SUN AND STARS: Ryan Bang wants to take celebrity crush Kaye Abad to Korea

IMAGE Noel Orsal

When Ryan Bang goes back to Korea for a vacation, he hopes to bring along celebrity crush Kaye Abad. Ryan says he likes Kaye because, “Filipino beauty, e, 'di ba?”


Nagbakasyon si Ryan Bang sa bansang pinanggalingan niya, South Korea, noong nakaraang Holy Week.

Kasama ni Ryan sa maiksing bakasyong ito ang kasamahan niya sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.

Naipakita raw niya kay Vhong ang ilang magagandang lugar sa Korea at naipakilala rin niya sa kanyang mga magulang.

Ani Ryan, na nag-aaral pa ring magsalita nang diretso sa Tagalog, “Pumunta kami ni Vhong sa Korea yung Holy Week.

“Nakita niya tatay ko. Sakay siya taxi ng tatay ko. Nakita niya mommy ko.

“Kumain kami dalawang beses. Kumain kami kasama tatay ko.

“Kasi mahiwalay sila kaya kumain kami kasama nanay ko. Kumain kami kasama tatay ko.

“Sobrang salamat lang kay Bong.”

Pagbalik sa Pilipinas natatawa na lang daw si Vhong dahil kahit marami silang lugar na pinuntahan, parang iisa lang halos ang hitsura nila sa mga litrato.

“Kaya sobrang gusto ko pasensya na kay Kuya Vhong kasi, ako naman po, akala ko iba-ibang 'itsura kasi ibang ibang lugar.

“Pero kahit iba-ibang lugar parehas pala itsura.

Sobrang pasensya na po kay Kuya Vhong. Pero sobrang happy siya na joke lang kami.”

TAKE KAYE TO KOREA. Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang gustong dalhin ni Ryan sa susunod na pagbisita niya sa Korea, nahihiyang sinagot ni Ryan, “Si ano... sana si Kaye Abad!”

Nagsama sina Ryan at Kaye nang maging celebrity hurado silang pareho sa Showtime.

Dito raw nagsimula ang paghanga ng dating Pinoy Big Brother teen housemate sa kapwa Kapamilya star.

“Filipino beauty, e, 'di ba?” nakangiting sabi ni Ryan.

“Pero hindi pa kami kasama hindi pa ako worth sa kanya, 'di ba.

“Sa Showtime, patay na patay ako, 'di ba?

Showtime guest siya yung mga anghel, 'di ko crush," pagtukoy niya sa mga nakasabay ni Kaye na hurado.

“Mabait siya pero hindi pa kami na-meet. Sa Showtime lang kami na-meet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Ryan hanggang crush na lang muna raw siya. Wala pa siyang panahon para magseryoso sa pag-ibig.

“Hindi, gusto ko po na talaga focus sa Showtime,” sabi ng 20-year-old na si Ryan.

“Crush lang. May crush kayong lahat, 'di ba? Crush lang.”

“Bata pa ako kaya hindi pa wala pa ako isip ngayon.

“Gusto ko pero focus muna ako sa Showtime talaga kasi para mas madami taong masaya, mas maganda show.” (CLICK HERE to read other SUN AND STARS articles)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN