Part 2 Edgar Allan Guzman gives up TV show with David Archuleta for movie with John Lloyd Cruz and Angel Locsin

IMAGE Monching Jaramillo

Edgar Allan Guzman on working with his idol John Lloyd Cruz: "Kagabi nga may scene kami na drama, ramdam na ramdam ko siya. Ang galing niya talaga. Inapiran ko nga siya. Sabi ko, 'Bro, ang galing mo!' Ang maganda ay nakakakuha rin ako ng experience, ng mga tamang pagbitaw ng linya, ng tamang pag-motivate sa isang scene. So, marami rin akong nakukuhang technique sa pamamagitan ng pakikipagtrabaho kay John Lloyd."


Maganda ang panimula ng taong 2012 para kay Edgar Allan Guzman, ayon na rin sa batang aktor.

Nasama kasi siya sa cast ng romantic-comedy movie na Unofficially Yours, ang Valentine offering ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Gaano katotoong mas pinili niya ang pelikulang ito kaysa sa TV5 mini-series na Nandito Ako, na pinagbibidahan ng international singer na si David Archuleta?

Paliwanag ni Edgar, "Hindi naman po sa mas pinili.

"Actually, mas nauna po kasi naming tanggapin itong movie.

"Dahil nga nagkasapaw-sapaw na yung schedules ko kaya kailangan naming i-give up yung kay David Archuleta.

"Wala namang regrets kasi masaya naman ako sa pelikulang ito, e."

Nilinaw rin ni Edgar ang isyung muntik nang mawala sa kanya ang Unoffcially Yours dahil sa pagiging pasaway diumano niya.

"Sa isyu na 'eto yung muntik nang mawala dahil sa pagiging pasaway ko? Hindi naman po siguro.

"Kumbaga, sa sked lang po, alangan lang po sa sked siguro.

"Pero mas binigyan nga namin ng priority yung pelikula siyempre with Angel and John Lloyd.

"Kumbaga, bigatin nga yung cast, di ba?

"So, para sa akin, magandang experience ito."

Hindi kaya magtampo ang home network niyang TV5 dahil dito?

"Hindi naman po," sagot niya.

"Kasi lahat naman po ng galaw, ng guestings namin sa Channel 2 o sa ibang network, alam po ng TV5.

"Bago po namin gawin, may go signal po galing sa kanila."

WORKING WITH JOHN LLOYD AND ANGEL. Ipinagmamalaki ni Edgar ang pagkakataong makasama sa pelikulang Unofficially Yours sina John Lloyd at Angel.

Ginagampanan niya ang role ng isa sa mga kaibigan ni John Lloyd.

Magandang learning experience daw ang makatrabaho ang isang Best Actor na ay Box-Office King pa.

Saad ni Edgar, "Si John Lloyd kasi, idol ko talaga siya.

"Kagabi nga, may scene kami na drama, ramdam na ramdam ko siya. Ang galing niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inapiran ko nga siya. Sabi ko, 'Bro, ang galing mo!'

"Ang maganda ay nakakakuha rin ako ng experience, ng mga tamang pagbitaw ng linya, ng tamang pag-motivate sa isang scene.

"So, marami rin akong nakukuhang technique sa pamamagitan ng pakikipagtrabaho kay John Lloyd."

Puno rin ng paghanga si Edgar kay Angel.

"Si Angel, marami rin kaming eksena ni Angel.

"Professional, napakaganda niya, at magaling din si Angel.

"Kahit kumbaga sa drama siya nakilala, nakukuha niyang mag-comedy din. Kasi 'pag off-cam, tawanan lang kami.

"Actually, crush ko na siya noon pa lang. Kahit nung nasa GMA pa lang siya, crush ko na siya, nag-Darna siya.

"So, ngayon, talaga namang humahanga ako kay Angel—napakaganda, napaka-seksi.

"Kumbaga, kung ire-rate ko po siya na ten ang highest, eleven po siya para sa akin."

Bukod kina John Lloyd, Angel at Edgar Allan, kasama rin sa cast ng Unofficially Yours sina Edgar Mortiz, Tetchie Agbayani, Ian de Leon, K Brosas, Boom Labrusca, Melissa Mendez, Mel Kimura, Hyubs Azarcon, at Panying.

Introducing naman ang mga anak nina William Martinez at Yayo Aguila na sina Patrizha, Dana, at Danielle Martinez.

THANKFUL TO DIREK CATHY. Sa presscon proper ng Unofficially Yours kahapon, February 1, ipinahayag ni Direk Cathy Garcia-Molina ang paghanga niya kay Edgar Allan.

Kaya naman pagkatapos nilang magkatrabaho sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, muli raw niyang kinuha ang aktor para sa kanyang pelikula.

Ano ang masasabi ni Edgar sa papuring natanggap niya kay Direk Cathy?

"Siyempre, galing kay Direk Cathy na isang box-office director, di ba, nakakataba ng puso, nakakatuwa.

"Actually, first time ko lang din marinig yun, e. Siyempre, na-shock ako. Para manggaling sa kanya, ang sarap pakinggan.

"Ako, nagpapasalamat ako nang sobra-sobra kay Direk Cathy dahil hindi ko expected na isang magaling [na direktor] ay mapapansin ang talento ko sa pag-arte.

"Simula pa nung MMK namin, sinabi ko sa kanya, 'Direk, sana po sa uulitin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya naman sa akin, 'O sige, kukunin kita.'

"So, ang sarap lang ng feeling, nakaka-proud.

"Sana hindi lang ito yung huli naming pagtatrabaho. Sana marami pang kasunod."

NO ISSUE WITH REGAL. Contract star si Edgar ng Regal Films.

Malaki ang pasasalamat ng young actor sa mother studio niya sa pelikula dahil sa pagpayag na makagawa siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

"Naka-contract po ako sa Regal, pero alam naman po at nakapagpaalam naman ako kay Mother Lily [Monteverde, Regal matriarch].

"Kasi nung premiere night po ng My Neighbor's Wife, nandun po kami, nagpaalam po kami ni Sir Noel. Pumayag naman si Mother.

"Lahat naman po ng gagawin namin outside Regal, pinagpapaalam naman po namin."

PROMINENT BILLING. Mapapansin sa poster ng Unofficially Yours ang magandang billing ng pangalan ni Edgar.

Pagkatapos nina John Lloyd at Angel, kasing laki ng font size ng pangalan nina Edgar Mortiz at Tetchie Agbayani ang pangalan ni Edgar.

Ano ang reaksiyon ni Edgar sa magandang billing na ibinigay sa kanya ng Star Cinema?

"Masaya po ako kasi nung ipinakita sa akin ni Sir Noel, 'Wow!'

"Kumbaga, naramdaman ko yung pagpapahalaga at pagbibigay ng importansiya sa akin dito sa pelikulang ito.

"Kasi alam naman natin na dati, 'pag kasama ako sa pelikula, yung pangalan ko ay talagang maliit.

"Natutuwa ako para sa sarili ko.

"Kaya sa Star Cinema, maraming-maraming salamat po kasi kahit Edgar Allan Guzman pa lang ako, na wala pang masyadong napapatunayan, ay binibigyan din nila ako ng halaga sa pamamagitan ng magandang billing.

"Una ko pa lang po ito sa Star Cinema at sana masundan pa ng mas marami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN