Anne Curtis reiterates: "I'm not a singer, I'm a performer."

IMAGE Noel B. Orsal

Anne Curtis admits she is not really a singer, but a performer. "Kaya nagpe-perform na lang ako. Kahit wala nang show... Like, I dance, I have fun. Pero alam naman natin hindi talaga ako singer."


Tanging iling at pagtangging sumagot sa isyu sa kanila ni Lea Salonga ang nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Anne Curtis nang makausap namin ang aktres pagkatapos ng pagpapakilala sa kanya ng Century Tuna bilang kanilang bagong celebrity endorser.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Anne at Lea kamakailan dahil sa balitang inilabas ng isang news portal.

Nagkaroon na ng paglilinaw mula sa mismong website, na humingi na rin ng paumahin sa inilabas na hindi kumpletong balita, pero marami pa ring fans ni Anne ang hindi nagustuhan ang mga naging pahayag ni Lea—kahit na hindi direktang tumutukoy kay Anne.

(CLICK HERE to read related story.)

"I'm not gonna comment about it. Sorry," paghingi ng paumanhin ng Fil-Australian actress nang makaharap siya ng PEP sa Mandaluyong Room ng Makati Shangri-La Hotel kahapon, Pebrero 16.

Sa halip, tinanong na lang ng PEP ang aktres tungkol sa repeat ng Annebisyosa concert nito sa Mayo.

"No, no... No repeats," tanggi muna ni Anne.

"It's a world tour lang."

Napa-"naks!" naman ang katabi niyang co-endorser na si Derek Ramsay sa kanyang sinabi.

Natatawang kuwento ni Anne, "When Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment big boss] asked me to do a repeat, sabi ko, 'Hindi ko na po kaya!'

"It's so hard kasi to repeat something that's of novelty, like that.

"But pinaalala naman niya sa akin, 'Nung pumirma ka ng kontrata, pumirma ka ng world tour.'

"So, happy naman ko, I said, go!

"So, we'll be travelling naman."

Kasama raw sa mga bansang pupuntahan ng Annebisyosa World Tour ang U.S. at Middle East.

Pero mauuna raw muna sa March ang Cebu.

"Nagmamadali sila. So, March na kaagad," sabi pa ni Anne.

Pero magiging mahirap din daw sa kanya dahil may ginagawa nga siyang teleserye habang magaganap ang World Tour niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang teleseryeng ito ay ang Kailangan Ko'y Ikaw na pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Robin Padilla.

Nabanggit na noon ni Kris na gagawan ng paraan ang schedules ng World Tour ni Anne at ng teleserye nila.

"I'N NOT A SINGER." Kinumusta naman ng Philippine Star reporter na si Jerry Donato ang singing career ni Anne.

"My singing career?!" balik na tanong naman ni Anne.

"I guess it's more of like my dream happened.

"My dream to have an album, to have a concert..."

Sabat muli ni Derek, "Sold out concert!" na ikinatawa ni Anne.

Masaya raw siya sa nangyaring katuparan ng kanyang pangarap. Pero paglilinaw ni Anne, hindi niya talaga career ang pagkanta.

"It's not my career. It's just a dream, and I love to sing. I love to sing in karaoke..."

Tama na raw yung naisakatuparan na ang pangarap niyang magka-record album at mag-concert.

Kinukonsidera ba ni Anne na isa siyang "breakthrough singer"?

"Parang hindi naman!" natatawang sagot ni Anne sa tanong ni Jerry.

"Parang... I'm not a singer, I'm a performer!" tumawa muli si Anne pagkatapos sabihin ito.

Aminado naman kasi si Anne na hindi talaga siya marunong kumanta.

"Kaya nagpe-perform na lang ako. Kahit wala nang show...

"Like, I dance, I have fun.

"Pero alam naman natin hindi talaga ako singer," sabi pa ni Anne.

Pero sa kabila ng hindi pagiging tunay na singer ng 27-year-old actress, marami ang nagkagusto sa pagsasakatuparan ni Anne ng kanyang pangarap para maging recording artist.

Sa katunayan, nakaabot ng Platinum Record award ang AnneBisyosa album ni Anne sa loob lang ng dalawang buwan mula nang i-release ito sa market.

Ayon sa Philippine Association of the Record Industry (PARI), binibigyan ng Platinum Record status ang isang recording o album ng isang artist o banda, kapag narating nito ang bilang ng 20,000 kopyang nabenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging malaking tagumpay rin ang AnneBisyosa: No Other Concert niya nung Enero na halos pumuno sa Smart-Araneta Coliseum na may seating capacity na 25,000.

WHAT ELSE DOES SHE WANT TO ACHIEVE? Sa taong 2012, ano naman kaya ang bagong pangarap ni Anne na gusto niyang tuparin?

"Ayun, na-achieve ko yung concert ko this 2012. So, early in the year!" tumatawang nasabi ni Anne sa PEP.

"I don't know, I don't know... I really don't know what else."

Biro ni Derek sa kanya, "She's done it all!"

"Actually..." sagot naman ni Anne.

Pero kung may gusto raw siyang gawin talaga, ito ay ang magkaroon ng sarili niyang negosyo.

"I wanna put up my own business. I wanna design.

"So there are still so many things out of the [show] business that I want to achieve...

"So, let's see. We'll see how everything works out this year, after the teleserye," pahayag pa ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN