Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Daiana Menezes treats fans and friends to a party; plans to spend summer in Brazil

by Rommel R. Llanes
Mar 19, 2012
Brazilian model turned TV personality Daiana Menezes treated her friends last Saturday, March 17. "I'd rather call them friends and supporters. Mga taong parang palagi namang nandoon para sa akin since nung nagsimula pa ako," the 24-year-old Brazilian said about her fans.

Taun-taon ay itini-treat ni Daiana Menezes ang kanyang fans sa isang party bilang pasasalamat sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga ito.

"Pero I'd rather call them friends and supporters. Mga taong parang palagi namang nandoon para sa akin since nung nagsimula pa ako," sabi ng 24-year-old Brazilian model turned TV personality nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang fans' day sa Baliwag Lechon Manok Restaurant sa E. Rodriguez Ave., nung Sabado, Marso 17.

Sa limang taon nang pamamalagi ni Daiana sa Pilipinas, nakabuo na siya ng pakikipagkaibigan sa mga taong nakikilala niya sa iba't ibang programang kinabilangan niya, lalo na sa Eat Bulaga!

Sa kabila ng pagiging maganda at sexy ni Daiana na mas umaapila sa mga kalalakihan, may mga humahanga rin sa dalagang tubong-Cataguases Minas Gerais, Brazil, mula sa iba't ibang kasarian, edad, at estado.

"Meron din na mga bata, meron na mga matatanda na, may mga tao na palaging nasa audience ng Eat Bulaga!, meron din yung mga ginagawa nang mga 'fans club,' the way we call it na."

Continue reading below ↓

Ilan nga raw sa mga nabuo nang fans club niya ay ang The Orig Daianatics, Daianaholics, at ang Daianatictwo.

Kahit na taun-taon siyang nagpa-party para sa kanyang mga tagahanga, wala naman daw fixed date para rito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero katulad ng laging ginagawa ni Daiana sa kanyang fans day, mula pa noong 2010, nagsasama siya ng mga taong hindi masyadong nakakaangat sa buhay para mapasaya ang mga ito.

"Yung mga less-fortunate sinama ko rin sila, together with their kids.

"Para lahat na, kumakain. Meron kaming mga games. Meron kaming mga T-shirt na ibinibigay.

"Yung mga... alam mo yun? Kung ano ang mga puwede naming ibigay."

SHARING BLESSINGS. Pero pagdidiin ni Daiana, kahit na may kurot sa puso niya ang mga taong lumalapit at humihingi ng tulong kanya, nakikinig din naman siya sa mga taong nagbababala na huwag masyadong mabait at mapagbigay.

Kumbaga, yung kaya lang niya ang dapat niyang ibigay.

"Whenever they ask me, whenever they approach me, as much as possible, I try to give them something.

Continue reading below ↓

"And at the same time, show them na, whenever you're right [there] on TV, you're also earning for what you're doing.

"Pero hindi naman ibig sabihin na bibigyan mo sila ng pera.

"You share with them your blessings in a different way, making them happy naman to be with you, being always na kasama.

"If I can help, then of course, I will help talaga. And I do," paliwanag ni Daiana.

RESTING HEART. Sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa niya dahil sa pagkakaroon ng mga endorsement, at sa pagmamahal na nakukuha mula sa fans at mga kaibigan, wala namang kasalukuyang nagmamay-ari ng puso ni Daiana.

"Wala akong lovelife ngayon. Ano ang gagawin ko? Wala. Waley, e," pabakla pang banggit ni Daiana.

"I'm not searching... Resting ang tawag dun, e. Rest muna, pahinga muna ang puso.

"Huwag muna. Maguguluhan lang ang buhay ko!" natawa pang sabi niya.

SPENDING SUMMER IN BRAZIL. Itong darating na summer, uuwi raw muna sa Brazil si Daiana.

Continue reading below ↓

"Actually, ang plano ng tatay ko was go to Disneyland, and then like spend vacation there and everything—me, pati na yung dalawang kapatid ko na bata.

"Pero I told him, I wanna be in Brazil.

"Kasi ang tagal na...

"For me to go there, it takes too long. It takes me almost two days to get there.

"Sabi ko sa kanya, I want to enjoy naman yung bansa namin. Kasi we can go naman to America anytime. And it's very malapit naman.

"So, this time, pag aalis ang Bulaga! going to San Francisco, ako naman, I will go to my family, so I can see them.

"Kasi unlike the Filipinos or mga Dabarkads ko, they are with their families palagi. Kasi nandito naman sila.

"Ako naman, mag-vacation naman," sabi pa ni Daiana.

Read Next
Read More Stories About
Daiana Menezes
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brazilian model turned TV personality Daiana Menezes treated her friends last Saturday, March 17. "I'd rather call them friends and supporters. Mga taong parang palagi namang nandoon para sa akin since nung nagsimula pa ako," the 24-year-old Brazilian said about her fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results