Nikki Gil on rumored breakup with boyfriend Billy Crawford: "We're okay. Hindi po kami magkahiwalay. We're very happy."

IMAGE Noel Orsal

Nikki Gil says she is not surprised about rumors circulating regarding her alleged breakup with boyfriend Billy Crawford. She appreciates other journalists who exert effort to clarify issues but she doesn't understand what triggers the issues to surface. She speculates: "Baka feeling ko, nag-ugat lang ito sa isang tampuhan na siguro may nakarinig or kina-conlcude na."


Isa sa mga relasyon sa showbiz na tumagal na ng maraming taon ay ang pagsasama nina Nikki Gil at Billy Crawford.

Kaya't marami ang nagulat sa lumabas na balitang naghiwalay na raw ang dalawa, lalo pa't sila'y tanggap, hindi lang ng publiko, kundi pati ng kani-kanilang pamilya.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki sa backstage ng ASAP noong Linggo, March 18, agad pinabulaanan ng TV-host-actress ang balita.

"Hindi, we're fine!

"Paano ko ba ie-explain? Sino bang couple ang hindi nag-aaway, di ba? Pero I don't understand why.

"Hindi naman kami umabot sa point na hindi kami nagpansinan or parang nagpunta kami sa ASAP na hindi kami nag-uusap.

"Hindi naman namin pinaaabot ng maraming araw ang aming tampuhan.

"I don't understand why people conclude na ang isang couple 'pag nagka-misunderstanding, break na agad?

"I really don't understand why," nagtatakang sabi ni Nikki.

DOING FINE. Kailan ang huling misunderstanding nila ng nobyo dahil baka ito ang naging basehan kung bakit nasabing hiwalay na sila?

"Kailan ba? Hindi ko kasi matandaan kasi ayaw naming sine-share yung mga ganyang bagay—personal 'yan, e.

"It's the relationship between Billy and myself. 'Pag mayroon kaming hindi pagkakaintindihan, we keep it there.

"'Pag mayroon din kaming success at okay kaming dalawa, let us just enjoy it.

"So, bottomline is we're okay. Hindi po kami magkahiwalay. We're very happy.

"Few days ago, corny man, we just had our monthsary. Billy gave me flowers pa.

"Business as usual. Status quo, we're okay, we're fine!

"Siguro lang napu-frustrate ang mga tao na walang ganap sa relasyon namin.

"Siguro may narinig na kaunting tampuhan, e, akala nila hiwalay na."

WORK PRESSURE. May kuwento rin na lumabas na "pressure" diumano ang dahilan kung bakit daw "naghiwalay" sina Nikki at Billy—rason na kahit kay Nikki ay hindi naging klaro kung bakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saan naman kaya kami nagpi-pressure? Siguro sa taping, ganun?

"If anything, kung anumang pressure ang nararamdaman, yun ang purpose namin of being together—to relieve each other of pressure.

"Baka feeling ko, nag-ugat lang ito sa isang tampuhan na siguro may nakarinig or kina-conlcude na.

"I don't want in a relationship na walang conflict kasi you need that to grow."

RUMORS. Sa kabila ng lahat, hindi naman nagagalit si Nikki sa mga taong nagpasimula at nagpakalat ng sinsabing breakup nila ni Billy.

"Ako, I don't blame them 'coz it's part of the business. Hindi nila kasalanan yun.

"Siyempre kung ano ang makarating sa kanilang impormasyon, isusulat nila.

"Hindi naman nila basta inimbento yun, narinig nila somewhere yun. So, ganun lang talaga.

"At least, mayroon tayong ibang journalists na kini-clear yung issues.

"And I'm here to say that no, we haven't broken up. We're still together, we're very happy, better than ever!"

Ayon pa kay Nikki, hindi na rin niya ikagugulat kung lalabas na may third party involved sa lumabas na alleged breakup nila ng kasintahan.

"It wouldn't be the first time.

"Ilang beses nang may third party na lumabas, so ako, ano na lang, namanhid na ako sa ganyan.

"Pasok sa isang tenga, labas sa kabila—ganun talaga."

Wala si Billy sa ASAP noong Linggo. Pero mismong si Nikki pa ang nag-update sa amin kung nasaan ang boyfriend nung mga oras na yun.

"Nagsu-shoot siya ng Moron 5 and The Crying Lady. Malapit nang matapos.

"Nagkita kami two days ago...

"Heto, ka-text ko siya right now, 'Honey Crawford,'" pagpapatunay pa ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN