Barbie Forteza says swimming with cousins in summers past defined her happy childhood

Barbie Forteza on why swimming in Los Baños, Laguna, was like a tradition: “Kaya naman po sa Los Baños, meron po akong pinsan na ang birthday April 30, kaya doon lang kami nagsu-swimming. Pero, kumpleto kami, meron kaming salbabida, meron kaming goggles."


Pakiramdam ni Barbie Forteza, nagawa na niya ang ilang aktibidades ng summer bago pa man dumating ang tag-init.

Nauna na raw kasi ang mga out-of-town trips niya, na kadalasan mga summer destination talaga.

Sabi nga ni Barbie nang tanungin namin ang plano niya ngayong summer, “Sa ngayon, wala pa po, e.

“Parang masyado po akong... nagawa ko na yung mga trips before summer.

“Nakapag-Palawan na ko 'tapos ito nga pong summer special,” pagtukoy niya sa isang palabas.

“Kaya wala na po akong maisip na gawin pa ngayong summer.”

Pero ano ang dream summer destination niya?

“Sabi po nila, maganda raw po ang mga beach sa Cebu.

"Gusto kong mapuntahan. Sana, kung may panahon. Summer, e, kaya beach po talaga ang hanap.”

Yung past summers niya, ano ang memories niya?

Ayon kay Barbie, “As in, gawain na po namin na kapag summer, sa Los Baños po kami nagsu-swimming.

“Never po kaming nag-swimming sa beach. Kaya lang po ako naka-experience ng beach, sa work ko na lang po ngayon.

“Kaya naman po sa Los Baños, meron po akong pinsan na ang birthday April 30, kaya doon lang kami nagsu-swimming.

“Pero, kumpleto kami, meron kaming salbabida, meron kaming goggles.

“Yung feel na feel lang namin. Nakakatawa.”

Masasabi niya ba na naging masaya ang mga childhood memories niya ng summer?

“Opo, kasi, close na close kami ng mga pinsan ko. Parang wala kaming pakialam basta nakakalublob kami.

“Bilang hindi naman kami marunong lahat na lumangoy. So, yun po…”

PROTECTIVE MOM? Pero aminado si Barbie na bilang bata, hindi niya naranasan yung mga larong kalye, lalo na kapag bakasyon sa eskuwelahan.

“Hindi po ako naglalaro sa labas kasi po, natatakot sila Mama na pabayaan ako na nasa labas ng bahay.

“Si Mama po kasi, masyado akong inalagaan. Kaya nga po ngayong paglaki ko, ang dami kong hindi alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako marunong mag-bike. Hindi ako marunong lumangoy. Hindi ako tuma-tumbling.”

May regrets ba siya na hindi niya naranasan ang mga ganoong bagay noong bata pa lamang siya?

“Konti po. Kasi sa trabaho ko ngayon, kailangan flexible ka.

“Kailangan alam mo lahat. E, yun po, marami akong hindi alam.

“E, wala namang masyadong time na mag-aral o mag-training.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN