Gelli de Belen on joining Janice de Belen and Carmina Villarroel in ABS-CBN: "Naisip ko rin."

IMAGE Noel Orsal

"Pero kasi at that time, mas concrete ang offer ng Singko kesa do'n. Hindi lang din nagkaayos sa GMA. Yung sa Dos, mero'n, pero hindi as concrete as what TV5 offered. So, siyempre ako, 'Teka muna, sa mas maayos.' Kaya nandito ako," replies Gelli de Belen when asked why she did not transfer to ABS-CBN like Janice de Belen and Carmina Villarroel.


Isa si Gelli de Belen sa dumalo sa press launch ng mga shows ng TV5 ngayong 2012, na ginanap sa NBC Tent last week.

Si Gelli ay kabilang sa mini-series na Nandito Ako, at sa bagong noontime game show na Game 'N Go kasama si Edu Manzano.

KAPATID. Noong October 2011 nagsimulang mapanood si Gelli sa TV5 matapos niyang iwan ang GMA-7.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host ang ilang buwan na niyang pagtatrabaho sa Kapatid network.

"Ayos lang naman ako dito, masaya.

"With the decision, I think so," pagtukoy niya na tama ang kanyang desisyong paglipat sa TV5.

Dagdag pa ni Gelli, "Okay, alam ko ang iniisip n'yo. It's not like the ano... well, it really isn't, but that's part of one of the risks that I took.

"You know, hindi naman ako aspiring for superstardom with my stature right now.

"I really want to work and work well. Yun lang naman ang gusto ko talaga.

"And with TV5, they've given me a chance to broaden my horizon."

EAT BULAGA! Ang Gellicious ang unang show na ginawa ni Gelli sa TV5, pero tapos na ito dahil isang season lang daw talaga ang takbo nito.

Ayon pa kay Gelli, "Eto na kasi ang Game 'N Go."

Noontime show ang Game 'N Go na makakatapat ng institusyon sa larangan ng telebisyon—ang Eat Bulaga! ng GMA-7.

"Mauuna kami ng konti pero makakatapat din. Unfortunately!" natawa niyang sabi.

"E, wala, e..."

Noong in-offer sa kanya ang show, na tatapatan nila ang Eat Bulaga!, ano ang naging reaksiyon niya?

"Napaisip ako nang maiging-maigi," sagot ni Gelli.

"Pero naisip ko rin, kakaiba ito.

"It's the first time I'll be co-hosting a game show. It's not a variety show kasi puro games talaga.

"Bawat games, iba-iba ang set, ang looks. Para kang nag-incorporate ng apat na game show sa isang show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kontrol ba siya sa shows na kanyang ginagawa.

"Hindi. Kasi hindi ako pumipili. Kasi ino-offer nila, e.

"Hindi naman ako mapili. Hindi naman ako yung, 'A, ang dream ko, 'eto.' Wala naman akong ganoon.

"Kaya kung may offer, ako, 'Parang masaya 'yan, a? Let's go!' Pipili pa ba 'ko?"

CARMINA AND JANICE. Ang co-hosts niya sa morning show noon ng GMA-7 na SiS, sina Carmina Villarroel at Janice de Belen, ay kapwa nasa ABS-CBN na ngayon.

Hindi ba niya naisip na sana ay napasama rin siya sa kanila?

"Naisip ko rin," pag-amin ni Gelli.

"Pero kasi at that time, mas concrete ang offer ng Singko kesa do'n.

"Hindi lang din nagkaayos sa GMA.

"Yung sa Dos, meron, pero hindi as concrete as what TV5 offered.

"So, siyempre ako, 'Teka muna, sa mas maayos.' Kaya nandito ako."

Ayon kay Gelli, dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5.

BYE GMA-7. Tila may impresyon na silang tatlo raw nina Janice at Carmina ay may naging tampo sa GMA-7 kaya sila magkakasunod na umalis dito.

Pero paglilinaw ni Gelli, "Sa Kapuso? Wala akong tampo sa Kapuso.

"Siyempre, Kapuso will always have a soft spot in my heart because I was there for like ten years.

"Walang bad blood. Hindi lang talaga nagkaayos. Ganoon lang yun.

"Business is business. Hindi lahat utang na loob. Hindi lahat sa pagkakaibigan.

"Siyempre sila, may business sila. Ako rin, business ko ang sarili ko."

Diin pa niya, "Wala kaming isyu ng GMA.

"Noong naghiwalay kami ng GMA, maayos, walang problema, and I have no bad blood with them.

"And of course, forever naman naka-engrave sa puso ko na nag-SiS ako for eight years.

"Inalagaan din naman nila ko for ten years. So, hindi talaga."

DAVID ARCHULETA. Maganda naman ang experience ni Gelli sa kauna-unahang teleserye niya sa TV5, ang nag-pilot ngayong linggo na Nandito Ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idagdag pa rito ang tsansang makatrabaho ang American Idol runner-up na si David Archuleta.

Ayon kay Gelli, "David is a darling. Gusto mo siyang itiklop at ilagay sa loob ng bulsa mo.

"Napakabait na bata. He's so grounded. He's a good boy. Very gracioso. Very nice."

May ilang araw rin daw silang magkasama sa taping.

"Masaya siya. Kanta lang siya nang kanta.

"Kapag hindi kami nagti-take, kanta lang siya nang kanta.

"Para siyang jukebox!" natatawang sabi ni Gelli.

VALENTINE'S WITH HUBBY? Katatapos lang ng Valentine's Day nang makausap namin si Gelli. Kaya naitanong namin sa kanya kung sila ba ng asawang si Ariel Rivera ay nagse-celebrate pa rin ng Araw ng mga Puso.

"Wala!" mabilis niyang sagot.

"At saka sanay ako na kapag Valentine's Day, meron siyang concert.

"So, parang hindi na namin makuhang mag-celebrate.

"Una sa lahat, napaka-traffic. Puno ang restaurants, makikipagsiksikan pa ba kami?

"Valentine's Day, sa bahay lang kami."

Nawala na ba sa kanila yung "kilig moments" kapag may espesyal na okasyon?

"Hindi naman kailangan, e, kung kayong dalawa ay may constant communication.

"Kayong dalawa, e, masaya, maayos. May kilig, pero yung kilig-kiligan na passion.

"There comes a time na yung emotional connection supersedes all of that, e.

"Eventually, you'll think shallow yun, e. Kikiligin ka for a moment, then after that, what else?

"Whereas, when you know you have security, plus you know you're secured about how he feels about you, how you feel about him and how our family is, that supersede all the passion and kakiligan."

Kasama sa kuwenta noong magkasintahan pa lang sila, magtu-20 years na raw sina Gelli at Ariel.

Nineteen years old pa lang daw si Gelli nang maging sila ni Ariel, at magti-39 na siya this year.


MARITAL PROBLEMS? Noong kasal na sila, may time din ba na muntik na silang maghiwalay na hindi lang alam ng publiko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never. Never ever.

"I always believe, kahit noong mag-boyfriend pa kami, ayoko ng cool-off muna, cool-off muna.

"'Ano, break na tayo!' Ayoko ng ganoon.

"Kasi kapag sinabi ko yun, totoo na.

"Ayoko ng naka-hang. Makikipag-break ka, 'tapos deep inside, umaasa kang liligawan ka ulit.

"Oo o hindi. Tapos ang usapan."

Walang naging selosan sa pagsasama nila?

"Wala.

"Ako, selosa talaga ako as a person. Pero hindi kami umabot sa puntong, 'Sino 'yan?'

"I think ang suwerte ko lang, si Ariel, mature na, family man talaga.

"Kaya nga ang advice ko sa mga bagets, yung mapapangasawa n'yo, titingnan n'yo kung paano siya sa magulang niya.

"Kung papaano ang relationship ng magulang niya, malamang sa malamang, ganoon kayo.

"Kasi, yun ang norm niya, e. Yun ang alam niya, so yun ang gagawin niya."

HER TWO SONS. May teenager na silang anak ni Ariel.

Ang kanilang panganay na si Joaqui ay 13 years old na at si Julio naman ay 11. Parehong nag-aaral sa Ateneo ang kanilang dalawang anak.

Wala ba sa kanila ang nagpapakita ng interes na mag-showbiz?

"Wala! Walang nagpapakita ng interes.

"Si Joaqui, mahilig kumanta, pero mahilig lang!

"Mana yata sa akin si Joaqui," natatawang sabi ni Gelli.

"Si Julio, hindi niya hilig talaga.

"Pero kung sakali, bigla na lang meron magkahilig, ako talaga, ang gusto ko lang, makatapos sila.

"Alam ko na 'yan. Pinanggalingan ko na 'yan.

"Kapag kumikita ka na, wala, e, mawawalan ka talaga ng interes.

"May pera ka na, mas masaya.

"'Tapos yung konting oras mo na puwede mo sanang ipahinga, i-school mo pa, hindi ka na makakapag-concentrate."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN