Nikki Gil says she won't visit her boyfriend Billy Crawford in France: "Nire-reserve namin yung mga ganung moments pang-honeymoon."

IMAGE Photo Courtesy of ABS-CBN

Hindi itinago ng aktres na si Nikki Gil ang nararamdamang tension at lungkot sa pag-alis ng boyfriend niya, ang singer-TV host na si Billy Crawford. Mananatili si Billy sa France ng tatlong buwan para tapusin ang isang record album.

"We're good, we're fine, we're happy. Medyo nate-tense kami kasi malapit na siyang umalis. I think his ticket says April 30. Yun ang basa ko and anything can happen but he'll be home by June," says Nikki.




Kumpirmado na sa April 30 ang alis ni Billy Crawford patungong France para i-revive ang naiwan niyang international singing career.

Iniwan niya ito para subukan muli ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Mananatili si Billy ng kulang-kulang na tatlong buwan sa France at balita ay isang album ang tatapusin niya duon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa girlfriend ni Billy na si Nikki Gil, hindi naman tinago ng aktres ang nararamdamang tension at lungkot sa pag-alis ng nobyo.

"We're good, we're fine, we're happy. Medyo nate-tense kami kasi malapit na siyang umalis," ang sabi ni Nikki sa Bioessence presscon kung saan pinakilala siya ni Iya Villana bilang bago nitong endorser. Nangyari ito nuong Huwebes, March 8, sa Little Asia restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"I think his ticket says April 30. Yun ang basa ko and anything can happen but he'll be home by June," aniya.

"Siyempre we're working on our relationship with God, bini-build namin yung foundation na yun para pag umalis siya, di magiging issue yung trust.

"Hayun, we spend more time with each other, alam naming di namin magagawa yun when he leaves."

Paano pag di na siya bumalik?

"Hindi naman. Ipapa-deport ko siya pag nangyari yun, hahaha!

"Babalik naman yun."

Sinigurado din sa amin ni Nikki na wala siyang takot na mawawala pansamantala ang kanyang boyfriend.

"Malakas ang paniniwala ko na if God meant us to be together, malalagpasan namin ang lahat.

"For me, everything is a challenge that will make our relationship stronger."

WHAT NIKKI WILL MISS. Agad namin tinanong si Nikki kung anu-ano ang mami-miss niya sa boyfriend niya kapag natuloy ang pag-alis nito sa April 30.

"Napaka-ano kasi niyan malambing and very sweet.

"Mami-miss ko yung pagpunta niya sa bahay and having dinner.

"I'm sure even my parents will miss him. Pag di siya nagpupunta sa bahay, 'O si Billy?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And even si Billy, 'O, I haven't seen your parents for a while.'

"He's very malambing, mahilig kaming magkuwentuhan, lahat kami nagdi-dinner sa bahay.

"I will definitely miss those things. Mami-miss ko rin yung amoy niya kasi mabango siya."

Dahil galing si Nikki sa isang maykayang pamilya at kumikita ng sarili niyang pera, marami ang nagtatanong kung may balak ba siyang dumalaw kay Billy sa France.

"Nire-reserve namin yung mga ganung moments pang-honeymoon.

"Di ba kasi bongga yun, honeymoon in Paris?"

WEDDING BELLS? Isa na ang relasyong Nikki at Billy sa matatag at matibay sa mga kabataang artista ngayon. Inaasahan na tuloy ng iba na mauuwi na raw sa kasalan ang lahat.

"Ilang years na naman nating natsitsismis yang kasal.

"Lahat naman ng serious relationship, gusto mong pumunta sa ganyan. Although yun nga, you can't really tell.

"Minsan nga ikiakasal na kayo, nasa altar na, ba-back out pa rin.

"There's really no assuarance, no guarantee but I pray na dun kami makarating," ang sabi ni Nikki.

Sa kabila ng lahat, hindi pa daw siya handing lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya kasama si Billy.

"I know I have a lot of growing up to do.

"Di ko pa masabi... kung ano ang magaganap sa France, magaganap dito, di natin alam e.

"Si Billy sinasabi niyang he's ready. Ako, I'm much younger than Billy, kaya sinasabi ko na hindi pa.

"Di ba ang lalake pag sinabi nilang ready na sila, talagang ready na sila?

"But I know he still has to work on other things like financial stability, siyempre kailangang practical na tayo ngayon."

LEARNING FROM EACH OTHER. Ayon kay Nikki, naturuan siya ng relasyon nila ni Billy kung paano mag-mature. Nabigyan naman niya ng direksyon sa buhay ang boyfriend.

"Billy taught me how to become an adult. People think I'm mature for my age, pero ang totoo, hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm really isip-bata and alam ni Billy 'yan.

"If I don't get what I want, I throw tantrums so Billy helped me overcome that.

"I think for me, tinuruan ko siya na siguro maging seryoso sa buhay.

"I helped him realize that whatever he's doing and enjoying right now, di siya forever.

"Kailangang maging brainy tayo sa mga bagay-bagay."

INSPIRED VILLAINNESS. Positibo ang pagtanggap ng tao sa seryeng Mundo Man ay Magunaw kung saan kontrabida ang role ni Nikki.

Ikinatutuwa at inspirado ang aktres sa role niya dahil naipakita nito ng versatility niya bilang isang artista.

"Bongga, I'm enjoying taping. Maganda naman daw ang takbo ng show, maganda ang takbo ng ratings, so I'm really very happy to be part of it.

"Napakasarap na katrabaho ang buong cast, walang problema.

"I look at [the serye] as a challenge because I like the role

"Gusto ko talaga yung role na 'yun and nakita ko na gagawin ko talaga ang best ko dahil ine-enjoy ko ang pag-arte.

"You know what surprised me, yung mga audience natin ngayon, matatalino na.

"Alam nila na role lang yun, di ka nila kaiinisan.

"So I haven't really received any personal attacks, 'Nikki wala kang kuwentang tao, maldita ka.' Wala pang ganun.

"Matagal ko nang hinanda ang sarili ko diyan and natutuwa ako na walang ganun ka-violent na reaction.

"Mayroon akong naririnig mula sa mga matatanda na di naman nagti-tweet.

"Mga mommy, mga lola na nagsasabi 'Napakamaldita ng batang yan.'

"Marami akong naririnig na ganun pero directly from someone who is in social networking, wala."

Sa kahusayan niya bilang isa sa mga batang kontrabida ngayon, maging si Gladys Reyes ay napansin si Nikki. Ano ang reakston niya dito?

"Ano ka ba? Pag sinabi mong kontrabida, Gladys Reyes.

"Napakalaking ego booster sa akin, napakalaking honor na mapansin niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami-daming kontrabida, ang dami-daming magagaling pero para mapansin ako ng isang Gladys Reyes, na talaga namang poster na sa industriya lalo na sa pagiging kontrabida?

"That means a lot to me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN