Meg Imperial “ices” her way to a refreshing summer

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial’s summer beauty regimen: “Pag sobrang init na init ‘yong face ko, kasi may tendency na nangangati ako kapag sobrang init. So, naglalagay lang ako every time ng ice para mag-close ‘yong pores ko, tapos ma-refresh ulit siya.”


Tulad ng ibang kabataan, excited si Meg Imperial sa summer season.

Kaya naman nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit niya na hindi lamang oras para sa pamilya ang pinaplano niya ngayong tag-init.

“Mayro’n kaming bonding with fans na sine-set namin na swimming, fans day siya actually,” nakangiting kuwento ng Kapatid talent.

“And may gagawin kaming parang feeding program this summer, dino-join ako ng sponsor ko.

“Then siguro family [bonding], more on family, e, ‘yon lang.”

Pero kung may pagkakataon daw, pangarap niyang makapunta ng Boracay kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Natatawa niyang ikinuwento sa amin na “never pa ako nakapunta ng Bora.

“Siguro gusto ko ma-try, though hindi ako masyadong into swimming talaga, hindi ako gano’n kagaling mag-swimming, gusto ko lang ma-try ‘yong lugar.

“Parang sabi nila, nagtataka ako, parang adik ‘yong mga taong pumunta sa Bora, they want to go to Bora gano’n, sabi ko, ‘Anong mayroon doon?’ Gusto ko malaman.”

SUMMER BEAUTY AND STYLE. Samantala, kapansin-pansin naman ang magandang kutis ni Meg.

Kaya naman ngayong mainit ang panahon, paano kaya niya napapanatili ang kanyang healthy and glowing skin?

“‘Pag sobrang init na init ‘yong face ko, kasi may tendency na nangangati ako kapag sobrang init.

“So, naglalagay lang ako every time ng ice para mag-close ‘yong pores ko, tapos ma-refresh ulit siya.”

Pagdating naman sa summer getup, ito ang payo ni Meg: “Siyempre pag summer, ‘yong mga outfits maninipis lang ‘yan, e.

“More on ano din kasi ako, chiffon ‘yong style kapag summer para hindi siya sobrang init, hindi rin siya sobrang ano sa katawan, and masarap ‘yon sa katawan.

“Tapos ‘yong mga presko lang suotin, parang mga sunny dress na floral, ang aliwalas tignan, tapos flats lang.

“Simplicity is beauty sabi nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN