Lea Salonga says she did not "diss or attack" Anne Curtis; admits she's insulted by "off-key singers" calling themselves singers

IMAGE Rommel R. Llanes

Lea Salonga on Anne Curtis: "I'm not sure that she should make a career out of singing but I thinknaman she... In reality, she knows what she is. She knows who she is. And I think she just basically let out a wish and somebody made it come true. I thought it was really cute. I didn't get to see the concert. But everybody that I know that went there had a lot of fun."


Laman ng balita ngayong linggo ang diumano'y pang-iinsulto ng international singer na si Lea Salonga sa pagkanta ng aktres ni Anne Curtis.

Ito rin ang sinasabing dahilan kaya nagalit diumano ang fans ni Anne kay Lea.

Nag-ugat ang isyung ito sa report na inilabas ng InterAksyon.com, ang news portal ng TV5, noong Linggo, Pebrero 12.

Sinabi ng portal na ininsulto raw ni Lea si Anne sa isang interview nito sa iba't ibang media outfits.

Pero nang mag-react na ang kampo nina Lea at Anne, hindi pinanindigan ng portal ang inilabas nitong balita: agad itong umatras at naglabas ng apology.

FULL TRANSCRIPT. Inilabas din ng InterAksyon ang full transcript ng interview kay Lea upang malinawan ang buong konteksto ng pahayag ng singer tungkol kay Anne.

Naganap ang panayam kay Lea noong February 11 sa music video shoot ni Lea para sa bagong reality singing search ng TV5, ang Kanta Pilipinas, sa isang studio sa Cubao.

Sa una kasing inilabas na report ay naputol ang ilang pahayag ni Lea, kaya lumabas na nilalait ng Pinay international recording artist ang Kapamilya actress.

Sa interview ay tinanong si Lea kung sino sa hanay ng singers sa Pilipinas ang mga gusto niyang makasamang kumanta.

Nabanggit ang pangalan ni Anne Curtis, na nagkaroon ng solo concert noong January 28 sa Araneta Coliseum.

Sagot ni Lea, "No. Sorry."

Paliwanag niya sa kanyang naging tugon, "No offense to her. But you said, what singer?

"Anne admits... she is not a singer. I have to give her that. I congratulate her for the concert..."

Tinanong din si Lea tungkol sa mga non-singer celebrities na pumapasok sa music industry at nagkakaroon pa ng album.

Muli, nabanggit ni Lea rito ang pangalan ni Anne.

Aniya, "Ahhh... I have to think very carefully before I answer 'coz I don't want to hurt anybody's feelings. I need to sort of protect the occupation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am a singer. And I consider myself a singer.

"I consider Regine Velasquez, Rachelle Anne Go, Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla—those are singers.

"And you know, on the one hand, for purposes of self-promotion, puts out an album that is well-produced naman and it's okay, it's fine, I guess.

"But I get offended when somebody who clearly cannot sing represents himself or herself as a singer.

"It's like, you're just insulting me and every other singer that makes a living out of singing and working hard and honing their craft.

"The thing about Anne, I'm glad for her, 'I'm not a singer. I'm an entertainer.'

"So, I can't get angry at her. And she doesn't represent herself as a singer.

"She had a dream to one day do a concert at Araneta Coliseum. She made it come true...

"What I get angry at is when somebody who clearly has no voice to speak of... Every single song that they get their hands or fancy themselves as a singer and thinks they can make a career out of it.

"And I feel insulted, severely."

Sa hiwalay na panayam kay Lea, sa pareho ring event, tinanong sa kanya ang naging pahayag niya kay Anne.

Ano raw ang gagawin niya kapag pinalaki ng iba ang mga sinabi niya tungkol kay Anne?

Sagot naman ni Lea, "You know I really can't... I guess she just wants it for one night to be able to do that.

"And it's really cool that a lot of people wanted to support her and...

"But yeah, I'm not sure that she should make a career out of singing but I thinknaman she...

"In reality, she knows what she is. She knows who she is. And I think she just basically let out a wish and somebody made it come true.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I thought it was really cute. I didn't get to see the concert. But everybody that I know that went there had a lot of fun."

LEA'S TWEETS. Pagkatapos lumabas ng apology at full transcript ng interview niya sa InterAksyon ay nagbigay ng pahayag si Lea sa kanyang Twitter account.

Dito ay muli niyang iginiit na hindi niya ininsulto o inatake si Anne.

Ito ang magkakasunod na tweets ni Lea noon ding February 12:

"A full transcript of an interview answer I gave today has just been posted. I didn't diss or attack @annecurtissmith directly...

...but I have strong opinions about off-key singers. Anne herself doesn't identify as a singer. I respect that and said so today.

"So before anyone decides to launch an attack because of what I said, which I stand by, find out exactly what I said in full, and in context.

"There are people calling themselves singers without the talent to justify it, taking away business from those that rightly deserve it.

"That is what burns me, and is insulting to all singer-craftsmen, gifted artists that work so hard and need to be heard and patronized."

HATE CAMPAIGN. Sa kabila ng paglilinaw ng news portal ng TV5 at mga pahayag ni Lea tungkol sa isyu, patuloy pa rin ang pambabatikos na natatanggap ng international singer sa ilang tabloids at maging sa social networking sites.

Ito ang dahilan kung bakit panay ang gamit ni Lea ngayon ng "block button" sa kanyang Twitter account.

Aniya sa Twitter, "No actually, I've been getting cussed out by total strangers in the last couple of days, so I got curious. Block button's busy."

Tungkol naman sa mga batikos na natatanggap niya, ito ang pahayag ni Lea:

"I've gotten my fair share. Name it, I've probably been called it from behind the comfort of a computer screen and keyboard."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa naman sa pinakahuling entries ni Lea sa kanyang Twitter account kahapon, February 14, ay ito:

"What kind of person would cuss someone out on Twitter? Anong klaseng tao ang nagmumura sa iba sa Twitter? Duwag o matapang? Coward or brave?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN