Marian Rivera considers childhood family outings in Hinulugang Taktak as her most memorable

“Gusto kong igala ang family ko kung saan man. Kahit mag-outing lang kami. Kahit dito lang sa Pilipinas,” says the My Beloved star when asked about her plans this summer.


Nang tanungin namin si Marian Rivera kung ano ang kanyang plano at saan niya gustong pumunta ngayong summer, sumagot ito agad ng, “Tag-ulan na, hindi na summer.”

Ito ay dahil sa paiba-ibang panahon sa Pilipinas.

Dapat ay matindi ang sikat ng araw ngayong buwan ng Abril, nguni't madalas ay may mga pag-ulan-ulan pa rin tayong nararanasan.

Pero sinabi rin ni Marian na kung mabibigyan naman daw siya ng pagkakataon, lalo pa nga’t abala siya sa pagti-taping ng My Beloved, bukod pa ang sisimulan niyang bagong sitcom, ang Tweets for my Sweets, gusto raw niyang lumabas kasama ang pamilya niya.

FAMILY OUTING. “Gusto kong igala ang family ko kung saan man. Kahit mag-outing lang kami. Kahit dito lang sa Pilipinas.”

Kung sa Pilipinas, masasabing narating na ni Marian ang isa sa pinaka-pangarap ng karamihan na summer destination sa bansa, ang Amanpulo sa Palawan.

Kaya naman ilan sa mga gusto pa raw sana niyang mapuntahan na hindi pa niya napapasyalan ay ang mga bansa tulad ng New Zealand, India at Vietnam.

Pero para kay Marian, kahit saan naman daw na lugar basta kasama niya lang ang mommy niya at ang lola niya.

“Kahit saan talaga basta kasama ko ang mama ko at ang lola ko.

“Actually, kahit talaga saan, kahit nga dito lang sa Manila.”

UNFORGETTABLE SUMMER? Ano ang pinaka-memorable summer niya?

“Noong hindi pa ako artista, palagi kaming nag-a-outing sa Antipolo.

“Sa Hinulugang Taktak. Promise! Kaya lang, wala na yata yun ngayon.

“’Tapos, noong nag-artista na ko, siyempre, Boracay the usual. So, yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN