PART 1. Kris Aquino on her failed marriage: "I know how to be a mom, but I guess I don't know how to be a partner."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino on having a new partner in life: "Who doesn't wish to have a partner, di ba? Pero kasi when your children love you so much, you don't feel so sad."


Na-miss nang husto ng Queen of All Media, si Kris Aquino, ang pakikipagtsikahan sa entertainment press.

Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataong makipagkuwentuhan muli sa press, hindi ito nagpaawat sa pagkukuwento ng mga kaganapan sa kanyang career, family, at lovelife.

JOSH & BIMBY. Ibinida muna ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang pagtulog niya sa sahig.

Hinigaan daw kasi ng kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby ang kanyang kama.

Na-touch daw si Kris sa nakita niyang eksena sa mga anak, na magkatabi at mahimbing na natutulog.

At bilang pagdu-document niya ng natunghayan niya, kinunan niya ito sa kanyang phone at buong pagmamalaki niya itong ipinakikita sa mga kaibigan at kakilala sa showbiz.

Sina Joshua at Bimby daw ang rason kung bakit masigla kung umuwi si Kris sa kanilang bahay kahit pagod siya galing sa trabaho.

Nagpapasalamat din si Kris dahil nakikita raw niyang magiging mabubuting tao ang mga ang anak paglaki nila.

Ayon sa TV host-actress, "At least ano...parang tina-try ko... Siyempre kasi, di ba?

"They have so much. Yun, e. They have so many privileges.

"The PSG [Presidential Security Group] is not forever. Hanggang 2016 lang 'yan, ginagano'n ko.

"Nakikita naman ninyo na nagpi-please at thank you ang mga anak ko.

"In fairness naman talaga, magalang.

"Si Joshua calls everybody Kuya and Ate.

"I feel na... Sinabi yun ni Direk Joyce [Bernal] sa akin na...kasi nagpupunta yung dalawa sa akin, e.

"Sabi niya, 'Ang tiyaga mo. Ako, napapagod na mag-converse sa anak ko.'

"Kasi nga, neverending ang tanong nung mga anak ko.

"Sabi niya, 'Ikaw, walang kapaguran at lahat sinasagot mo. Tapos umaarte ka pa.'

"Sinabi niya, 'Kitang-kita na mabait kang nanay talaga. Siguro yung sa asawa, nag-suffer, 'no?'

"Sabi ko kay Direk Joyce, 'Siguro nga!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiwalay na si Kris sa kanyang asawang si James Yap.

Patuloy na kuwento ni Kris, "Sinabi ko [kay Direk Joyce], 'I saw my Mom, e. I saw what a mom was. But I had so few years to see what a wife was.'"

Twelve years old lang si Kris nang paslangin ang kanyang ama na si dating Senator Ninoy Aquino noong August 21, 1983.

"So, siguro yun, e. That's why yung formation sa akin is that, eto, I know how to be a mom, but I guess I don't know how to be a partner.

"Pero siguro, okey na rin yun, kasi my sons naman adore me.

"Talagang kahit na ano, dugu-duguan ako dun sa eksena, sabi ni Bimby, 'Mama you're so brave and beautiful.'

"Tapos sabi niya, 'You killed him?'

"'Yeah!'

"Tapos sabi niya, 'Next time, Mama, I'll kill for you.'"

Ang tinutukoy ni Kris dito ay ang mga eksena niya sa pelikulang Segunda Mano, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

"Cute lang talaga yung dalawa," banggit niya uli kina Joshua at Bimby.

"Who doesn't wish to have a partner, di ba?

"Pero kasi when your children love you so much, you don't feel so sad."

HAVING A NEW MAN IN HER LIFE. Sabi pa ni Kris, napupunuan ng mga anak niya ang kakulangan niya sa lovelife.

May takot lang daw siyang magkaroon ng problema ang mga anak niya sa kung sinuman ang susunod na lalakeng mamahalin niya.

"What if he doesn't get along with them?" sabi ni Kris.

"Actually, that was one of the reasons why it's hard to end it with James, because Josh really had an attachment. So, yun.

"Tapos si Josh pa kahapon, sinabi... Eto kasing si James sinabi, 'You want to watch my game?'

"Eto kasing si Bimby, ayaw manood ng game. E, para manood, niyaya nito si Kuya [Josh].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Bimby, magwa-watch kung kasama ang kuya niya.

"So, 'Mama can I watch Tito James? The Papa of Bimby?' Ganun talaga!" malakas na tawa ni Kris habang kinukuwento ang sinabi sa kanya ni Josh.

Patuloy na kuwento niya, "'Is he inviting you?'

"So, yun, manonood.

"Nakapasok 'ata sila [James's PBA team] sa something.

"Twice to beat or thrice to beat something...sorry, hindi ko na talaga alam.

"Hindi ko na keri!" tawa ulit niya.

Isa pang paliwanag ni Kris kung bakit ayaw niyang magkaroon ng bagong lalake sa buhay niya, "Ano kasi, what if he can't accept them [Josh and Bimby]?

"And what if hindi niya ma-get along ang mga kapatid ko?

"Si Noy [President Noynoy Aquino], hindi makikialam.

"Pero yung two sisters ko...yung older ones, ha. Kasi si Viel, mas low-key lang siya.

"Pero yung ate kong sina Ballsy and Pinky, parang mga mommy ko na rin sila.

"Sabi ko, part of the package pa, may Boy Abunda, Deo Edrinal [her business managers].

"So, sabi ko, kawawa din naman itong lalakeng 'to, di ba?"

DIETHER OCAMPO. Isa sa na-link kay Kris kamakailan ay si Diether Ocampo.

Pagtatapat ni Kris, "Nag-sorry ako sa kanya kagabi.

"Kasi sinabi, 'I'm sorry I stopped being your friend for all the wrong reasons because it was convenient to not be friends.'

"Sabi ko, 'Love, peace, and harmony.'

"Sabi niya,' God bless you!'

"Kasi nga, kukuwestyunin n'yo...huwag na lang.

"Ang ano lang kasi, I think kawawa rin naman yung lalake."

Nahirapan ba si Diether?

"Hindi siya nahirapan," mabilis na sagot ni Kris.

"Yung mga sisters ko ang na-stress.

"Kasi they keep on saying, 'Krissy, he's so cute, di ba?' Yun talaga ang sinabi ng mga sisters ko.

"And sinabi pa ng mga sisters ko, di ba, he's kinda babaero raw ang reputation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'So, why get yourself into that?'

"Sige, para peace na lang, obey!

"Dati hindi ako nag-o-obey. Ngayon, nag-o-obey."

Halos pareho na raw silang dalawa ni PNoy na walang dini-date ngayon.

"Wala na akong pakialam dun. I love him so much, I don't care," sabi ni Kris.

Dagdag pa niya, hindi na dapat iniintriga ang lovelife ng kanyang kuya, gaya na lamang nang napabalitang may natipuhan itong newscaster sa Singapore.

"No, we should not make pakialam, kasi 51," pagtukoy ni Kris sa edad ng kanyang kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN