John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: "Parang renewed ang lahat ngayon."

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz is very supportive of his girlfriend Shaina Magdayao when it comes to her career. The actor says Shaina doesn't need to ask permission from him to do love scenes with other leading men.


Pagkatapos magkahiwalay at magkabalikan nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, sinabi ng young actress na mas tumaas ang kanilang respeto sa isa’t isa at mas nalaman nila ang kahalagahan ng bawat isa.

Sinang-ayunan naman ni John Lloyd ang pahayag ni Shaina na mas maganda ang itinatakbo ng kanilang pagsasama ngayon.

“Totoo. Oo, that’s true. Totoo ang mga sinabi niya.

"Iba kasi, e. Parang renewed ang lahat ngayon," sabi ni John Lloyd.

Sa isang interview, sinabi ni Shaina na isa sa nagugustuhan niya kay John Lloyd ay ang pagiging supportive nito sa kanyang career.

Ano naman ang masasabi ni John Lloyd dito?

Aniya, “Sa pagsuporta sa trabaho siyempre, kumbaga, natural lang yun.

“Yun talaga yun, wala tayong papel sa buhay kundi suportahan, itulak siya sa mga magaganda.

“Sana nai-inspire siya.

"Natutuwa naman ako, heto ipapalabas na ang kanilang pinaghihirapan.

“Natutuwa ako kasi finally makikita na ng mga tao ang pagod at hirap [nila para mapaganda ang kanilang teleserye]."

Ang tinutukoy ng aktor ay ang afternoon soap ni Shaina na Kung Ako'y Iiwan Mo.

Nagpaalam ba sa kanya si Shaina bago nito gawin ang love scenes nila ng kaparehang si Jake Cuenca sa serye?

“Hindi na kinakailangang ipaalam yun, trabaho yun,” sagot ng aktor.

REUNION PROJECT WITH BEA ALONZO. Samantala, kumpirmado na ang pagbabalik-tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo sa isang teleserye ng ABS CBN.

Kumusta ang pakikipagtrabaho nila?

“Okay naman. Nagpi-prepare na rin yung buong production and, of course, kami.

“In May, aalis kami. Pupunta kami sa Vienna, Austria kasi yung pilot week namin, dun kukunan yung ilang scenes.

“Ang tagal ko ring hinintay [project with Bea] kasi ang daming naghihintay.

"Kaya I’m really excited na, finally, heto, may gagawin kami ni Bea.

“At yung mga sumusuporta sa amin, may mapapanood na sila gabi-gabi na magkasama uli kami ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nae-excite ako sa bagong breaking battle namin ito ni Bea kasi ilang years na ba?

“Nae-excite ako kasi iba na siyempre yung Bea ngayon. Iba na ako.

“So, paano yung magiging collaboration namin ngayon with each other?”

MOVIE WITH SARAH G. Sinisimulan na rin ang pangatlong pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo, kung saan makakasama nila si Iza Calzado sa pagkakataong ito.

Ayon kay John Lloyd, “Nag-start na kami. Actually nakakailang araw na kami.

"It’s an honor na makasama ko ang isang Ms. Iza Calzado kaagad sa una niyang pagsabak sa pelikula sa istasyon natin, sa paglipat niya.

“Natutuwa ako na nagkasama kami sa pelikula niyang ito sa Star Cinema.

“With Sarah, medyo nagkakapaan pa kami kasi medyo matagal kaming hindi nagkita… nagkatrabaho.

"So, kapa-kapa pa.”

MOVIE WITH ANGELICA. Kagagaling lang ni John Lloyd mula sa Vietnam, kasama si Angelica Panganiban, para sa pelikulang ginagawa nila kaugnay ng 20th anniversary ng Star Magic.

Kuwento ng aktor, “Kakaiba yung experience kasi iba rin kung paano yung approach ni Direk John-D [Lazatin].

“It’s not [a] typical shooting experience, maganda siya. Iba, e.

“Una pa lang, itong istorya namin, kai-start pa lang nung movie—parang may pagka-rom-com na seryoso.

“Wala kang hirap na mararamdaman kasi magaganda yung mga eksena.

"Maayos naman naming nagawa. Mukhang maganda naman yung project kasi maayos, maganda. Malinaw yung pagkakagawa ni Direk John-D.

“Bitin pa. Hindi pa buo.

"Actually, hindi pa talaga kami buo kasi may mga kukunan pa kami dito.

“I’m looking forward to discover new working experience with Angelica.

“Pagdating ng panahon, we’re going to do a movie together—yung isang buo talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN