Eugene Domingo describes "the men in my life"

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo on former leading man Wendell Ramos: "Nagising talaga ang pagkababae ko diyan. Tsaka siya yung unang-unang lalaki na bumastos sa akin. Buti naman binastos ako, di ba?"


Sa taped one-on-one interview ni Eugene Domingo sa Showbiz Central kahapon, January 1, iniisa-isa ni John "Sweet" Lapus ang mga aktor na malapit sa komedyana at nakapareha na niya.

Sa pamamagitan ng mga litrato na ipapakita kay Eugene ay kailangang magbigay ang aktres ng description.

DINGDONG DANTES. Una ay ang larawan ni Dingdong Dantes.

Tinanong ni Sweet si Uge (palayaw ni Eugene) kung "magpapapitas" ba siya kay Dingdong kung wala itong Marian Rivera, at sasagutin ba niya ang aktor kung liligawan siya nito?

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?

"Parang, 'Pag nauhaw ka ba, iinom ka ng tubig?'

"Oo naman!" sagot ng comedienne.

WENDELL RAMOS. Tinanong naman ni Sweet si Uge ng, "Once and for all, may namagitan ba sa inyo ni Wendell Ramos?"

"Nagising talaga ang pagkababae ko diyan!

"Tsaka siya yung unang-unang lalaki na bumastos sa akin.

"Buti naman binastos ako, di ba?" ang tumatawang sabi ni Uge.

Nagkasama sina Eugene at Wendell sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi last year, at sa GMA-7 shows na Ako Si Kim Samsoon noong 2008 at Jejemom noong 2010.

RYAN AGONCILLO. Si Ryan Agoncillo naman ay nakasama ni Uge, with Judy Ann Santos, sa 2011 Metro Manila Film Festival entry na My Househusband: Ikaw Na!

Ayon kay Uge, "Dito sa My Househusband, patok na patok kami, Sweet! On-and off-camera.

"In fact, malapit na ngang maging mas close kami [ni Ryan] kesa kami ni Juday.

"Ang daldal naming parehas."

RICHARD GUTIERREZ. Nakasama naman ni Uge si Richard Gutierrez sa pelikulang My Valentine Girls last year.

Kuwento ng aktres, "May eksena na sasakay kami sa kabayo. E, siya expert sa kabayo kasi nag-Zorro siya.

"E, yung kabayo namin, pasaway, nagta-tantrums. So, kinakausap niya yung kabayo.

"Bukod sa kinakausap niya yung kabayo, hinarangan niya ako kasi baka masipa ako nung kabayo.

"Gentleman, Sweet! Iniakyat ako [sa kabayo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sweet, iniakyat ako," ang pa-cute pang sinabi ni Uge kay Sweet.

APO. Ang susunod na pelikula ni Uge for 2012 ay isang musical kasama ang idolo niyang APO Hiking Society.

Ang Apo ay composed of Jim Paredes, Buboy Garovillo, at Danny Javier.

"Sino naman ang hihindi sa napakagandang pelikula featuring the songs of the one and only, most favorite OPM group of all times?" sabi ni Eugene.

RENAN. Ipinakita naman kay Uge ang litrato ng hunky foreign guy na nangngangalang Renan—isang modelo mula sa Mercator modelling agency na nakasama ni Uge sa isang magazine pictorial.

Pero ayon kay Uge, "Hindi nga marunong mag-Tagalog 'yan, e. Hindi [rin] marunong mag-Ingles, e."

ALLAN K. At nang litrato ni Allan K ang ipinakita kay Uge, nagbibirong sinabi ng komedyana na, "Iyan, may namagitan sa amin niyan!"

JAY MANALO. Sumunod namang ipinakita kay Uge ang litrato ni Jay Manalo, na leading man ni Uge sa isa pang MMFF entry na Shake Ratlle & Roll 13.

"Diyos ko! Kaya pala parang tinarayan na ako ng mga bakla.

"Yung, 'Jay Manalo, Jay Manalo na 'yan, 'no, itutumba kita!'"

Magkahalong inggit at galit na komento raw ito mula sa mga bading dahil naging leading man niya si Jay Manalo.

"Ganun na!

"At nung tiningnan ko yung mga pictures niya [Jay] nung araw... Kasi iba na rin naman ang tinatahak ni Jay Manalo ngayon talaga, dramatic actor [na].

"Nakita ko nga ang mga pictures niya nung araw... Susmaryosep!" patungkol nito sa mga sexy pictorials ni Jay noon.

SWEET. Litrato naman mismo ni Sweet ang ipinakita kay Uge.

Sabi ni Uge, "Ang mensahe ko lang kay John Lapus, sana huwag kang masyadong baliw."

Sinagot naman ito ng tawa ni Sweet.

At bilang panghuling tanong sa kanya, base sa mga photos na ipinakita sa kanya, kaninong aktor siya magpapakasal at magpapaanak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat 'yan, puwera ito," tawa nang tawang sabi ni Uge, sabay tapon sa mga litrato nina Sweet at Allan K.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN