Heart Evangelista says boyfriend Daniel Matsunaga is in Brazil to have surgery, not because he received death threats

IMAGE Ricky Gay

Heart Evangelista hopes her top-rating teleserye Legacy gets extended. She has also become close to her co-stars Lovi Poe and Alessandra de Rossi and wants to spend more time with them.

“Kasi lumalabas kaming tatlo. Nagda-drive si Alex, ako sa gitna, tapos si Lovi, tatlo lang kami sa loob ng van, pupunta kami sa Makati, nagka-karaoke kami," she says.


Kay Heart Evangelista namin nalaman na ooperahan si Daniel Matsunaga kaya nasa Brazil ngayon ang Brazilian/Japanese hunk.

“Papa-opera siya, meron siyang parang… hindi siya makahinga nang maayos kaya may tatanggalin [sa ilong niya].

“Matagal nang ganun siya, e. Umuwi siya kasi doon talaga yung ano nila, like his family, his sisters are there, kasi solid sila talaga ng pamilya niya so doon talaga siya, pero babalik na siya dito sa [April] 12,” pagkukuwento ni Heart nang nakausap ng PEP.ph kahapon, March 22 sa taping ng Legacy sa Timberland Resort and Sports Club sa Cainta, Rizal.

So hindi totoo ang tsismis na may natatanggap na death threats si Daniel kaya umuwi muna sa Brazil.

“Ano ba iyon? No, wala, no. Wala siyang kaaway.”

Mataas ang ratings ng Legacy at happy si Heart dito…

“Oo nga, nakakatuwa naman!”

Bukod kay Heart, lead female star ng nasabing teleserye sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Inilipat pa ang show nila sa mas maagang timeslot; napapanood na ito pagkatapos ng Biritera.

“Nakakatuwa and I hope ma-extend kasi ayoko talagang mag-end, ang saya-saya ko, from the bottom of my heart," ani Heart.

“Kasi before the show parang medyo ano ako e, magulo isip ko, ganyan.

"Pero ngayon, parang ayoko na talagang mag-end parang bumalik na ulit yung… passionate na ulit ako tapos close na kami nina Lovi, ni Alex, ang saya-saya tapos mag-e-end? Naku huwag munang mag-end.

“Tapos ang taas ng rating, nakakatuwa.”

Ang mga damit nila sa show ang isa sa mga inaabangan ng manonood, pero dahil magkakaibigan silang tatlo, hindi sila nagpapatalbugan sa outfits.

“Not at all. In fact, may video ako dito na in-edit, papakita ko pa kay Alex mamaya.”

Lagi silang may bonding moments na tatlo kahit wala sila sa taping.

“Kasi lumalabas kaming tatlo.

“Nagda-drive si Alex, ako sa gitna, tapos si Lovi, tatlo lang kami sa loob ng van, pupunta kami sa Makati, nagka-karaoke kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING DANIEL. Magwa-one month nang wala si Daniel sa Pilipinas, at natural lang na nalulungkot si Heart.

“Oo siyempre araw-araw kayong magkasama tapos wala siya.”

Araw-araw naman raw silang nagtatawagan.

“Oo, tsaka Skype.”

Kapag natsitsismis na on-the-rocks ang kanilang pagsasama, ano ang reaksyon ni Heart?

“Wala, ganun talaga e, kasi hindi naman din perfect ang isang relationship di ba, so… hindi ko din alam kung mag-e-end ba ito or magla-last ito so hindi ako masyadong nag-aano sa on-the- rocks, kasi kung on-the-rocks kami sa totoong buhay, okay parang ganyan, pero kung hindi, okay lang.

“Tsaka ano kasi ako ngayon e, nandun ako sa situation na wala akong masyadong expectations na, kaya parang… hindi din naman kasi… bihira din [makahanap] ng lifetime partner e, di ba?

“So there are really no assurances in life. So no demands, so kung mag-work, fine, kung hindi then I wish you all the best, ganun,” sabay-tawa ni Heart.


“Hindi talaga yung parang ‘Okay, ito na talaga!’”

One month silang hindi nagkikita, may changes ba sa relasyon nila?

“Normal din kasi wala din naman kaming bawalan e, wala kaming… pag andito din siya I do my thing, wala kaming masyadong ‘Oh, you know we have to…’ hindi masyadong nag-change, lalo na ang saya-saya ko sa bonding namin nina Alex at Lovi.”

Hindi raw nababawasan ang intensity ng pagmamamahalan nila.

“Hindi naman, hindi naman.”

Kumusta na si Daniel sa mommy ni Heart?

“Okay lang. Yung mommy ko naman kasi she’ll always find something to say, so there will always be something to say.”

Na parang nobody is good enough for Heart?

“Yeah, so at this point I’ve given up, parang with or without their consent I will… one day, I will get married.”

Pero ipinagtatangol naman niya siyempre si Daniel sa mommy niya…

“Yes but there are times na hindi ko na inaano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang isa sa mga matinding pagtatanggol niya kay Daniel?

“Kasi it’s more of a general thing, parang I said… I’ve already given a lot for my family kasi siyempre gusto ko magbati kami. Sabi ko, ‘Ngayon hayaan ninyo na akong maging masaya,’ di ba?

“Kung hindi man para sa akin ang sitwasyon let me discover it on my own. Hindi naman sa… parang ‘Huwag ninyo piliting mangyari ang gusto ninyo, hayaan ninyo na lang.'"

IN CHARACTER. Nakaka-relate si Heart sa role niya sa Legacy bilang si Diana.

“Yes! I can, kasi dati, mga a few months ago, hindi ako lalaban.

“Ngayon lalaban na talaga ako kung may situation. Kahit with my parents, when it comes to being independent, sabi ko nga there are times na ang dami nilang sinasabi na ‘Bakit ganito?’ ganyan, but recently I’ve learned to put my foot down pag medyo OA na.

“Like kunyari madaming sinasabi na ‘Ano ba yan?’

“Like ‘You should focus more on your career, your love life again?’

“Mga ganun-ganun, madami siyang ganyan so, ‘Sige, I’m not doing anything [wrong],’ may ganun na ako.”

Bakit ngayon siya nagdecide na maging palaban; dahil lang sa role niya sa Legacy?

“No kasi… twenty-seven na ako e, so I cannot be ano na, I have to learn how to say no, I have to learn to put my foot down kasi eventually, pag wala na yung mga taong tumutulong sa akin, I have to learn how to survive on my own, di ba?”

MARRIAGE. May ideal marrying age ba for Heart?

“No but I don’t wanna get married anytime soon.”

Paano kung gusto na ni Daniel?

“Ay hindi puwede, hindi talaga, hindi!

“Hindi pa ako finish sa lahat ng mga gusto ko pang gawin.”

Ano pa ba ang gusto niyang ma-accomplish?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, hindi ko ma-explain, e. Parang sa isang relationship din, it has to get to a point na there’s nothing to argue about, everybody argues but basic things you don’t have to argue about, e.

"With your career I have to make sure na… parang alanganin pa ako, e.

“Mahirap i-explain basta you know when you know, but at this point I don’t know yet.”

Magtu-two piece si Alessandra sa isang future episode ng Legacy; tatapatan ba ito ni Heart?

“Hindi, hindi ako ready. Nung Temptation Island nag-ready ako pero ngayon hindi ako ready kasi kain ako ng kain kaya may konting… yung face ko payat pero mabalakang ako kaya hindi ako ready.”

Mag-iisang taon na since nag-shooting sila ng Temptation Island sa Laoag, mag-iisang taon na rin ang feud nila ni Marian Rivera.

Hindi pa rin sila okay?

“Wala e, pero ako okay naman talaga ako, happy-happy lang ako.”

ON ANNABELLE RAMA. Since dating manager ni Heart si Annabelle Rama, hiningan namin ng opinyon si Heart tungkol sa eskandalo sa pagitan ng kanyang dating manager at ni Nadia Montenegro.

“I wish ma-settle na nila. Kasi si Tita Annabelle okay naman siya, e. Sa totoo, in fairness, I really, really… mahal ko siya, noh!

"It’s just talagang when there’s a misunderstanding siyempre nasaktan yan, magtatampo talaga siya so I hope na ma- settle.”

Si Heart ay dating taga-ABS na lumipat sa GMA; si Iza Calzado naman, taga-GMA na lumipat sa ABS.

Ano ang comment ni Heart sa paglipat ni Iza?

“Happy ako para sa kanya, oo! Kasi it’s always nice to have change in life.

"Hindi naman sa hindi siya inalagaan ng GMA, talagang inaalagaan naman siya but she needed change, something [fresh], and I guess moving to a different channel is good for her kasi ayun kumbaga nakuha niya yung feeling na ‘Wow it’s a new start, it’s a new chapter!’ ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Heart ay mahigit na isang taon pa ang kontrata sa GMA.

Magre-renew ba siya?

“Oo, kung maayos naman, why not naman?”

Never pang nag-pose for a sexy pictorial for FHM si Heart; pero na-offer-an na siya noon.

“Ayoko e. it’s not that I have anything against… parang okay na naman ako, na for the longest time hindi naman ako nag-ganun.

“Baka kasi ma-misinterpret nila na wow, desperate na ako because of my situation or something, na from before na younger, ang daming billboards, na she’s trying to do something, ayoko ng ganun, e.

“Pero going back to contracts, kung maganda yung offer, why not, di ba? Kasi gusto ko bumili ng bahay dahil uso ang mga earthquakes.”

Saan siya bibili?

“Bahala na kung saan maganda.

“Kasi for me buying a house is being independent and it doesn’t matter kung sino mapangasawa ko, basta ako, may sarili ako, I work hard for what I have, ayoko kasi na helpless ka na nakiki-ano ka, nakikihingi.

“Gusto ko yung meron akong sarili.”

Open ba siya if ever na magtrabaho ulit sa ABS?

“Ayokong sabihin kasi parang ampangit pakinggan kasi ang bait- bait sa akin ng GMA so as of now as long as okay ako, dito ako, okay kami.”

AT THE BEACH. Ang summer plans nila ni Daniel…

“Sana kung walang work pero gusto kong mag-beach. At dahil model siya [Daniel] ng isang resort sa Boracay [The Tides], doon ko gusto pumunta.”

Sa Holy Week naman since wala pa dito si Daniel, sila nina Lovi ang may plano na mag-bonding.

“Kaming dalawa ang magkasama, hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. Si Alex hindi pa namin alam ang hirap kasi niyang tanggalin sa bahay niya, e.”

May plano raw sila ni Daniel na bumalik ulit sa Brazil para magbakasyon bago matapos ang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And if ever kasal na sila at gusto ni Daniel na sa Brazil sila manirahan, hindi papayag si Heart.

“Nandito na yung buhay ko e, tsaka nakilala niya ako dito.

“Tsaka ito yung life ko e, dito yung trabaho ko, nandito lahat.

“Tapos kung sa Brazil siyempre parang… of course love can do anything pero let’s be realistic din, di ba?

“I don’t want to get to a point na baka mag-suffer yung marriage namin dahil kasi iba yung… hindi talaga puwede yung kung ano ang gusto mo.

“Kailangan balance, kundi yung isa, hindi magiging masaya.

“Tsaka maganda na naman ang buhay namin dito, e. Okay lang yung baka-bakasyon na pag marami kaming pera, pupunta kami sa Brazil anytime we want.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN