Jake Cuenca sees John Lloyd Cruz's girfriend Shaina Magdayao as a friend and nothing more

IMAGE 0

"A, hindi. Basta ako, tingin ko kay Shaina, kaibigan. At saka ang mga eksena namin dito, parang walang-effort na magpakilig, kasi sobrang nandoon na agad ang chemistry," says Jake Cuenca when asked what if John Lloyd Cruz would get jealous of his love scenes with Shaina Magdayao in their new teleserye.


Huwag magtaka kung hindi magiging visible ngayong buwan ng January si Jake Cuenca, lalo na sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP.

Aalis na kasi ang aktor papuntang Doha, Qatar, para mag-resume ng taping nila para sa bago niyang primetime series sa Kapamilya network, ang Doha (Kung Ako'y Iiwan Mo).

Matagalan daw ngayon ang taping ni Jake sa Qatar.

Para kay Jake, sulit naman ang sakripisyo kahit may ilang proyekto na nawala na puwede niyang gawin sa Pilipinas.

LOVE SCENES WITH SHAINA. Katambal muli ni Jake si Shaina Magdayao sa series na ito.

"Nasa proseso ako ng paggawa ng bagong soap opera, ang Kung Ako'y Iiwan Mo.

"Kung ibe-base ko sa nakalagay sa trade launch, Doha, tapos may subtitle," saad niya.

Excited din si Jake dahil magkakasama silang muli ni Shaina, na ibang-iba raw ang ipinakita sa kanilang bagong serye.

"Excited ako kasi balik-tambalan namin ni Shaina.

"At alam ninyo, na-excite ako kasi kakaibang Shaina ang ipinapakita niya rito.

"Imagine, ilang beses na kaming nagkatrabaho, pero first time naming gumawa ng mga ganitong eksena."

May mga love scenes sila rito?

"May kissing scenes, may love scenes," pagkumpirma ng young actor.

"Siyempre, binibigyan lang namin ang dalawang character namin at gusto naming maging totoo.

"Siyempre, 'eto ang mga pinagdadaanang problema ng mga OFW [Overseas Filipino Workers].

"Ito ang mga problemang pinagdadaanan natin kapag pinasukan natin ang long-distance relationship.

"It's a mature love story with two young adults."

Ang kaibahan din daw sa bago nilang primetime series ay mga 70 to 80 percent ng soap, makikita na kinuhanan ito sa Doha mismo.

Kumpara raw sa ibang serye, na madalas, sa pilot week lang naipakikita ang mga location abroad.

FEBRUARY SHOWING? Kasama rin nina Jake at Shaina sa Doha sina Christopher de Leon, Phillip Salvador, at Bangs Garcia.

Malamang ay sa February 2012 raw ito sisimulang ipalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jake ang pinakamatagal na nagte-taping sa labas ng bansa.

Pero dahil alam naman daw niya, umpisa pa lang, ang pinasukang series, wala siyang reklamo.

"Siyempre, hindi na rin ako masyadong nakakapag-ASAP.

"Pero alang-alang naman sa pagmamahal at pagtitiwala ko sa proyektong ito, alam ko naman ang pinasukan ko na magiging madugo.

"Maraming sacrifice, pero alang-alang sa pagmamahal ko sa proyektong 'to, alam namin ni Shaina na magiging time consuming.

"And it's worth it naman. Kapag nagsakripisyo ka naman, malaki rin ang naibabalik sa 'yo.

"Alam ko na malaking oportunidad ito para sa akin dahil nire-represent ko ang lahat ng OFW sa buong mundo.

"Lahat ng Filipino na nagtatrabaho at naghihirap abroad, nire-represent namin.

"May pagkakataon kaming bigyan ng mukha ang OFW, at para sa akin, malaking karangalan yun.

"It's worth it," paliwanag niya.

NO CHANCE WITH SHAINA? Pangatlong beses na nilang magkakatambal ni Shaina.

Pero kung titingnan, tila hanggang onscreen romance lang talaga sila.

"Yung kay Shai [tawag niya kay Shaina] naman...ako, gandang-ganda ako kay Shaina.

"Propesyunal, matalino, lahat.

"Totoo naman, napakaganda niyang babae.

"Siguro, wala lang sa timing.

"Pero, ako kay Shai, sobrang saya ako na nakatrabaho ko siya.

"Tulad nga ng sinasabi ko, gamay na kami. Super-gamay na kami.

"Alam niya kung paano niya ako patatawanin. Alam ko kung paano ko siya paiiyakin.

"Tapos, willing na siyang gawin itong mga ganitong klase ng eksena," pagtukoy ni Jake sa sexy scenes nila.

SHAINA CONFIDES? Nakakapag-open up na rin ba sa kanya si Shaina tungkol sa relasyon ng young actress kay John Lloyd Cruz?

Ayon kay Jake, "Ito nga, ang galing. Ang galing ni Shai!

"[Kung] hindi ko pa nakita ang interview, akala ko walang problema.

"Kasi, pagdating niya sa set, wala, wala siyang problema.

"Tapos, dumating sa point na nararamdaman mo na parang mero'n.

"Siyempre, hindi naman tayo parang robot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-usap kami, napag-usapan naman namin ang ilang mga bagay, pero siyempre, yun, sa amin na lang yun.

"Na-touch ako kasi willing mag-open up sa akin si Shai ng mga ganoon kaya na-appreciate ko yun.

"Sinusukli ko lang sa kanya ay maging mabuting leading man."

Hindi ba niya naiisip na posible rin siyang pagselosan ni John Lloyd?

"A, hindi," sagot ni Jake.

"Basta ako, tingin ko kay Shaina, kaibigan.

"At saka ang mga eksena namin dito, parang walang effort na magpakilig kasi sobrang nandoon na agad ang chemistry.

"At ako, sobrang impressed at hangang-hanga ako sa bagong Shaina.

"Yun ang tawag ko sa kanya—bagong Shaina."

NOT YET OKAY WITH MELISSA. Natapos na ang taong 2011. May mga nagbati na, may mga nag-ayos na ng kani-kanilang gusot sa nagdaang taon para makapag-move on na sa taong darating.

Sila ba ng kanyang ex-grilfriend na si Melissa Ricks ay masasabing okay na?

Sabi ni Jake, "Well, hindi kami nag-uusap. Pero, umaasa pa rin ako na, sabi nga, 'time heals all wounds.'

"Siguro ano naman, talagang gusto kong makipagkaibigan.

"Pero sa ngayon, hindi pa handa yung tao at nirerespeto ko yun.

"Pero, alam ninyo, sayang.

"Kasi, noong una, hindi naman ganoon, tapos biglang naging ganoon.

"Siguro nga talaga, kapag nasaktan ka, ang initial, galit.

"Pero ako naman, wala naman akong galit na binibitbit towards her.

"At wala akong sasabihing masama towards her, or anything, kasi wala naman talagang masama, e.

"Sa akin naman, balang-araw, sana maging magkaibigan pa rin kami at naniniwala naman ako na mangyayari yun, di ba?"

NEW RELATIONSHIP. Aminado si Jake na nakikipag-date siya at nakikipagkilala, pero hindi pa raw pumapasok ang actor sa isang panibagong relasyon.

"Ano naman ako ngayon, I'm meeting new people.

"Pero, hanggang ganoon na lang muna. Enjoy naman ako ngayon being single."

Kung sakali ba, non-showbiz na ang gusto niyang susunod na makakarelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi mo rin masabi. Kasi kung minsan, kapag katrabaho mo, ang hirap, e.

"Mahirap magsalita nang tapos, na 'ayoko na ng showbiz.'

"Mahirap, e."

Ano na ang hinahanap niya ngayon sa isang babae?

"Ako, ang gusto ko lang sa isang babae, yung mababaw lang ang kaligayahan.

"Kahit maliit na bagay, gusto ko lang, madali lang tumawa, magaan kasama.

"Mababaw ang kaligayahan.

"Bukod sa lahat, gusto ko lang makahanap ng isang tao na kahit magkasama kayo buong araw, parang kulang pa ang isang araw na kasama mo ang isang tao."

Natawa lang ito nang tanungin ng PEP kung wala pa ba siyang nahahanap na babae base sa kanyang description.

"Tingnan natin. Tingnan natin kung saan natin mahahanap ang mababaw lang ang kaligayahan.

"Basta ang sinasabi ko lang, yung ganoon lang, yung madali lang kasama.

"Kasi, parang sobrang seryoso na ng buhay, so seseryosohin mo pa lalo, baka maubos ang buhok mo sa kaka-stress, di ba?"

LIPATAN. Nauuso ngayon ang lipatan ng network. Kumusta naman siya sa ABS-CBN?

"Hanggang January na lang ang contract ko sa ABS, pero siyempre, ang nakakaalam diyan, ang manager ko.

"Kung anuman ang maisip ng manager ko, mag-uusap kami," sabi ni Jake.

Pero, may offer ba sa kanya from other networks?

"Hindi na lang ako magsasalita.

"Basta ang sa akin naman, mahal ko ang ABS-CBN, at masasabi ko na wala ako sa kinalalagyan ko rin naman ngayon kung hindi dahil sa ABS-CBN.

"So, tingnan na lang din natin.

"Manager ko naman ang makakapagsabi at nakakaalam."

Ang manager ni Jake ay ang dating showbiz writer na si Neil de Guia, na naging protogé naman sa showbiz ng yumaong respected talent manager na si Douglas Quijano.

Paano kung may mag-offer sa kanya ng nakakalulang talent fee?

"Doon ako sa... alam ninyo kasi, more than the offer, more than the money, doon ako sa kung saan maganda ang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako puwedeng pumunta sa isang trabaho na hindi ko nakikitang babagay sa akin.

"So, sa akin naman, willing and able naman akong maging versatile sa role ko.

"Basta ang gusto ko, maganda.

"So, ang labanan sa akin, more than the money, it's the quality of the project.

"Pero ako naman, I work na iisa lang ang focus ko.

"Kung halimbawa at nagti-taping ako, 'yon yun.

"Pero yung mga ganitong aspeto ng career ko, iniiwan ko na sa manager ko at sa management [Star Magic] ko. Sila na yun.

"Basta ako, naka-focus lang ako.

"Mas simple, e. Na hindi mo na iniisip yung iba, kung hindi yung character mo lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN