Heart Evangelista on turning 27 on Valentine's Day: "I have no plans, but I have great expectations."

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on relationship with Daniel Matsunaga: "Okey naman kami so far. After naming maging busy, the next day magmi-meet kami or susunduin niya ako...ganyan. 'Tapos, magmu-mall kami. Or punta kami sa restaurant. Kain-kain. Tsika-tsika. O manonood ng movie. Ganyan. The whole day kaming magkasama kung may time. Pero kung wala, okey lang. Hindi na kami masyadong... Kasi kapag pressure, you know, mas mabigat."


Isang masiglang Heart Evangelista ang nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 22, sa lobby ng GMA Network Studios.

Katatapos lang umere ng Party Pilipinas, kung saan regular din siyang napapanood linggo-linggo. Pero kahit pagod, hindi ito makikita sa aura niya.

Excited pa nga si Heart sa pagkukuwento tungkol sa Legacy, ang pinakabagong primetime series ng GMA-7, kung saan isa siya sa mga bida, kasama sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

"'Yong pinakamabigat nang eksenang ginawa ko, siguro 'yong no'ng may namatay, 'tapos super nagwawala ako dahil pinapaalis ako do'n sa funeral.

"After ng eksena na 'yon, tulog na tulog ako sa sobrang bigat ng eksena.

"Kami ni Ms. Jackielou [Blanco] ang magkasama do'n. Mag-ina ang role namin.

"And ang sarap ng feeling. Kasi, parang nabibigyan ng outlet 'yong mga gano'n.

"Ang sarap um-acting kapag lahat ng tao involved," saad niya.


DRAMA ACTRESS. Sa naunang umere nang episodes ng Legacy, talagang maraming dramatic scenes si Heart.

Maganda naman ang feedback ng marami sa performance na ipinamalas niya.

"Actually, marami pa. Umpisa pa lang 'yon," nangiting sabi ng aktres.

"So, marami pang mga drama.

"Kaya usually, kapag sa taping, lagi akong nasa kotse. Lagi akong tulog dahil mabibigat lahat ng eksena.

"Pero 'yon naman din talaga ang gusto ko, e. Mahilig talaga ako sa drama.

"So, feeling ko, napu-fulfill 'yong mga dreams ko."

Handa na rin ba siyang mapasabak sa mga eksenang may confrontations, tarayan, at sabunutan?

"Actually, may mga moments nang nakipagsabunutan ako.

"Pero dahil petite lang ako kumpara sa kanilang lahat, nakakailag ako.

"So, hindi nila [her co-stars] ako nasasabunutan.

"At saka naaawa din sila sa akin. Dahil ang laki naman nila!" sabay tawa ni Heart.

Dagdag pa niya, '''Yong character ko bilang si Diana, medyo palaban.

"Pero kapag nasa tama lang siya lumalaban. Hindi siya 'yong nag-uumpisa ng away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puna lang ng ibang nakapanood ng unang buong linggong episode ng Legacy, parang ang bagal o ang tagal daw ng development ng mga characters.

Ayon naman kay Heart, "Yes. But then again, sabi naman...ang importante raw ay 'yong foundation ng isang story.

"So, kailangang matibay ang foundation para matibay na lahat.

"So, it's okay. It was also...tricky rin siya.

"Kasi kailangan makita na 'yong main cast, o 'yong mga artistang nasa major roles.

"And tingin ko, mas naintindihan naman ng viewers 'yong story."

LOVI AND ALEX. Silang tatlo nina Lovi Poe at Alessandra de Rossi ang masasabing may pinakaimportanteng roles sa Legacy.

May nabubuong rivalry ba sa kanila?

"In real life? Wala.

"Ang saya namin sa set. Super-chika.

"And... like kami ni Lovi, do'n sa isang eksenang mabigat, siya pa ang nagsasabi, 'Naku, Heart, bigyan mo ng justice 'yong ganito.'

"Kaming dalawa, we motivate each other. We're good friends.

"Si Alessandra naman, super nakakatawa siya.

"Hindi naman siya 'yong tipo na umeeksena, or gumagawa ng anything para may moment siyang sarili or something."

DANIEL MATSUNAGA. Ang boyfriend ba niyang si Daniel Matsunaga ay pinapanood ang Legacy?

"Minsan, pinapanood niya.

"Pero ano kasi siya, busy siya sa football.

"At saka mag-start na rin siyang mag-taping para sa isang bagong project.

"Alam mo, kapag artista ka, mas refreshing na hindi ninyo pinag-uusapan ang trabaho inyo.

"It's more of like...normal kayong dalawa."

Pareho silang busy ni Daniel ngayon sa kanya-kanyang trabaho. Pero okey lang daw kahit nabawasan ang oras nila para sa isa't isa.

"But it's always good to be apart from time to time.

"Because, siyempre, when you're always together, parang wala nang bago. Di ba?

"Eto, marami akong kuwento."

TEMPTATIONS. Bilang isang modelo at artista, madalas na napaliligiran ng mga babae si Daniel. Hindi rin maiwasan na may makipag-flirt na mga babae sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Heart, hindi nagpapadala si Daniel sa mga sitwasyong ganito.

"Hindi siya gano'n.

"Definitely, he's not the type to be flirting with anybody.

"He's not that type," kampanteng sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Heart, "Okey naman kami so far.

"After naming maging busy, the next day magmi-meet kami or susunduin niya ako...ganyan.

"'Tapos, magmu-mall kami. Or punta kami sa restaurant.

"Kain-kain. Tsika-tsika. O manonood ng movie. Ganyan.

"The whole day kaming magkasama kung may time.

"Pero kung wala, okey lang.

"Hindi na kami masyadong... Kasi kapag pressure, you know, mas mabigat."

BIRTHDAY/VALENTINE. Malapit na ang Valentine's Day at 27th birthday rin ni Heart sa mismong Araw ng mga Puso.

Ano ang mga plano nila ni Daniel?

"I have no plans, but I have great expectations.

"Because it's my birthday nga. And it's Valentine's, so I expect the best.

"And I do believe that he [Daniel] really wants great things to happen kahit isang araw lang 'yan.

"Kaya niya," sabi ni Heart.

Magkakaroon ba siya ng bonggang birthday party?

"Wala.

"Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa birthday ko. Kasi ini-expect ko talaga ang surprise.

"So, hayaan na lang natin silang magplano.

"At isa si Daniel nga siguro sa nagpaplano.

"Kaya feeling ko, mas exciting ang birthday ko for this year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN