Nora Aunor on the cancellation of her MMFF special award: "Move on na tayo!"

IMAGE Allan Sancon

The Superstar on talk that her special award from MMFF was cancelled because her friend cum coordinator Suzette Ranillo failed to coordinate with the Executive Committee of MMFF:"Huwag na tayong... [mag-isip] sa mga intriga ngayong Bagong Taon."


Tuloy na tuloy na ang pag-alis papuntang Boston, Massachusetts, ng Superstar na si Nora Aunor ngayong Thursday, January 5.

Kinumpirma ito ng matalik na kaibigan ni Ate Guy—palayaw ni Nora—na si Manay Glenda Kennedy, at pati na ng personal manager ni Guy na si Boy Palma.

"Nag-text si Guy kahapon at kinumusta niya ang New Year celebration ko," pagbanggit ni Glenda sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang text message noong Monday, January 2.

"Sinabi rin niyang tuluy na tuloy na ang pag-alis niya, sa January 5," pagbabalita rin ni Ms. Glenda.

Noong New Year's Eve ay muling nag-celebrate ang Superstar sa kanyang condo unit sa Eastwood City, kasama ang mga anak na sina Ian at Matet.

Katuwang din sa paghahanda at pag-iistima sa mga tanging bisita ni Ate Guy ang kanyang Yaya Amy at mga anak nito.

Kabilang na rin sa pamilya ni Ate Guy ang matapat niyang yaya cum househelp na noon pang '80s at '90s ay kasama na sa Aunor household.

No'ng New Year's day ay masayang-masaya pa rin si Ate Guy, who's looking forward sa kanyang pagpunta ng Amerika para sa isang much-needed throat operation.

Kasama niyang pupuntang Boston si John Rendez na magdadaos ng kanyang ika-41 na kaarawan sa January 6.

BOY PALMA'S MESSAGE. Meanwhile, nakatanggap ng maikling mensahe via text ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Boy Palma, kanina, January 3, dakong ika-11 ng umaga.

May kinalaman ang mensahe sa nalathalang artikulo sa PEP noong December 27, tungkol sa pagkakansela ng 37th Metro Manila Film Festival sa sabi'y special award para kay Ms. Nora Aunor.

(CLICK HERE to read related article.)

"Nagtatampo si Suzette sa akin," banggit ni Kuya Boy, na ang tinutukoy ay si Suzette Ranillo, ang nagko-coordinate diumano para sa TV5 ng mga requests/parangal kay Nora.

"Sabi ko, 'Sabi ng MMFF [executive committee] hindi natuloy kasi hindi siya nakipag-coordinate...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sinagot ko naman ang MMFF, na kung gusto talaga nilang bigyan ng award si Guy, with or without coordination from Suzette, ay ibibigay nila ang award."

Ayon kay Boy Palma, "Idinifend ko pa nga siya, 'di ba?"

Maaaring iba ang pagkakabanggit ni Boy Palma sa una niyang mensahe, kung saan sinabi niyang nararapat din na siya at ang TV5 management ang kinausap ng MMFF awards committee, para naiwasan ang miscommunication.

"Akala ni Suzette ay siniraan ko siya," sabi pa ni Boy Palma.

"Anyway, ang importante sa akin ay si Guy.

"Tuloy na ang alis niya sa Thursday," banggit uli ng manager at schedule master ni Nora.

No'ng si Ate Guy mismo ang tanungin tungkol sa usapin ng special award at kay Suzette, sinabi nito: "Huwag na tayong... [mag-isip] sa mga intriga, ngayong Bagong Taon.

"Move on na tayo!" ang tinuran ng Superstar.

INDIE FILM FOR NORA. Kung tutuusin, para kay Boy Palma, isang blessing-in-disguise ang hindi pagkatuloy ng pagbibigay ng special award kay Nora sa MMFF.

Ang mahalaga ay natuloy ang isang mahalagang meeting ni Nora noong December 30, with Cannes Filmfest best director awardee Brillante Mendoza.

On a separate date, nakausap naman ng PEP si Direk Brillante at sinabi niyang gusto niyang magpuntang Boston, this January, habang naroon si Ate Guy undergoing a throat operation.

Nais ni Direk Brillante na maisangkap ito sa gagawin niyang docu-film.

Base sa naging pagmi-meeting ni Ate Guy at Direk Brillante, tila walang problema sa project proposal.

"Okay naman. Love na ni Ate Guy si Direk," natutuwang banggit ni Boy Palma.

"Kailangan lang maipaalam muna ni Direk sa TV5," dagdag niya.

Ito rin nga ang requirement ng Kapatid network sa indie feature-film proposal ni Direk Brillante at ng iba pang indie filmmakers na gustong mai-cast sa kanilang project si Ate Guy.

Bukod sa docu-film project ni Direk Brillante, mayroon ding naunang proposed project si Direk Tikoy Aguiluz, na may titulong Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Tikoy, nagsimula na siyang mangalap ng materials para sa docu-film niya, while the week-long shooting of Ate Guy for El Presidente was ongoing.

If plans push through, dalawang documentary on Nora Aunor ang posibleng magawa't maitanghal next year.

Not to mention Nora's movie and TV assignments, for Studio 5 and TV5, respectively.

"Sobrang dami ang gagawin ni Guy next year.

"A movie with Studio 5 and a teleserye with TV5," ang sabi ni Boy Palma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN