Isabel Oli still hurting from breakup with Gab Valenciano; refuses to comment on rumored relationship of Gab and Coleen Garcia

IMAGE Joyce Jimenez / Twitter

"Mahirap. Ang hirap talaga, sobra. Hanggang ngayon, mahirap pa rin. Buti na lang, bugbog ako sa work. Kahit papa'no nada-divert din yung atensiyon," says Isabel Oli about late last year's breakup with Gab Valenciano.

(Inset) Gab is now being linked to young actress Coleen Garcia. The two were spotted watching the PBA game at the Araneta Coliseum last night, January 25.


Inamin ni Isabel Oli sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hanggang ngayon ay mahirap pa rin sa kanya ang makapag-move on sa breakup nila ni Gab Valenciano.

Apat na buwan lang ang itinagal ng kanilang relasyon, pero wala raw siyang masasabi sa maikling panahong yun dahil masaya raw silang dalawa.

Pero hindi maipaliwanag ni Isabel kung bakit umabot sila sa desisyong maghiwalay noong magpa-Pasko ng nakaraang taon.

GAB & COLEEN? Itinanggi ni Isabel ang isyung may third party na involved sa hiwalayan.

Pero hindi naman niya masagot ang kuwentong nagkakamabutihan na raw ngayon si Gab at ang young star na si Coleen Garcia.

Inamin ni Isabel na nakakarating sa kanya ang mga kuwentong yun, pero ayaw niyang magkomento.

Ang latest na nakarating sa PEP ay magkasama sina Gab at Coleen na nanood ng laro ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Araneta Coliseum kagabi, January 25.

May nagkuwento ring pagkatapos nilang manood ng PBA ay tumuloy sina Gab at Coleen sa Republiq sa Resorts World Manila, at marami ang nakakitang sweet daw ang dalawa.

Tumanggi si Isabel na magkomento tungkol dito, kahit nakita na niya sa Twitter account ni Gab ang mga litratong magkakasamang nanood ng laro sina Coleen, Cesca Litton, at Eric Tai.

STILL HURTING. Inamin ni Isabel na masakit pa rin sa kanya hanggang ngayon, kaya ibinubuhos na lang daw niya ang sarili sa trabaho at sa pamilya.

"Mahirap. Ang hirap talaga, sobra," sabi ng aktres.

"Hanggang ngayon, mahirap pa rin.

"Buti na lang, bugbog ako sa work. Kahit papa'no nada-divert din yung atensiyon."

Kaya rin siya nahihirapan ay dahil mabait pa rin daw sa kanya ang pamilya ni Gab.

Nagti-text pa raw sa kanya minsan ang ina ni Gab na si Angeli Pangilinan-Valenciano, isang talent manager, para kumustahin siya.

Kahit si Gab ay malapit din daw sa pamilya ni Isabel, kaya hindi ganun kadali para sa dalaga na tanggaping tapos na ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Emosyonal ang aktres sa pagkukuwento.

Minsan ay idinadaing na lang daw niya ito sa kanyang ama, na halos anim na buwan nang comatose.

"'Kinukuwento ko sa kanya ang mga nangyayari.

"Siyempre, na-share ko ang mga problema ko.

"My mom is there, supportive naman siya. Pero iba talaga yung both na nandiyan.

"Iba naman ang pinagdaanan ko ngayon na hindi naman ganun kadali.

"So, medyo malungkot lang talaga ang Pasko ko, pero kaya naman.

"Dasal na lang ako ng dasal," saad ni Isabel.

JAMES YAP ISSUE REBORN. Sa ngayon ay hindi raw muna nag-e-entertain si Isabel ng mga may balak manligaw.

Nagtataka nga ang aktres bakit naungkat na naman ang pagkaka-link niya sa basketbolistang si James Yap.

"Wala talaga sa amin yung kay James.

"Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung may James na naman," pahayag ng aktres.

Hindi naman daw naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni James.

Pero nung unang kumalat ang usap-usapang ito, hindi na raw muna lumalabas sina Isabel at James kasama ng mga kaibigan.

Masasabing pagod na raw siyang makipagrelasyon kaya ibinubuhos na lamang ni Isabel ang panahon sa trabaho at sa pamilya.

"Wala muna. Pahinga muna.

"Sabi ko nga sa sarili ko, ito muna ang time na ako muna.

"Ngayon kasi, hindi pa talaga ako okay—kaya ako muna.

"Ang family ko muna, lalo na my dad," saad ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN