Carmina Villarroel returns to Kapamilya network; looks forward to working with Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal

Carmina Villarroel on signing up with ABS-CBN: "I'm really happy that 'yon, that I'm back here sa aking tahanan kung saan ako nagmula."


Pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang nagbabalik-Kapamilyang Carmina Villarroel.

Noong December 23 lamang ay ini-report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng PEP Alerts, ang kumpirmadong paglipat ng TV host-actress mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Nakipagpirmahan din sa contract ni Carmina kahapon, January 16, ang executives ng ABS-CBN na sina Ms. Cory Vidanes (channel head) at Ms. Linggit Tan (entertainment head).

Dumating din ang kaibigan niyang si Janice de Belen, na una nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong nakaraang taon.

Isa sa mga nakalinyang proyekto ni Carmina sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN ay ang talk show na pagsasamahan nila ni Janice.

Matatandaang nagkaroon ng long-running morning talk show noon sina Carmina at Janice, kasama si Gelli de Belen, sa GMA-7—ang SiS.

Nasa TV5 na ngayon si Gelli.

Biro pa nga ni Carmina kay Janice pagkatapos nilang magyakapan, "We're so back!"

Bukod sa talk show niya with Janice, nakatakda ring gumawa ng teleserye si Carmina sa ABS-CBN.

KAPAMILYA AGAIN. Noong 1991 ay inilunsad si Carmina sa sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake.

Nakasama niya rito sina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana, ang yumaong si Miguel Rodriguez, Amy Perez, Cynthia Patag, at si Ms. Gloria Romero.

Noong 2003 ay lumipat si Carmina sa GMA-7 at nanatili siya ng walong taon.

Ang huli niyang programa sa Kapuso network ay ang afternoon soap na Pahiram Ng Isang Ina at ang reality-comedy show na Pepito Manaloto.

Ano ang kanyang pakiramdam na Kapamilya siyang muli?

"I'm really happy that 'yon, that I'm back here sa aking tahanan kung saan ako nagmula.

"Yung pagpasok ko dito, yung parang naninibago, at the same time parang yung ang daming memories.

"Ang daming nag-flashback...no'ng Palibhasa Lalaki days," masayang sabi ni Carmina.

Mabilis naman ang sagot ng TV host-actress nang tanungin siya kung sino ang gusto nitong makatrabaho sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Kim Chiu!" sambit ni Carmina.

Paliwanag niya, "Kasi maraming nagsasabi sa akin na magkahawig daw kami, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN