PEP SPECIAL REPORT Part 4: Atty. Argee Guevarra on the Bautista siblings wearing Ramgen Revilla's clothes after his death: "They're very creepy."

IMAGE Noel Orsal

Maituturing ni Atty. Argee Guevarra na ang kaso ni Janelle Manahan ang una niyang "showbiz celebrity case." Kaibigan ng hipag niya ang ina ni Janelle, kung kaya't pumayag daw siyang hawakan ang kaso, gayoong forte raw niya ang mga kasong may kinalaman sa pulitika, labor, at human rights.


Sa pagtatapos ng panayam ng Philippine Entertainment Portal kay Janelle Manahan noong Enero 16, may mga karagdagang impormasyon namang ibinigay ang abugado nito tungkol sa krimen at sa kaso.

Present sa interview ang abugado nitong si Argee Guevarra.

Ayon kay Atty. Guevarra, malakas ang pruweba nila laban sa mga akusado.

Lalo na raw sa mga umano'y mastermind, na ang tinutukoy niya ay ang mismong mga kapatid ng napaslang na si Ramgen Revilla.

Isa na raw dito ang paglutang ng witness na si Ruel Puzon.

Sa loob ng halos 48-oras lang matapos ng krimen, itinuro ni Puzon ang sinasabi niyang may kagagawan nito: ang mga kapatid ni Ramgen.

Komento ni Guevarra, "You can just imagine, this is the fastest police investigation, parang ever, of a sensational murder.

"Parang dinaig pa nito yung tatlo, apat na taon, na Vizconde Massacre, after presenting so many witnesses."

Aniya, dati nang may record itong si "Puzon" sa pulisya.

Noong October 17, 2011—11 araw bago maganap ang pamamaril kina Janelle at Ramgen—dinampot si Puzon sa labas ng isang restawran sa Parañaque.

Kuwento ng abugado: "Nahuli pala daw itong si Ruel Puzon ng pulis na nakatambay sa Conti's at mukhang ano... Hinuli siya dahil mukha siyang holdaper.

"E, siguro jologs, nakaporma ka, tapos nakatambay ka sa isang sosyal na kainan.

"'O, sino 'yang jologs na yan?' So, dinampot."

Sa pagkakahuli raw na iyon kay Puzon, tinanong ito ng mga pulis kung ano ang pakay niya sa lugar.

Ibinulalas daw ni Puzon na siya ang naatasang gunman na papaslang kay Ramgen noong gabing iyon.

Isiniwalat rin daw nito na ang mga mastermind ay mismong mga kapatid ng kanyang target.

Sinabi pa nitong ang mga kapatid daw mismo ang nagtitimbre kay Puzon sa kinaroroonan ni Ramgen, gaya ng kung nakaalis na ito ng bahay papunta sa restawran.

Ayon pa rin sa abugado, marahil sa kadahilanang magkakapatid ang kanyang tinutukoy at pawang mga kabataan ito, hindi pinaniwalaan ng mga pulis si Puzon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinayaan na lang daw nila ito.

Oktubre 28, 2011, nang maganap ang pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay kay Janelle.

Kuwento ni Atty. Guevarra, "Noong matapos [ang krimen], within 48 hours or less than 48 hours, a certain Ruel Puzon, reported to the police at 'pinagtuturo na niya kung sino [ang mga suspek]."

Kabilang nga dito ang kapatid ni Ramgen na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, na nakakulong ngayon.


LOOPHOLES IN THE INVESTIGATION. Bagamat nagpapasalamat si Atty. Guevarra na napabilis ang imbestigasyon dahil sa impormasyon mula kay Puzon, aminado itong dismayado siya sa trabaho ng pulisya.

Aniya, "Ang daming mga kulang ng [investigation] nila.

"Unang una, iyong kwarto ni RJ, hindi nabuksan man lang.

"Apparently, at the time that police were present in the house, processing the crime scene, hindi nila mabuksan.

"Hindi nila finorce open. And we believe that the laptop computer was there."

Ang tinutukoy ni Atty. Guevarra ay ang laptop kung saan umano na-i-save nina Ramgen at Janelle ang orihinal na kopya ng kanilang intimate moments.

"Probably, even the killer was there, hiding," dagdag pa ni Atty. Guevarra.

Kinikuwestiyon din ng abogado kung bakit hindi siniyasat ang lahat ng kuwarto sa bahay.

"Parang, nandoon ka na rin naman, that's [a] crime scene, lahat 'yan scene, kahit na ano ka pa.

"Plain view 'yan, e. Plain-view doctrine, na anything that is within the [vicinity].

"E, s'yempre, the entire house is a crime scene. So, dapat pinagpapapasok-pasok na nila yan, tinignan."

MISSING CELLPHONES. Ipinagtataka rin ni Atty. Guevarra kung bakit nawawala ang ilan sa mga importanteng gamit na maaaring gamiting ebidensya, tulad ng cellphones.

"Cellphone ni RJ cannot be located.

"Yung cellphone [ni Janelle] cannot be located also.

"And they're supposed to be under the custody of policemen."

Ayon kay Janelle, iniwan niya sa loob ng kanyang Louis Vuitton bag ang cellphone.

Ang bag na ito ang madalas niyang ginagamit dahil regalo raw ito ni Ramgen sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang bag na ito ay nawawala rin.

Bukod pa rito, lahat ng kagamitan ni Ramgen sa kanyang kuwarto ay nawala na rin, ayon pa kay Atty. Guevarra.

WEARING RAMGEN'S CLOTHES. Hinala ng kampo ni Janelle, nasa kustodiya ng mga Bautista ang lahat ng kagamitan ni Ramgen.

Nasasabi raw nila ito dahil, bukod sa pag-amin ni Genelyn Magsaysay na hawak nila ang computer ni Ramgen, nakikita raw ni Janelle na suot ng mga kapatid ni Ramgen ang damit ng kanilang kuya.

"It's very creepy," komento ni Atty. Guevarra.

"They wear his clothes [when] attending hearings.

"Medyo ano nga, e, di ba, uncharacteristic in our culture?

"Na pag namatay na 'yan, ayaw mo nang isuot 'yan, di ba? Hindi gagalawin."

"Pero iyong ito, suot nila."

Ayon kay Janelle, hindi naman itinanggi ng mga nakababatang kapatid ni Ramgen na sinusuot nila ang damit ng kanilang kuya.

Pinagmulan na ito ng mainit na diskusyon sa Facebook dahil sa tingin ng mga batang Bautista ay walang masama sa ginagawa nila.

"So parang, okay, hindi niya [Janelle] masusuot, so parang sila na lang magsusuot?" tanong ni Atty. Guevarra.

"Parang, 'Bakit? Pag-aari ng kapatid namin iyan, sa 'min iyan, hindi sa 'yo iyan.'

"'Hindi naman kayo kasal.' May ganun pang ano, e, innuendo, e.

"So sabi ko, 'Teka, parang the mere fact na isusuot niyo, medyo un-Filipino lang yun—not common in our culture.'

"Lalo na yung kamamatay lang, violent death pa, iyong isusuot mo kaagad?

"Teka, medyo may problema sa magkakapatid na ito.

"They're very creepy."

LATEST UPDATE. Samantala, Martes, Enero 17, iniulat ng ABS-CBN News ang paghain ng akusadong si Ramon Joseph "RJ" Bautista ng "not guilty" plea.

Naganap ang arraignment sa Parañaque City Regional Trial Court, Branch 274, sa sala ni Judge Fortunito Madrona.

Isa si RJ, nakababatang kapatid ng biktimang si Ramgen Revilla, sa mga mastermind umano ng krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama niya sa kaso sina Michael Jay Nartea at Roy Francis Tolisora, na parehong naghain din ng "not guilty" plea.

Naglabas na rin ang naturang korte ng warrant of arrest para sa apat pang karagdagang akusado.

Ito ay sina Glaiza Visda, Jan Norwin Dela Cruz, at Ryan Pastera, at ang isa pang kapatid ni Ramgen na si Ramona "Mara" Bautista, na kasalukuyang nasa labas ng bansa.

Nakatakda ang hearing para sa kaso sa Marso 1, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN