PEP EXCLUSIVE: Jean Garcia understands Martin Escudero's regrets about prioritizing ex-girlfriend Jennica Garcia over his family

IMAGE Noel Orsal

Jean Garcia on her daughter's ex-boyfriend, Martin Escudero: “Naiintindihan ko siya na, kumbaga, parang hindi niya… na nagsisisi siya na hindi niya na-prioritize ang family niya. Kasi ako, maski naman ako kay Jennica, sinasabi ko din ‘yan, di ba? Dahil ako mismo, ganun din ako. Ang priority ko is yung family. Priority ko ang mga anak ko, hindi ba?"


Si Jean Garcia ang itinanghal Best Actress in A Dramatic Motion Picture sa 9th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) noong March 24.

Nanalo siya para sa kanyang pagganap sa Cinemalaya entry last year na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Ayon kay Jean, hindi niya inaasahan ang kanyang pagkapanalo noong gabing iyon.

Nagpapasalamat nga raw siya na hindi sila magka-kategorya ng nanalong Best Actress in A Musical or Comedy Motion Picture na si Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank).

“No, not at all. Not at all talaga… kasi nakita mo naman yung kapwa ko nominado, hindi ba?

“Sabi ko nga, ‘Naku, buti na lang hiwalay ang drama at comedy!’

“Kasi kung magkasama, sigurado na ako na si Uge [palayaw ni] yung mananalo dahil napakagaling ng kapatid ko, hindi ba, ng kumare ko talaga.

“So, thank you sa EnPress and thank you rin kay Lord kasi isang malaking blessing ito,” sabi ni Jean.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa thankgiving presscon ng Afternoon Prime block ng GMA-7 kagabi, March 27, sa Studio 6 ng Kapuso network.

Kasama si Jean sa cast ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, na isa sa mga namamayagpag na afternoon shows ng GMA-7.

Ang napanalunang tropeyo ni Jean sa Golden Screen Awards, ayon sa aktres, ang ikatlo niyang acting award.

Una siyang nanalo sa Metro Manila Festival 1996 bilang Best Supporting Actress para sa Trudis Liit.

Nasundan ito noong 2002 sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nang manalo siyang Best Drama Actress para sa Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN.

At pagkatapos ng sampung taon ay nanalo ulit ng award si Jean.

“So, medyo matagal na din, so talagang ang sarap ng feeling!” sambit niya.

MARTIN ESCUDERO. Isa rin sa mga nagwagi sa 9th Golden Screen Awards ay si Martin Escudero, na itinanghal na Best Actor in A Musical-Comedy Motion Picture para sa Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington (ka-tie si Edgar Allan Guzman para sa Ligo Na U, Lapit Na Me).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Martin—dating kilala bilang Mart Escudero—ang ex-boyfriend ng panganay na anak ni Jean na si Jennica Garcia.

Tinanong ng PEP si Jean kung nagkita at nagkabatian ba sila ni Martin noong awards night.

“Yeah, humalik pa siya sa akin, bumati siya. Sabi ko, ‘Hello Mart, congratulations,’” banggit ng aktres.

Napanood niya ba ang pelikula na nagpanalo kay Martin?

“A, hindi, e, yung Zombadings? Hindi ko napanood.

“Actually, ang dami ko nang hindi napapanood sa sobrang dami ng…

“Walang oras kasi may regular show, hindi ba, kaya…

“Nung time na ‘yon [Cinemalaya], ginagawa namin, Time of My Life.

“So, four times a week kami nagte-taping, ‘tapos may two [dance] rehearsal days pa kami a week.

“So, yung anim na araw ko, kain na kain sa isang linggo.

“So, yung libre kong araw sa isang linggo, binibigay ko na sa family ko, mga anak ko,” paliwanag ni Jean.

LOVELIFE OVER FAMILY. Sa isang panayam ni Martin na nailathala rito sa PEP, sinabi niyang noong sila pa ni Jennica ay naging prayoridad niya ang kanilang relasyon kesa sa kanyang pamlya.

Isang bagay na pinagsisisihan daw ng young actor.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Jean sa naging pahayag na ito ng dating kasintahan ng kanyang anak.

Ayon sa award-winning actress, “Alam mo, kasi itong mga batang ito, hindi ba, usually naman kapag may karelasyon ka, halos magkakasama kayo as much as puwede, di ba, kung may free time?

“Let’s be honest about it na, kumbaga, kapag meron kang karelasyon, talagang kung meron kang free time, talagang you spend it with your boyfriend or girlfriend, hindi ba?

“Pero kung nasabi man ni Mart ‘yon, naiintindihan ko siya.

“Kasi, alam mo, sa totoo lang, ang sarap na ipa-prioritize mo palagi ang pamilya mo, hindi ba?

“So, naiintindihan ko siya na, kumbaga, parang hindi niya… na nagsisisi siya na hindi niya na-prioritize ang family niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, maski naman ako kay Jennica, sinasabi ko din ‘yan, di ba?

“Dahil ako mismo, ganun din ako. Ang priority ko is yung family. Priority ko ang mga anak ko, hindi ba?

“Priority ko ang pamilya ko, ‘tapos sumusunod do’n yung trabaho.

“Okay lang kahit sinabi ni Mart ‘yon.

“And past na naman ‘yan, di ba? Tapos na, so okay lang.”

Dagdag pa niya, “At saka okay naman sila ni Jennica, they’re good friends sa tingin ko naman… I think.

"Kasi wala naman talagang kumbaga masamang nagyari sa kanila.

“Saka matagal na rin ‘yan, kalimutan na natin bilang si Jennica naman ay meron na ring ibang karelasyon, hindi ba?”

Ang tinutukoy ni Jean ay ang boyfriend ngayon ni Jennica na si Alwyn Uytingco.

“So, okay na ‘yon. And congratulations to Mart for winning,” pahabol pa ng aktres.

THEN AND NOW. Kumusta ba si Jennica pagdating sa pakikipagrelasyon, base sa obserbasyon at pagkakakilala ni Jean sa anak?

“Si Jennica kasi, balanse, e. Balanse si Jen, e.

“Ang priority niya actually is work talaga, ‘tapos siyempre pati familia, di ba?

“Pero kung meron siyang libreng oras o libreng araw, siyempre kasama niya ang kanyang boyfriend, di ba—which is normal sa isang relasyon.”

Ganun din ba si Jean nung kabataan niya?

“Ay, mas grabe kami nung panahon namin!” bulalas niya.

“Ngayon nga, parang kung iisipin mo pa, itong mga batang ‘to, yung generation nila, parang sa totoo lang, halos lahat sila… oo, kahit may lovelife, pero ang priority trabaho kaya bilib ako, e.

“Yung generation namin, talagang love kung love! Hindi ba?

“Yung nasisiraan lang ng ulo, yung ganyan.”

Aminado si Jean na reckless siya noong kabataan niya.

“Oo! Kita mo naman, I had Jennica when I was 19, hindi ba?

“Ginawa ko ang Impaktita, naghu-host ako ng GMA Supershow, ang ganda ng career, ‘tapos nabuntis, hindi ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nakabuntis kay Jean ay ang dati niyang kasintahan at kasamahan sa That’s Entertainment na si Jigo Garcia.

“Pero ako,” patuloy ng aktres, “no regrets kasi dadaanan ko siguro talaga ‘yon at saka may Jennica ako, may anak ako.

“I’m very lucky and blessed na meron akong gano’n, so no regrets.

“Pero ngayon, hindi ako masyadong kinakabahan sa anak ko na, kumbaga, nakita naman niya ‘yon at alam niya ang pinagdaanan naming mag-ina, hindi ba?

“I don’t think… sana naman hindi siya sumunod sa nangyari sa akin and…

“Saka iba, iba sila talaga ngayon. Ang priority talaga nila trabaho.”

Constant ba ang paalala niya kay Jennica o alam ng anak sa sarili nito ang dapat at hindi dapat gawin?

“Saka ‘pag may questions siya sa akin, at meron siyang dinadala, parang hindi siya makapag-decide, kinu-consult niya ako talaga.

“Kasi, sabi ko nga, ang unang-unang kakampi mo talaga, pamilya mo, e…

“Mapapagkatiwalaan mo, nanay mo, tatay mo, pamilya mo, kapatid mo, lola mo, tito mo, tita mo—‘yan ang kakampi natin talaga sa buhay.”

NO TIME FOR LOVE. Kumusta naman ang “pag-ibig” ngayon ni Jean?

Natatawang sabi niya, “Ang pag-ibig na hindi matuluy-tuloy dahil wala… Hindi, walang oras, that's one...”

Hindi ba siya nakikipag-date man lang ba?

“Ay, dating-dating, kapag nabibigyan ng pagkakataon na lumabas.

“‘Pag may invite to have dinner, wala lang, labas lang with friends."

Meron bang particular guy na constant date niya ngayon?

“Ngayon? Wala, e. Ano talaga… kasi busy rin sa trabaho.

“Yung Alice Bungisngis kasi namin, thrice a week. Pagsanjan kami and Tagaytay, so bumibiyahe din kami.

“So, kung aalis ako ng 4 a.m., makakauwi ako kinabukasan sa bahay ng 10, 11 na ng tanghali.

“So, itutulog ko ‘yon kasi bukas ulit, alas-kuwatro na naman ng madaling-araw, so wala talagang oras, e.

“‘Tapos yung oras na weekend na usually na libre ko, ibinibigay ko na talaga sa mga… kasi puwera kay Jennica, may anak pa akong lalake—si Kotaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And young pa rin so may mga lambing na, ‘Nood tayo ng sine, Mama. Mag-malling tayo.’”

Hindi niya ba nami-miss ang magkaroon ng relationship o feeling na in love?

Sabi ni Jean, “Hindi naman… hindi ko naman siya nami-miss.

“Kung darating, darating, e.

“But open ako, ha. I mean, kung ibibigay ni Lord, ibibigay sa akin, why not?

“Gusto ko naman may companion sa pagtanda ko, hindi ba?

“At alam ko na mag-aasawa at mag-aasawa ang mga bata, hindi ba, at maiiwan din ako.

“Maganda rin na may kasama ako sa buhay.”

Gusto niya pa rin bang makasal balang-araw?

“Of course! Of course!” mabilis na tugon ni Jean.

“Kung hindi man makasal, okay na ‘yon, basta may kasama ako hanggang sa pagtanda ko.”

May mga hinahanap ba siyang partikular na mga katangian sa isang lalake na gusto mong makasama? Gusto ba niya ay binata o dati nang may asawa?

“Ako, actually, ang sa akin, pinakaano ko lang is mahal yung mga anak ko, sa totoo lang.

“Yun ang number one, e.

“Kasi ngayon, parang… lalo na sa edad ko, yung physical na hitsura ng guy na magiging asawa ko, it doesn’t matter anymore, e. Hindi na nagka-count.

“Hindi ko sasabihin na ‘okay lang ako sa panget,’ hindi naman yata katotohanan ‘yon! Napaka-plastic ko naman no’n, di ba?

“Pero hindi ko kailangan ng guwapo, e.

“Ang kailangan ko, yung mahal yung mga anak ko, stable, tanggap yung mga bata at… willing siya at magko-commit siya na magkasama kami.

“Kasi wala namang perfect relationship, di ba?

“At maiintindihan din niya yung trabaho ka kasi siyempre, ‘yan talaga ang mahal ko, e.

“Kaya nga, sabi ko nga ngayon, kahit walang lovelife, okay ako kasi masaya talaga ako sa trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN