil sa panibagong pagkilala sa husay niya bilang actor, inamin ni Dingdong na mas lalo siyang na-inspire na magtrabaho ngayong 2012.

Ano kaya ang plano ng aktor sa papasok na taon?

"Iyon, gumawa ng mas maraming magandang pelikula!"

Mapapanood si Dingdong sa My Beloved ng GMA-7 ngayong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN