Jean Garcia clarifies her "controversial reply" on rumored pregnancy of daughter Jennica

IMAGE Noel Orsal

"Nung tinanong daw ako, ang sagot ko daw: 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.' Parang napaka-stupid naman no'n, di ba? Na tinanong ako, 'Buntis ba yung anak mo? 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.' Parang hindi ko naman yata sasabihin 'yon. Nakakaloka, di ba?" says Jean Garcia about the rumor that her daughter Jennica is pregnant.


Pinagtatawanan lang daw ni Jean Garcia ang napabalitang buntis diumano ang kanyang panganay na anak na si Jennica Garcia.

Pero ang "ikinaloka" ni Jean sa tsismis na ito ay nang sumagot daw siya nang tanungin tungkol sa balitang nagdadalang-tao si Jennica.

"Nung tinanong daw ako, ang sagot ko daw: 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'

"Parang napaka-stupid naman no'n, di ba? Na tinanong ako, 'Buntis ba yung anak mo? 'Tanungin n'yo na lang si Jennica.'

"Parang hindi ko naman yata sasabihin 'yon. Nakakaloka, di ba?" medyo natatawang kuwento ni Jean sa presscon ng Time of My Life kagabi, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network Studios sa Quezon City.

Dagdag pa ng aktres, "Parang binigyan ko ng kulay na totoo, di ba? Parang gano'n.

"Sabi ko, walang nag-i-interview sa akin ng ganyan. Kasi kung meron mang magtanong sa akin, sasabihin ko, 'It's not true.'

"Kasi hindi naman talaga totoo. So, pinagtatawanan lang namin.

"Iki-clear ko lang, paki-clear lang na wala akong sinasabing gano'n.

"At kung may magtanong man sa akin, sasabihin ko talaga na hindi, kasi hindi naman talaga."

Ipinaliwanag din ni Jean kung saan nagsimula ang kuwentong buntis daw ang kanyang 21-anyos na anak.

"Actually, may dysmenorrhea si Jennica, sa set 'yan ng Captain Barbell. Dini-dysmenorrhea yung bata, nag-pass out.

"Kasi sa family namin, tuwing may period talaga, may history yung family namin na ang sakit, mahihimatay ka.

"Yun lang naman talaga ang nangyari. Kaya napag-anuhan siya na buntis.

"E, di ba, tamang-tama, parang yung magkasunod..." pagtukoy pa ni Jean sa pagputok ng balita noon ng kumpirmadong pagbubuntis ng young actress na si Andi Eigenmann.

ALYWN UYTINGCO. May boyfriend ngayon si Jennica sa katauhan ng young actor na si Alwyn Uytingco.

Pabor ba si Jean sa boyfriend ng anak?

Aniya, "Alam mo, basta masaya naman yung anak ko at wala naman silang ginagawang hindi maganda, masaya naman sila, bakit naman hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung matino naman yung lalake at hindi naman sinasaktan ng anak ko... I mean, emotionally or ano, di ba, they're okay.

"At saka nakikita ko sa kanilang dalawa, para silang mag-barkada actually.

"Parang nakakuha si Jennica ng kabarkadang lalake, parang gano'n. So, matino talaga.

Is Alwyn better than her past boyfriend?

"No comparison. Huwag na nating i-compare kasi tapos na 'yon, e, di ba? Do'n na tayo sa present," sabi niya.

Ang unang boyfriend ni Jennica ay ang young actor na si Mart Escudero.

WHAT IF... Hindi ba nag-aalala si Jean na mabuntis nang maaga ang kanyang anak?

"Hindi, kasi very open sa akin si Jen, e. Saka nakikita ko naman sila, at saka alam ko naman yung ginawa dahil yung anak ko, nakatira sa akin.

"So, alam ko yung ginagawa niya. Alam ko kung kailan siya lalabas para mag-enjoy. Alam ko kung anong oras siya uuwi...

"Natse-check ko lahat 'yan, e. Kasi, nakatira siya sa akin.

"So, kumbaga, hindi pa siya umaalis ng bahay... na sana hindi pa niya gawin. Na ayoko naman."

Iiyak ba siya kung sakaling mabuntis si Jennica?

"Hindi naman ako iiyak kung mabubuntis, basta tamang oras, di ba? Tamang edad, tamang oras, kung kaya niya," sagot ni Jean.

Dagdag niya, "Kumbaga, siguro naman natuto naman na siya sa akin bilang nangyari na sa akin 'yan. I had her when I was 19, hindi ba?

"So, huwag naman sana niyang... Alam ko namang hindi niya gagawin.

"If ever na magbubuntis si Jennica, baka ipaalam pa niya sa akin. 'Ma, puwede na ba?'

"At saka ang nakakatuwa lang sa mga batang ito... Iaano ko na si Jennica at saka si Alwyn, kasi silang dalawa, actually, nakatutok sa career din, e.

"Kumbaga, hindi lang puro love-love-love. Kasi dati tayo, di ba, love-love-love. Kahit pinagbabawalan na, sige pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mga bata kasi ngayon, kuma-career, nagtatrabaho, may mga pangarap."

JEAN'S LOVELIFE. Kumusta naman ang sariling lovelife ni Jean?

"Dume-date ako, mars! Marami sila, e. Hindi, ano lang... I go out," sagot niya.

Does she still go out with younger men?

"Honestly, merong younger, meron kasing tanda ko, merong mas matanda ng konti..."

So, marami talaga sila?

"Hindi naman, kasi kumbaga, lumalabas lang, ganyan.

"So, kung magkagustuhan, okay naman, bakit hindi, magko-commit.

"Pero kung hindi, you know, have fun lang. Enjoy lang."

Okay lang kahit na kasing-edad lang ng anak niyang si Jennica?

"Huwag naman na! Dyuskopo! Yun na lang ang nasabi ko, 'no?" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN