Mariel Rodriguez: from Russia with love... and fun!

IMAGE Alquin Flores

Mariel Rodriguez enjoyed her one-week vacation in Russia, where she watched the film Battleship, dubbed in Russian. "In-enjoy ko na lang," she says.


Noong April 29 pa nakabalik ng bansa ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez mula sa isang linggong bakasyon sa Russia.

Regalo ito ng handset na ini-endorso ng cellphone brand ng action star.

Tuwang-tuwa naman si Mariel sa pagkukuwento ng mga nakita at naranasan sa mga lugar na pinuntahan nila, gaya ng Moscow at Petersburg.

“Ang yaman pala nila,” bungad ni Mariel nang kumustahin siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa pinakamalaking bansa sa mundo (6,592,800 sq.m. with largest mineral and energy resources, and forest reserves, according to wikipedia).

“Feeling ko, ini-imagine yung time na may reyna, may empress, may royalty. Sabi ko, ‘Ay grabe! Naglakad sila dito sa lugar na ito.’ Ang saya-saya!”

Kasamang lumipad nina Robin ang dealers ng Cherry Mobile.

“Ang dami namin at ang saya! First time naming makapag-travel ng ganun.

“Sabi nga ni Robin, gusto ko ring gawin ito sa pamilya ko. Alam mo naman si Robin, pagdating sa pamilya…”

May mga romantic moments naman kayo ni Robin?

“Ay, oo. Nakapag-date kami, nanood kami ng movie, nanood kami ng Battleship na wala akong naintindihan kasi Russian siya…

“Ang reaksiyon ko lang, ‘Ay maganda siya.’ In-enjoy ko na lang.”

“Yung romantic dinner… nakapag-romantic dinner ba kami?

“Nanood lang kami ng movie. Hindi ko matandaan kasi everyday, kasama kami sa tour. Pero pagdating namin sa hotel, kakain ulit kami ng cheese or kakain uli kami sa hotel bago matulog. So, yun ang pinaka-bonding namin.

“Hindi naman ako tumaba sa kakakain kasi super lakad naman kami, super walk to death kami kaya okey lang”

Ano naman ang impression niyo sa mga Russians?

Ang sagot ni Mariel, “Kasi feeling namin na yun yung mga things na hindi naman ginagawa ng mga tourists, doon mo makikita yung mga tunay na ugali ng mga Russians.

“Di ba, iisipin mo na pag Russians, sila yung mga matatapang? Pero alam mo, ang babait nila kasi palagi silang nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang akala ko, e, ini-expect ko… na akala ko, dadamputin kami anytime.

“Pero hindi sila mahigpit. Yung mga security, siyempre, mahigpit. Saka nakita naming nag-parade pa yung mga sundalo nila, yung mga army nila. Kasi pala, pag May 1, malaking celebration nila yun.

“Nagpa-practice sila no’ng napanood namin ni Robin. E, di yun yung mga gustung-gusto ni Robin na military-military.”

Ano naman ang na-enjoy ni Robin sa trip nila?

“Sa palagay ko, yung sa company at saka yung weather, yung malamig…

“Na-appreciate nila na ano sila sa kultura nila, e. Di ba, parang bago pa lang silang, di ba? Communist country sila for the longest time.

“Ngayon, parang probinsyano pa sila. Ganun ang feeling ko sa kanila.”

Muntik na raw hindi nakasama si Mariel dahil sa hosting stint niya sa Wil Time Big Time ni Willie Revillame.

“Hindi talaga ako pinayagan,” ang sabi ng host. “Noong una, hindi talaga ako pinayagan. Ako mismo ang nagpaalam kay Kuya [Wille].

"[Sabi ko], 'Kuya, payagan mo na ako, sabi kong ganun.'

"Pumunta talaga ako sa kanya. Tamang-tama naman kausap niya si Boss Vic [VIVA big boss], e, di pumayag na rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN