Iwa Moto wants to make a comeback: "Sana unti-unti akong makilala ng tao... pagbubutihin ko naman, pag trabaho, trabaho talaga ako."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Iwa Moto, isang wish granted ang pagpasok niya bilang regular guest co-host sa Wil Time Bigtime sa TV5. Ngunit may ipinadala raw na sulat ang GMA-7 sa Wil Productions na nagpa-alalang may kontrata pa sa kanila ang StarStruck alumna. Minabuti muna ni Iwa na magpahinga sa kanyang pagho-host. Nagpadala rin ang kanyang abugado ng sulat sa GMA, umaasa na mapagbigyan ang kanilang hiling na makapagtrabaho na ulit.


Iwa Moto is finally back.

'Yan ang eksklusibong deklarasyon ng ng StarStruck alumna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Pasaway" ang bansag sa kanya ng ilang tao sa showbiz, at aminado naman daw si Iwa.

Pero klinaro niyang hindi sa trabaho kundi sa personal na buhay siya maraming pinagdadaanan.

Nakausap ng PEP ang aktres at TV host nuong January 14, 2012.

Aniya, "Never akong naging pasaway sa [trabaho]. Kahit sinong tanungin mo sa GMA-7, sa pagtatrabaho, never akong naging pasaway.

"Minsan nali-late ako, tatawag ako, sobrang traffic, kasi nga galing ako sa south."

Parang misunderstood lang ba siya?

"Yeah, I can say that... Akala kasi ng lahat, e, pasaway ako, e.

"Feeling ko na-tag lang naman ako na pasaway because of StarStruck, nagkaroon kasi ng incident there.

"Kaya lang tao lang ako, e, nagkamali."

'AKALA KO TALAGA SIYA NA!' Isa sa tinutukoy ni Iwa na personal na mga pinagdadaanan niya ay ang episode ng kanyang buhay kasama ang apat na taong karelasyong si Mickey Ablan.

Matatandaang bago pa man tuluyang nagkahiwalay ang dalawa, maraming mga insidenteng "nagkasakitan" ang dating magnobyo.

May lumabas pa noon na nagpakamatay daw si Iwa dahil sa hiwalayan nila ni Mickey.

May insidente pa ng panunugod daw ni Mickey kay Iwa sa taping nito sa GMA na humantong sa habulan sa loob ng compound ng istasyon.

Sa mga nangyaring ito, ano ang natutunan ni Iwa sa relasyon nila ni Mickey?

Aniya, "Marami, natutunan kong maging tao. Alam ko na nobody's perfect.

"He's a good guy, pero wala ngang perfect, may mga flaws siya.

"Medyo off, may mga puntong hindi kami nagkakasundo.

"Kaya ako na-krung krung nun kasi kahit hiwalay na kami, kinukulit niya pa ako.

"May dini-date na siya and stuff, ginugulo niya pa ako. May mga banta siya nun na hindi ko gusto."

Hindi raw naging open si Iwa noon sa publiko tungkol sa "gulong" nangyari sa kanya kaya naman sa ngayon ay ready na siyang pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mickey kaya ang maituturing niyang great love?

Sagot niya, "As of now, sa kasamaang palad, oo. Oo, siya yung pinakamatagal, tsaka akala ko siya na!"

Bago sila tuluyang maghiwalay noon, maraming mga usap-usapan na kahit sila pa raw ay nakikipag-date na si Mickey kay Jannah Dominguez at siya naman ay lumalabas din daw kasama si Carl Guevarra.

Paliwanag niya, "December pa lang hiwalay na kami ni Mickey. Kung lumabas man kami ni Carl, naging magkaibigan lang kami.

"Wala na, wala na, dapat si Mickey dun, yun nga siyempre, nangungulit pa rin siya. Siyempre ayoko lang.

"Ending, tumigil kami, dating mga ganun, kasi ayoko namang mapahamak yung tao [Carl]."

Lumipad si Iwa papuntang Japan noong July 2011 upang umiwas na sa intriga. Kamusta nga ba ang naging biyahe niya sa bansa ng kanyang ama?

Kuwento niya, "[It] went well. Nakuha ko yung longtime visa ko. Naayos ko yung sarili ko, like I was really depressed.

"Gusto ko talagang umalis dito kasi andaming nangyari.

"Sa work and sa personal life, parehong nagkaroon ng problema.

"Umalis ako to fix things. Thinking na sana pag-uwi ko, okay na ako.

"Okay naman ako nung umuwi ako kaya lang wala pa ring nangyari."

Ang tinutukoy ni Iwa na wala pa ring nangyayari ay ang magkaroon ng trabaho na ayon sa kanya ay kailangang-kailangan niya.

CAREER PATH. Sunod na itinanong ng PEP sa dalaga ay tungkol sa pag-alis niya sa Pilipinas noon.

Hindi ba niya naisip na maaaring wala na siyang career na babalikan?

Tugon niya, "Actually hindi naman ako umasa e... wala na talaga akong balak umuwi e...

"Naisip ko na may mga unfinished business pa akong kailangang ayusin so umuwi ako."

Pagbalik ni Iwa ay nag-guest agad siya sa isang talk show ng GMA kung saan nanawagan pa siya na sana ay kunin siya sa mga soap o kahit anumang show na pupuwede siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "E, naubos na yung ipon ko, so wala akong choice, I have to work.

"Nahirapan ako with GMA kasi they're focusing on talents na bago, e.

"I understand that pero, alam mo yun, kung wala lang siguro akong kontrata, nung pagdating na pagdating ko pa lang, meron na akong trabaho agad.

"Kasi si Nanay Omar [Sortijas, kaibigang matalik ni Iwa], tinawagan ko lang siya, sabi ko di ko alam ang gagawin ko, kailangan ko po ng trabaho.

"Kinabukasan may guesting agad ako sa Untold Stories [programa sa TV5].

"I know na hindi ako pasaway na tao sa production, na kapag sinabi na o kunin natin si Iwa, wala namang nagrereklamo.

"Kailangan lang talaga may mag-push. Everybody needs that. A simple push would be enough.

"Kaya lang din ako bumalik sa pag-aartista ay dahil kay Nanay Omar, dahil sobra niya akong... bi-nild up niya ulit yung self-confidence ko.

"Hindi naman nawala totally, pero yung feeling ko lang na 'Nay baka ayaw na sa akin ng tao. Baka hindi na ako makabalik.'

"Pero thankful naman ako kasi dumalaw ako kay Miss Edlyn Tallada, [production unit manager ng drama sa TV5]"

WIL TIME BIGTIME:Nitong nakaraang linggo, kini-claim daw ni Iwa na ang 2012 ay taon niya.

Positive na raw talaga ang pananaw niya pagpasok ng bagong taon.

Detalye niya sa PEP, "Umpisa, sabi ko 'Nay, gusto ko pong sumayaw, I love to dance. So, gustong-gusto kong sumasayaw.'

"'Sige, sige gawan kita ng paraan.'

"Tapos ginuest ako sa Wil Time, I was with Wendy Valdez, Nina Jose, and Regine Angeles.

"So, sumayaw kami sa Wil Time, and then pinaglaro kami ni Kuya [Willie Revillame] dun sa 'Kantanong [isang segment na tumutukoy sa mga title ng kanta o mga kompositor nito].'

"Tapos siguro, makulit talaga ako. Normal lang akong makulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos natuwa siya. After noon, nagtanong, gusto ko raw ba mag ano [host], kung kamusta ang kontrata ko, so umukey naman.

"And then in-offer nga nila sa akin yung Friday [January 13].

"Tapos meron akong na-oohan, dapat di na matuloy, yung guesting, dapat cancelled na, e, si Nanay Cristy [Fermin], dumalaw ako sa TV5, kasi nga andun si Nanay Omar, kinausap ko rin si Nanay Cristy.

"Dinala ako ni Nanay Cristy kay Kuya, tapos sinabi ni Nanay Cristy alam mo, kawawa yang batang yan, kasi 8 months na yang hindi nagtatrabaho, ah breadwinner pa man din.

"After nun, tinanong ako ni Kuya, 'May damit ka ba diyan?' Meron.

"Palagi akong may maleta sa car, ko, whatever happens, kailangang handa ako, parang kunyari may event or what.

"Oh magbihis ka. Ten minutes bago umere, done na ako.

"Kasi pag lumalabas naman ako, lagi naman akong nakaayos, so kaunting powder nalang at tsaka lipstick, sinalang na ako agad.

"Natuwa ako kasi, pinag-host talaga ako."

ACCIDENTAL HOST. Patuloy ni Iwa, "Na try ko ang [hosting].

"For a long time I've been with GMA, never akong nakapag-host.

"Hindi naman siguro na wala silang tiwala or what, parang may mga hosts talaga sila.

"So tinry ni Kuya, so parang magre-regular guest co-host.

"As of now kasi Shalani is on leave, and I need work. Ngayon nga, [January 14, kung kailan naganap ang pag-uusap ng PEP at ni Iwa], wala si Ate Mariel.

"Kawawa siya kahapon kasi kinu-kombulsiyon. Tapos sabi niya, 'Alam mo Iwa, you're my angel. Hindi ko na kaya.'"

Isang wish granted daw para kay Iwa ang pagpasok bilang regular guest co-host sa show.

Dagdag pa niya, "Ako naman yung hindi demanding na tao, hindi rin naman ako umaasa, kaya kung nandiyan at ibigay ng Diyos, tanggap lang nang tanggap basta trabaho.

"Pero kung wala, pasalamat ka pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang masaya lang ako, kasi ito yung pangarap ko. Yung ang gaan-gaan lang, ang babait ng mga tao, yung parang hindi siya trabaho.

"Trabaho siya pero parang naglalaro ka lang, tapos yung feeling ng lahat ng tao dun, kaibigan mo. Sarap.

"In fairness, naramdaman ko yung pagiging magkakapatid."

ON HER CO-HOSTS: Ilang araw pa lang si Iwa sa show pero para raw ang tagal-tagal na niya doon.

Sabi pa niya, "Sugar is my friend, way before, we're really, really okay.

"Si Shalani nung nakilala ko siya, nahihiya ako kasi sobrang tahimik, parang nakakahiyang lumapit.

"Si Mariel, nakasama ko na siya sa isang show dati and she was very friendly kaya noong lumapit ako sa kanya, nagtanong agad ako. 'Ate, ano po bang gagawin?'

"Kasi siyempre hindi ko alam, kakauwi ko lang galing Japan, wala akong alam sa mga games and stuff.

"Tinuruan niya ako, inisa-isa niya ganito, ganito, ganyan.

"So far, okay naman yung ginawang hosting ko kahapon.

"Si Lovely naman, Lovely is very friendly. Alam mo wala akong masabi sa mga tao dun.

"Sila yung mga tipong lagi mong ilalaban bilang kaibigan mo. And alam mo laging nandyan para sa yo.

"Hindi ka nila pababayaan. Siyempre nangangapa ako, tapos gina-guide nila ako."

HARD WORKER:Anong maipapangako ni Iwa sa production ng Wil Time at sa main host nitong si Kuya Wil?

Tugon niya, "Siyempre pagbubutihin ko, definitely.

"Hindi rin lalaki ulo ko. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na nagyayabang."

Sa ngayon daw gustong patunayan ni Iwa na ibang-iba siya kaysa sa kung ano man ang pagkakakilala ng publiko sa kanya.

Gusto niyang maipakilala ang sarili sa masa upang maintindihan daw siya ng mga tao.

Aniya, "Sana unti-unti akong makilala ng tao and sana mag-turn out siyang maganda talaga.

"Kasi ako naman, pagbubutihin ko naman, pag trabaho, trabaho talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dumating ako sa punto noon sa GMA na nagkaroon ako ng sakit, naoperahan ako ng cyst sa ovary, major operation.

"Meron akong regular show nun. Para lang hindi mabitin yung regular show nun, three days after my operation, lumabas ako ng hospital na supposedly dapat one month akong naka-confine.

"Lumabas ako at nag-taping ako, kasi ayokong mabitin sila.

"I have to be professional. Tinanggap ko 'to kahit anong mangyari sa akin, gagawin ko 'to."

JOBLESS AGAIN? Matapos ang panayam ng PEP kay Iwa one week ago, nakarating sa aming kaalaman na may ipinadala raw na sulat ang GMA sa Wil Productions na nagpaalalang may kontrata pa sa kanila ang StarStruck alumna.

Pero napag-alaman ng PEP na ang sulat ay hindi galing sa legal department ng GMA-7, bagkus, sa GMA Artist Center.

Minabuti naman ni Iwa na magpahinga na lamang sa kanyang pagho-host.

Nagpadala na rin daw ng sulat ang abogado ni Iwa sa GMA. Umaasa raw si Iwa na mapagbigyan ang kanilang hiling na makapagtrabaho na ulit.

GMA ARTIST CENTER STATEMENT. Kinontak ng PEP ang GMA Artist Center tungkol sa isyung ito.

Ito ang kanilang statement: "Iwa is with us until her contract expires in March.

"It's not true na ayaw siyang bigyan ng project. Tinatawagan siya ng handler niya para sa shows, hindi siya sumasagot.



"Sabi niya eight months siya walang project. Nasa Japan siya.

"In fact, before she left for Japan, may Andres de Saya siya. It was during the shoot na nag-away sila ni Mickey Ablan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN