Part 1 Ramgen Revilla and Janelle Manahan love story featured in pilot episode of Showbiz Inside Report

IMAGE File Photos

The talk show, Showbiz Inside Report, which premiered on February 4, featured the still unsolved murder case of Ramgen Revilla (left). One of the show's hosts, Carmina Villarroel, interviewed Janelle Manahan (right), who was shot but survived the brutal slaying of her boyfriend, Ramgen.


Nagsimula nang umere kahapon, Pebrero 4, ang bagong showbiz talk show ng ABS-CBN, ang Showbiz Inside Report, na hino-host nina Janice de Belen, Carmina Villarroel, Ogie Diaz at Joey Marquez.

Tampok nga sa pilot episode nila ang hanggang ngayon ay kontrobersiyal pa rin at hindi pa nareresolbang kaso ng pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla.

Isa sa mga inside report nila ang eksklusibo at malalim na panayam ni Carmina Villarroel kay Janelle Manahan, ang girlfriend ni Ramgen at nabuhay na biktima ng krimen.

THE BEGINNING. Unang inalam ni Carmina ang tungkol sa love story nina Janelle at Ramgen.

Salaysay ni Janelle, "Una kaming nagkita for audition ng isang sitcom sa ABS [Let's Go].

"Pero that time may girlfriend kasi siya. Although, alam mo yung halatang nagpapa-cute."

Sinasabing namana rin ni Ramgen ang agimat ng kanyang amang si Ramon Revilla Sr. pagdating sa mga babae.

Kaya naman hindi nahirapan ang batang Revilla na masungkit ang puso ni Janelle.

Ani Janelle, "After nung nagkita kami ulit, after siguro ten or eleven months, single na siya. Single din ako. So, in-introduce kami nung friend ko."

Ang tinutukoy ni Janelle ay si Janna Pablo na common friend nila ni Ramgen.

Rebelasyon pa ni Janelle, kaagad niya raw ibinigay kay Ramgen ang cellphone number niya na hindi naman niya ginagawa sa mga bagong kakilala.

"Usually kasi pag may humihingi ng number ko na kakakilala ko lang, ang ibinibigay ko fake number. Pero nung hiningi niya yung number ko, binigay ko yung real number ko."

Ginawa niya ba ito dahil type niya rin si Ramgen?

"Siguro kasi nakakausap ko na siya. Noong una medyo nayayabangan ako sa kanya.

"Kasi nga yung pagka-Revilla niya alam niya na cute siya. So, yun binigay ko yung number ko."

Simula nga raw noon ay lagi na siyang tinatawagan ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, as in parang every hour, kahit naliligo ako."

So, hindi na siya tinigilan?

"Siguro kasi nase-sense niya na type ko rin siya, ganun."

Gaano katagal yung getting-to-know each other stage nila?

"Ten days."

Pagkatapos nga raw ng ten days na ito ay naging sila na.

January 7, 2007 nang maging official couple sina Ramgen at Janelle.

"Nagtanong siya, parang, 'Can you be my girlfriend?' So, parang ako, sige try ko na lang din na makarelasyon. So, um-oo ako."

LIVE IN. Sa murang edad na 17, ginawa ni Janelle ang pinakamalaking desisyon sa kanyang buhay, ang makipag-live in kay Ramgen.

Gaano ba katagal bago sila nagsama sa isang bubong?

"That time na naging kami, nagso-showbiz pa ako. So, meron pa akong mga taping.

"So, after taping deretso ako sa kanya or susunduin niya ako sa taping. Tapos mag-sleepover na ako, ganyan."

Ang sleepover nga na ito ay humantong na sa pagtira na ni Janelle sa bahay nina Ramgen.

Kumusta ang naging relationship nila?

"May times lalabas kami. Minsan with friends. Pero hindi siya lagi."

Mas gusto raw kasi nila na mag-stay lang sa bahay. Ano naman ang ginagawa nila sa bahay?

"Spending time together na unlimited time."

Lahat daw ng bagay ay pwede nilang pag-usapan. Para kasi kay Janelle hindi lang boyfriend si Ramgen.

"Para ko siyang bestcfriend."

JANELLE'S PARENTS SAYS NO. Ang pagsasama nila Janelle at Ramgen sinubukang ilihim ng dalaga sa kanyang mga magulang.

"Hindi [nila alam] right away. Pero yun yung parang nabubuking na ako ng mommy ko. Inamin ko na lang."

Ano ang naging reaksyon ng mommy niya?

"Pinapauwi niya ako, na hindi raw tama yung ginagawa ko. Pangit daw. Parang wala raw akong magulang na nagga-guide sa akin."

Pero pinili nga ni Janelle na makasama pa rin si Ramgen.

"I stayed pero pinapauwi talaga niya ako. Pero I explained to her na I'll prove to you na mabait ito [Ramgen]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam naman sa mommy ni Janelle na si Rosario Quintano, inihayag nito ang pagtutol sa pakikipag-live in ng kanyang anak kay Ramgen.

"As a mom, siyempre hindi magiging okay sa akin na yung anak ko nandun.

"Matigas lang talaga ang ulo ni Janelle. Everyday ko rin siyang pinapagalitan.

"Ang maganda kay Janelle... mare-realize niya naman na mali siya," sabi ni Rosario.

Paano ba ide-describe ni Janelle ang parents niya?

"Hindi sila yung sobrang strict na hinahayaan lang nila ako to realize things or to experience things [so I can] learn on my own.

"So, yung kay Ramgen doon ko na-feel na parang siya yung dad na strict.

"Maraming bawal. Pero feeling ko that time na kaya siya nagiging sobrang strict kasi natatakot siya na mawala ako kasi mahal na mahal niya ako."

BATTERED GIRLFRIEND. Pero sa relasyon kung saan nakadama siya ng labis na pagmamahal, dito rin niya naranasan ang mga pananakit na hindi niya inaasahan.

"Nasaktan na niya ako a few weeks pa lang ng relationship.

"I was late for a dinner kasi galing ako sa work. Nagulat lang ako ba't niya ako sinampal.

"Parang kasi ako feeling ko hindi ko kakayanin na saktan ako ng lalaki. So, sabi ko sa kanya, 'Uwi na lang ako.'

"Pero on the way sa pauwi parang ini-stop niya yung car. May sinabi lang siya sa akin, okay na ako ulit."

Lagi naman daw nagso-sorry kaagad si Ramgen kapag nasasaktan niya si Janelle.

Paano bumawi si Ramgen? Nagulat din ba siya sa ginawa niya?

"I don't think so. Hindi. Kasi kinukuwento naman niya sa akin yung mga past relationships niya.

"So, parang nakuwento niya na rin sa akin na may mga nasaktan siyang girlfriends niya in the past.

"Pero sometimes kasi hindi niya lang talaga ma-control. So, siguro ako inintindi ko na lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang sinabi niya na, 'I'll never gonna do that again.' Parang hindi naman kita gustong saktan."

Nasundan ba ang pananakit sa kanya?

"Siguro after a few months."

Nang tanungin ni Carmina kung anong klaseng pananakit naman ang ginawa ni Ramgen, tumanggi na lang si Janelle na madetalye tungkol dito. Bagkus ipinaliwanag na lang niya ang dahilan.

"It's work-related again. Parang since alam kong ayaw niya ako sa showbiz, parang instead na magalit na naman ako sa kanya, inintindi ko na naman siya."

RAMGEN OVER SHOWBIZ. Pero hindi lang pananakit ang nalagpasan ni Janelle. Nagawa rin niyang bitawan ang kanyang mga pangarap para kay Ramgen.

"That was six months na magka-relationship na kami. Naging everyday na yung work ko, tapos meron na akong soap.

"Naisip niya siguro na, 'Naku, mas magiging busy ito.' So, pinapili niya na lang ako kung showbiz or him.

"Pag showbiz daw hindi ko na siya makikita ever."

Pagbubunyag pa ni Janelle, may time daw na itinago ni Ramgen ang script niya para sa teleseryeng The Wedding para hindi siya makapag-taping.

"Pag gising ko kumakatok yung yaya ko. Sabi niya, 'Janelle, may taping ka.'

"Sabi ko, 'Taping? Nasaan yung script?' Ganyan-ganyan. Sabi niya, 'Inabot ko na kay Ram.'

"So, tinanong ko siya ngayon. Tapos nagde-deny pa siya na, 'Anong script?' Gumaganyan-ganyan pa siya."

Ano ang naging reaksyon niya rito? Nagalit ba siya kay Ramgen?

"Hindi. Pero natakot ako na baka magalit yung sa taping ko. Pero hindi ako nagalit sa kanya.

"Kasi alam ko ayaw niya akong nagsu-showbiz. That time naguguluhan na ako kaya siguro that time nung tinanong ako ni Ram, siya na lang yung pinili ko.

"Kasi naguguluhan na ako kung ano talaga yung gusto ko. Parang that time naman kasi feeling ko sobrang love ko naman talaga yung tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAMGEN'S OTHER GIRLS. Dahil na rin sa labis na pagmamahal, isa pang katotohanan ang tinanggap ni Janelle na hindi lang siya ang babae sa buhay ni Ramgen noong panahon na yun.

"May mga girls siya. Inaamin niya sa akin. Kung gusto niya maximum of two or three, ganyan.

"Tapos walang love na involve. Kaso usually yung mga babae nai-in love.

"Kasi yung phone niya open. Pag hindi ko kinakaya tuwing nababasa ko, tinatawagan ko yung girl."

Ano ang sinasabi niya sa girl?

"Na may girlfriend si Ramgen. Tumigil siya."

Paano niya kinakaya ito?

"Nung simula hindi ko kaya. And I have to accept din, siyempre Revilla siya, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN