NEWBIE: Khalil Ramos won’t say goodbye to singing

IMAGE Melo Balingit

Khalil Ramos, though excited to explore his skills, will never leave singing behind. “I think permanent na ‘yon sa akin, hindi na mawawala,” the young newbie actor said.


Mula sa pag-awit, susubukan na ni Khalil Joseph Ramos, o mas kilala bilang Khalil Ramos, ang pag-arte.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil sa presscon ng Princess and I noong Abril 11, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Ang Princess and I ang debut TV show ni Khalil, sa primetime block ng Kapamilya network.

“It’s amazing!” bulalas ni Khalil.

“Kasi parang ito na, e. I always wanted this when I was still a child— na mag-total performance.

“So, tapos na ‘yong singing, ito na acting, and so far sobrang ganda ng experience, masaya, sobrang saya ng teleserye na ‘to.”

GREAT OPPORTUNITY. Ang proyektong ito’y itinuturing ni Khalil na stepping stone niya sa showbiz.

Bukod daw kasi sa bago lamang siya sa industriyang ito, wala rin siyang background sa pag-arte.

Unang nakilala si Khalil nang sumali siya sa talent search show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent Season 3.

Second-runner up siya sa naturang kompetisyon. Nagwagi rito ang Maasinhon Trio na taga-Southern Leyte.

Hindi man pinalad na maging grand champion nang panahong iyon, masaya si Khalil dahil patuloy na umusbong ang kanyang karera.

Katunayan, ang head ng Star Cinema na si Malou Santos ang mismong pumili sa kanya para mapasama siya sa Princess and I.

Ngunit hindi naging basta-basta ang pagtanggap ni Khalil dito.

“Siyempre, nang nakuha ko, siyempre kinabahan ako,” pag-amin ng 16-year-old na baguhang aktor.

“Uhm, of course pinag-isipan ko muna ‘to, like siguro mga two days or three days.

“Pero, sinabi nga po sa akin sa PGT [Pilipinas Got Talent] po at ‘yong handler ko po noon, ‘‘wag mo tatanggihan ‘yan. You strike when the iron is hot.’

“So, ako, I took the challenge, pinag-isipan ko.

“So, naisip ko, ‘kaya ko pa kaya? Sige, I’ll take it,’ ayon, I’m happy that I did, kasi being here right now, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Khalil, “I’m really pressured, hindi mo maaalis ‘yong pressure kasi ako lang ang inexperienced, so, aabangan nila kung kaya ko ba umarte.

“So, I think mayroon naman, kaya naman kasi maganda naman ang feedback.

“Pero aabangan nila talaga ‘to, and I’m really, really happy right now talaga.”

GOODBYE SINGING? Ngayong pinasok na ni Khalil ang pag-arte, hindi raw ibig sabihi'y tatalikuran na niya ang pag-awit.

Nakilala si Khalil sa PGT dahil sa kanyang boy-next-door look at mahusay umawit.

“Permanent” na raw ang pag-awit sa kanya anumang karera ang kanyang subukan.

“A, no, I won’t stop singing— ever in my life.

“I think permanent na ‘yon sa akin, hindi na mawawala.

“A, continue pa rin ang singing habang kaya, as in continue talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN