Mikael Daez on his secret cove: "I do not want to disclose the place because I do not want it to be commercialized.”

IMAGE Courtesy of Mikael Daez

The model turned actor spent the last Holy Week with his friends at what he calls his "secret cove" somewhere in Zambales.


Katulad ng karamihan sa mga artista at celebrities, sinamantala ni Mikael Daez ang katatapos lamang na Holy Week para magbakasyon at magpahinga mula sa kanyang hectic schedule.

Isa sa mga lead stars ng primetime drama series ng GMA-7, My Beloved, sinabi ni Mikael na ngayong artista na siya at abala sa trabaho, mas napapahalagahan na niya ang tunay na kahulugan ng bakasyon kaysa noong nag-aaral pa lang siya.

Ayon sa model-writer-host-actor, “Back in school, I never fully appreciated the significance of a vacation. Now that I am working, all that has completely changed,” pahayag ni Mikael.

Isa nga raw sa maituturing niyang most unforgettable summer ay noong nagbakasyon sila ng mga kaibigan at schoolmates niya sa island paradise ng Boracay sa Malay, Aklan.

Kasama kasi niya ang halos lahat ng mga kaibigan niya, at memorable ang bakasyon na iyon para kay Mikael dahil kaka- graduate lamang niya that time from college sa Ateneo de Manila University.

Bukod doon, natatawa pang ikinuwento ni Mikael na nakumbinsi siya ng ilang mga kaibigan na mag-model for the first time sa Philippine Fashion Week.

Ang kinita niya doon ang ginastos niya sa kanyang one-week Boracay escapade.

“Hindi pa ako nagmomodelo noon. Wala pa ako sa showbiz, ‘tapos may friend ako na sabi, magmodelo raw ako sa Fashion Week.

“Noong una, sabi ko, ‘Ano’ng gagawin ko doon, hindi naman ako marunong magmodelo?’

“Pero nung sabihin sa akin na okay yung talent fee, naisip ko, ‘Bakit hindi, tamang-tama, may pang-Boracay na ako,’” ang natatawang kuwento ni Mikael.

LAST HOLY WEEK. At nitong nakaraang Mahal na Araw, kahit isang gabi lang ay muling na-enjoy nang husto ni Mikael ang summer, kasama ang mga kaibigan niya.

“The 'mini-vacation' that the Holy Week has afforded me is now something I cherish! With that, I made sure to spend it wisely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Armed with my close friends and a few supplies, I set out to a ‘secret cove’ somewhere in Zambales.

“I do not want to disclose the place because I do not want it to be commercialized,” natawa niyang saad.

“Anyway, we spent an overnight camping trip by the beach to relax and recover from our days at work. It was an amazing time!

“We cooked our own food. [We had] cheese spread and bread, liempo and fish and junk food galore!”

Hindi raw makakalimutan ni Mikael at ng mga kaibigan niya ang katatapos lamang nilang bakasyon dahil sinulit nila talaga ang summer adventure nila.

At hindi lamang pagsu-swimming sa dagat ang ginawa nila.

“During the day, we had a mini-olympics which was insanely fun!

“After wearing ourselves out, we kicked back on our hammocks and tents.

“At nightfall, we lit up a bonfire, enjoyed a few drinks and made the vacation unforgettable,” ang masaya pang kuwento ng guwapong binata.

At ayon pa kay Mikael, “It was so fun, we want to do it again next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN