Cristine Reyes prefers to spend summer with friends rather than with boyfriend Rayver Cruz


Cristine Reyes on her choice to spend summer with friends and not with boyfriend Rayver Cruz: “Right now, siguro kami na muna ng mga friends ko. Siyempre naman dapat may separate life rin kayo sa isa’t isa. Hindi naman yung palagi kayong magkasama. Kasi, kung palagi kayong magkasama, hindi kayo maggu-grow, di ba?"


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine Reyes, wala pa raw siyang summer plans dahil wala pa siyang ideya kung magkakaroon siya ng libreng oras para makapagbakasyon.

Ayon kay Cristine, “Wala po, wala talaga, kasi puro trabaho.

“Walang time talaga. Kaya parang, wala pa. Puro work talaga.”

Ang ibig tukuyin ni Cristine ay ang mga taping days niya para sa primetime series nilang Dahil Sa Pag-Ibig.

Kung sakali lang na magkaroon siya ng libreng oras, ano ang gusto niyang gawin ngayong summer?

“Kung may time, siguro pupunta ako abroad. Gusto kong bumalik ulit sa New York o kaya naman, Europe.

“Actually, nagpaplano rin kaming mag-Morocco ng friends ko.”

Kasama ba ang boyfriend niya na si Rayver Cruz sa plano niyang pagpunta ng Morocco kung sakali?

Sabi naman ni Cristine, “Right now, siguro kami na muna ng mga friends ko.”

Dugtong din niya, “Siyempre naman, dapat may separate life rin kayo sa isa’t isa.

“Hindi naman yung palagi kayong magkasama. Kasi, kung palagi kayong magkasama, hindi kayo maggu-grow, di ba?

“Kailangan niyo rin na mag-grow.”

MEMORABLE SUMMER. Ano ang maituturing niyang pinaka-memorable summer sa buhay niya?

“Pinaka-memorable summer ko? Siyempre, noong bata ako. Nagbabakasyon kami sa Bicol, sa Bataan o kung saan-saang parte ng Pilipinas.”

Bagaman pang-beach ang katawan ni Cristine, hindi raw siya isang “beach person.”

“Not really, e. Pero... kahit saan mo ako dalhin [okay]. Kahit pa sa bundok, kahit sa beach. Kahit saan talaga.”

Ano naman ang pinaka-hindi niya gusto pag summer?

“Pinaka-hindi ko gusto? Wala, e. Kasi, masarap. Minsan lang din naman umaraw nang todo sa Pilipinas.

"Buong taon sa Pilipinas halos umuulan. So, i-enjoy mo dapat ang summer kasi, two months lang yun.”

Ano naman ang pinakagusto niya sa season na ito?

“Ang pinakagusto ko sa summer, lahat ng tao nag-e-enjoy.

"Lalo na ang mga estudyante, nag-e-enjoy dahil nagsasaya lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napabilang man siya sa FHM's sexiest, pagdating daw sa beach o kung magsu-swimming siya, hindi raw siya nagsusuot ng mga revealing and sexy attire.

“Actually, yun ang hindi po alam ng mga tao," ang natatawang sabi ni Cristine.

"Hindi po ako nagtu-two-piece nang walang shorts. Kasi, ginagawa ko lang yun dahil work.

“Kung naka-two-piece man ako, siguro, tago yun.

"Siguro sa hotel na walang tao. Pero kung sa beach at maraming tao, naka-shorts at saka bra top talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN