Jake Cuenca on falling in love this 2012: "Basta ako, hindi naman ako nagmamadali. Kapag nahanap ko na talaga 'yong gusto ko, iyon na 'yon."

IMAGE 0

"Itong nakaraang taon, talagang punumpuno ng blessings. Wala akong makitang masama. Kung may masama mang nangyari sa buhay ko, na-overshadow ng kagandahan at kabutihan ng nakalipas na buong taon," says Jake Cuenca.


Noong 2011 ay marami raw magagandang nangyari kay Jake Cuenca.

Ito nga ang labis na ipinagpapasalamat ng Kapamilya actor.

"Ang dami talagang good things at blessings na napasaakin last year," sabi ni Jake sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko.

"'Yong mga good projects, like In The Name Of Love, Green Rose.

"'Yong mga nagawa kong pelikula—My Neighbor's Wife at saka HIV.

"'Yong pagbabalik ng pamilya ko...it was a great year. A very great year.

"Itong nakaraang taon, talagang punumpuno ng blessings. Wala akong makitang masama.

"Kung may masama mang nangyari sa buhay ko, na-overshadow ng kagandahan at kabutihan ng nakalipas na buong taon."

CINEMALAYA MOVIE. Para sa taong 2012, isa raw sa gustong ma-achieve ni Jake Cuenca ay ang makagawa ng isang indie film para sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Aniya, "That's one thing na...I was telling my manager [Neil de Guia] and ABS-CBN that I really wanted to do.

"And at the same time, may ginagawa na kaming soap ni Shaina [Magdayao]. Sana suportahan ng lahat.

"We're doing Kung Ako'y Iiwan Mo. 'Yon. Sana suportahan ng lahat.

"Siyempre, launching namin ito ni Shaina as a tandem. So, sana tangkilikin ng mga tao."

SHAINA MAGDAYAO. Hindi ba mahirap na maipareha sa isang tulad ni Shaina, na identified kay John Lloyd Cruz sa totoong buhay?

"Hindi," mabilis na sagot ni Jake.

"Si Shaina, sobrang sarap na katrabaho, sa totoo lang.

"At saka 'yong ginagawa namin sa soap ay isang bagay na hindi pa niya ginagawa sa kahit na anong proyekto na ginagawa niya.

"So ako, proud lang ako sa kanya. Inaalalayan ko lang siya.

"At ano naman kay Lloydie, wala naman siyang kailangang alalahanin pa.

"Dahil magkaibigan din naman kami ni John Lloyd."

Pero hindi malayong mangyari na sa katagalan ng pagsasama sa trabaho ay magkaroon ng isyung nagkakadebelopan sila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami?" natawa ulit si Jake.

"Alam mo, sobrang ganda ni Shaina.

"Wala talaga akong masabi. Napakaganda niyang babae. Sobrang bait pa.

"Talagang nakakabighani siya.

"Sa totoo lang, matagal na akong fan ni Shaina noong bata pa lang siya.

"At talaga namang...ang galing niyang umarte.

"So, I'm just honored to be working with her."

Bagamat napapabalitang nagkabalikan na raw sina Shaina at John Lloyd, may mga nagdududa ring parang hindi naman daw.

Ano ang masasabi ni Jake dito?

"'Yon ang hindi ko alam. Hindi ko alam 'yon," nangiting reaksiyon ni Jake.

Hindi nila napag-uusapan?

"Nagkukuwentuhan kami paminsan-minsan. Pero para sa amin na 'yon.

"I mean, sa amin na lang kung ano 'yong mga napag-uusapan namin sa set," sabi ng aktor.

MELISSA RICKS. Kumusta naman sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Melissa Ricks?

"Ha? Ayun? Tagal na 'yon!" sabay tawa ulit ng aktor.

"Congratulations sa kanya. 'Yong kanyang Nasaan Ka Elisa...toprating teleserye.

"Matagal na kaming hindi nagkikita, e.

"So, hindi pa kami nakakapag-usap o kahit anuman."

Kahit through text man lang?

"Hindi, e," sabi ni Jake.

"Nagkakasalubong naman kami. Sa nakaraang Christmas party [ng ABS-CBN], ganyan.

"Pero kanya-kanya na kami ngayon.

"And tulad nga ng sinabi ko, I will always be a friend to her.

"Kay Melissa naman talaga, proud ako sa kanya ngayon sa lahat ng ginagawa niya.

"Na talaga namang lahat ng ginagawa niya, successful."

Nagkaroon na ba ng closure ang nagwakas nilang relasyon?

"Hindi...okey na. Okey na 'yon. Oo.

"Basta masaya ako para sa kanya. Iyon na 'yon. Oo," matipid na sagot ni Jake.

LOVI POE. Nangiti naman si Jake nang matanong tungkol kay Lovi Poe, na minsang na-link sa kanya nang magkasama sila sa My Neighbor's Wife, kung saan kasama nila sina Carla Abellana at Dennis Trillo.

Saad ni Jake, "Sana nga itong taon na ito, makagawa ulit kami ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, sobrang proud ako sa movie namin na My Neighbor's Wife.

"Sana magkatrabaho ulit kami very soon."

Bakit nga ba nagkaroon ng isyung nagkakamabutihan na sila ni Lovi?

May balita pa nga na nakikita raw si Lovi na pumupunta sa condo unit niya.

"Hala!" natawa na naman ang binata.

"Hindi totoo 'yon. Nagkataon lang na pareho kami ng compound.

"Basta ang totoo, we're good friends. And I'm happy that we're very good friends."

Nagkikita pa ba sila at lumalabas?

"Paminsan-minsan. Kasi pareho kami ng set of friends, e. Kaya minsan nakikita ko siya.

"At kagaya nga ng nasabi ko, masaya ako na magkaibigan kami," sabi ni Jake.

Ano naman ang masasabi ni Jake sa balitang makakauwi na sa Pilipinas ang dating boyfriend ni Lovi na si Ronald Singson?

Matatandaang nakulong si Ronald, isang dating kongresista, sa Hong Kong dahil sa kasong drug possession.

"A...I'm happy for. I'm happy for them.

"Basta magkaibigan naman kami ni Lovi and there's no problem with that."

LOVELIFE IN 2012. Ano nga ba ang rason at wala pa rin siyang bagong lovelife ngayon?

Ani Jake, "Ang dami kasing trabaho.

"At saka blessed na blessed ako na, at least, maraming trabaho."

Hindi ba niya iwi-wish na ngayong 2012 ay magkaroon na siya ng bagong lovelife?

"A...bahala na si Batman!" sabay tawa na naman ni Jake.

"Basta ako, hindi naman ako nagmamadali.

"Kapag nahanap ko na talaga 'yong gusto ko, iyon na 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN