TV personality Grace Lee denies dating President Noynoy Aquino

IMAGE 0

Grace Lee on being linked to PNoy: "You know, I have the highest respect for the President and I respect his privacy. I leave it up to him to speak on the matter. Pagkatapos na lang siguro kung mayroon man akong kailangang iklaro, sasabihin ko rin here at GMA and GMA News TV only. Best thing to do now ay abangan na lang nila [kung] ano ang sasabihin ni President."


Nag-date diumano si Pangulong Noynoy Aquino III at ang Korean-Filipino GMA-7 TV host na si Grace Lee.

Ito ang sinabi ni Mo Twister, ang kasamahan ni Grace sa FM station na Magic 89.9, sa kanyang Twitter account kahapon, Enero 26: "We are talking about Grace Lee's date last night with President Aquino. #itsmorefuninthephilippines."

Ang tweet ni Mo ay kaagad na naging usap-usapan sa iba't ibang social networking sites.

May ilang natuwa sa balitang ito, habang ang ilan nama'y hindi.

GRACE'S REACTION. Kaugnay nito, hindi na napigilan ni Grace na magsalita tungkol sa lumabas na isyu.

Una na niyang kinausap ang kanyang katrabahong si Mo Twister.

Bandang alas-onse ngayong umaga, Enero 27, ay nag-post si Grace sa kanyang Twitter account ng mensaheng ito: "@djmotwister look what you did!!!!

Dagdag pa ni Grace: "@djmotwister you owe me!! Wait until I visit you in NY!!!"

Gayundin, nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa timeline ni Grace ang ilang posts na kanyang ipinararating sa national daily na Philippine Star.

Kaugnay ito sa artikulo ni Delon Porcalla ngayong araw, Enero 27, na inilathala sa website ng naturang pahayagan.

Ayon sa artikulo, si Grace ay "reportedly been telling her colleagues that Aquino, a 51-year-old bachelor, is her textmate, and that the President tries to visit her if he has time."

Bandang alas-diyes ngayong umaga'y sinagot ni Grace ang mga maling detalye diumano na inilabas sa naturang website.

Narito ang kanyang mga post:

"@PhilstarNews I never said we dated. Nor did I say we are text mates. Nor that he comes to visit me."

"@PhilstarNews and I don't speak cebuano!!"

"@PhilstarNews one more thing, I'm 29, not 28... How can you guys publish an article on the front page with so much wrong information?"

NEVER SPOKEN OF PNOY. Ngayong tanghali, sa noontime news program na Balitanghali ng GMA News TV, kung saan isa siya sa mga host, nagbigay ng maikling statement si Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit niya na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na nagkukuwento siya sa kanyang mga kaibigan ng tungkol sa Pangulo.

Sabi ni Grace, "'Wag po muna kayong maniwala sa lahat ng nababasa ninyo.

"Lalo na 'pag ang article na 'yon ay sinasabi na si Grace Lee ang nagsabi or according to her.

"Wala pa akong nire-release na statement and I have never spoken of him [PNoy] publicly yet."

Gayundin, ipinaubaya na ni Grace sa Pangulo ang pagsagot sa isyu na ito, at sinabing kung sakaling may kailangan siyang klaruhin ay gagawin niya ito sa kanyang home network.

"You know, I have the highest respect for the President and I respect his privacy.

"I leave it up to him to speak on the matter.

"Pagkatapos na lang siguro, kung mayroon man akong kailangang iklaro sasabihin ko rin here at GMA and GMA News TV only.

"Best thing to do now ay abangan na lang nila [kung] ano ang sasabihin ni President."

Pero isang matamis na ngiti lamang ang isinagot ni PNoy nang tanungin siya ng GMA News kung nagde-date ba sila ni Grace.

Ang balita namang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inimbitahan daw si Grace sa MalacaƱang kasama ang First Family.

BACKGROUND. Nagsimula na maiugnay ang pangalan ni Grace kay Pangulong Noynoy nang mag-host siya sa inagurasyon ng KEPCO-SPC Clean Coal Power Plant noong Hunyo 27, 2011 sa Brgy. Colon, Naga City, Cebu.

Ito'y isang coal-operated power plant na joint project ng Korean Electric Power Corporation (KEPCO) at SPC Power Corporation.

Sa talumpati ni PNoy ay tinawag niyang "gwapa" sina Cebu Governor Gwendolyn Garcia at Grace Lee, na ang ibig sabihin sa Cebuano ay "maganda."

Binigyan agad ito ng kulay ng ilan at pinagpapares na sina PNoy at Grace.

Pero walang umusbong na anuman sa pagitan ng dalawa noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN