For Jennica Garcia, it's career first before love life

IMAGE Courtesy of GMA-7

Natawa na lang si Jennica Garcia nang makarating sa kanya ang usap-usapan na mas importante raw sa kanya ang pag-ibig kesa sa trabaho.

"Hindi naman po totoo 'yan. Wala po akong tinatanggihan na trabaho...Bakit naman ako tatanggi sa trabaho, e gusto ko nga mag-work para makapag-ipon ako," she says.


Itinanggi ni Jennica Garcia na marami siyang trabahong inaayawan dahil mas inuuna raw niya ang kanyang personal na buhay.

Natawa na lang si Jennica nang makarating sa kanya ang usap-usapan na mas importante raw sa kanya ang pag-ibig kesa sa trabaho.

"Hindi naman po totoo 'yan. Wala po akong tinatanggihan na trabaho," mabilis na sagot ni Jennica sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Beloved sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

"Matagal na nga po yung huling regular show ko na Bantatay. After kasi no'n wala pang maibigay na magandang project na babagay sa akin ang GMA-7.

"Kaya puro guesting lang ako muna. Yung huling guesting ko nga was Captain Barbell pa.

"Lagi naman kaming nagtatanong kung ano ba ang next project? Gustung-gusto ko nga pong mag-work na.

"Bakit naman ako tatanggi sa trabaho, e gusto ko nga mag-work para makapag-ipon ako.

"Kaya noong ibigay sa akin ang role dito sa My Beloved, natuwa naman ako kasi makakapag-taping na ulit ako.

"Actually, nag-re-tape kami ng mga nakunan na naming mga eksena kasi nga pinalitan si Rhian [Ramos] ni Ate Marian [Rivera]."

Hindi raw gagawin ni Jennica na unahin ang pag-ibig at ipagpaliban ang kanyang career.

ON ALWYN UYTINGCO. Nag-deny ang aktres sa balitang nagbababad daw siya sa taping ng boyfriend niyang si Alwyn Uytingco at todo-bantay daw ito.

"Saan naman nila nakuha ang balitang 'yan?" sabay tawa ni Jennica.

"Never akong pumupunta sa taping ni Alwyn.

"Kung may nakakita man sa akin doon, siguro may dinaan lang ako sa kanya. Pero umalis ako kaagad kasi alam ko na may trabaho siya.

"Hindi ko naman iwe-waste ang oras ko para magbantay sa kanya. Ano ako, P.A. [personal assistnant] niya?

"Kahit na tanungin n'yo pa si Alwyn, hindi ako nagbababad sa taping niya. Ayoko siyang istorbohin at gano'n din naman si Alwyn sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitang nag-break sila ni Alwyn last year. Pero ang paliwanag ni Jennica ay nagkaroon lang sila ng slight misunderstanding.

Hindi naman daw sila nag-break. Hindi lang daw sila nag-usap nang matagal.

"Gano'n naman po kami ni Alwyn. Kapag may mainit ang ulo sa isa sa amin, hindi kami sumasabay.

"That time, may hindi kami napagkasunduan. Nagsabay ang parehong init ng ulo naming dalawa.

"Kaya ang ending, hindi na kami nag-usap. Ilang weeks din kaming hindi nagtawagan. Kahit sa text, wala.

"Kaya inakala na ng mga close friends namin, naghiwalay na kami. Pero wala namang hiwalayan talaga.

"Tampuhan lang po na nauwi sa dedmahan!" tawa pa niya.

Pero noong magkausap na raw sila, naayos na raw nila ang anumang problema.

"Wala namang nauna sa aming nakipagbati. Parang nagkasabay lang kami.

"Pumunta siya sa bahay namin at nataon na nandoon lang ako. Kaya nakapag-usap kami.

"Ngayon okey na okey po kami. Natuwa nga si mama [Jean Garcia] kasi nakikita na niya ulit si Alwyn sa bahay na dumadalaw.

"Na-bother din si mama noong makarating sa kanya na hiwalay na kami. Hindi naman siya nagtanong.

"Sinabi lang niya na kaya naming ayusin ang anumang problema namin."

BIBLE STUDY. Lalo raw naging matibay ang samahan nila Jennica at Alwyn dahil pareho silang active sa church at uma-attend ng Bible Study.

Ang nagyaya raw sa kanila rito ay ang ama ni Jennica na si Jigo Garcia.

"Si papa po ang nagyaya sa akin sa sinasamahan niyang Bible Study group.

"Before kasi, may parang kulang sa buhay ko. Alam ko naman na mahal ako ng parents ko, mahal ako ng kapatid ko, mahal ako ng mga kaibigan ko at siyempre si Alwyn.

"Pero parang may kulang pa rin.

"Noong sumama po ako kay papa sa Bible Study, doon ko naramdaman yung kulang sa buhay ko. Si God pala yung kulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ako na nagyaya kay Alwyn at pati na kay mama na sumama na rin. Hindi ko sila pinilit, lalo na si Alwyn. Kusa silang sumama sa akin.

"Kaya yung samahan po namin ni Alwyn, much better siya at nabawas-bawasan ang mga tampuhan namin.

"Mas may pasensya na kami sa isa't isa at kapag may nararamdaman kaming problema na darating, sabay kaming nagdarasal para maiwasan namin ang mag-clash."

Naikuwento ng ina ni Jennica na si Jean na nawindang ito nang mabanggit ni Jennica na gusto na nitong mag-asawa at magkaroon na ng sariling pamilya.

Inamin ni Jennica na gusto niyang magkaroon ng pamilya nang maaga. Ayaw daw niyang umabot sa late na edad para magkaroon ng asawa't mga anak.

Gusto raw ni Jennica na habang nasa 20s pa ang edad niya ay magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya.

Ayaw na raw niyang umabot sa edad na 30 bago siya magkaroon ng pamilya.

"Gusto ko po kasi yung mga magiging anak ko ay parang mga barkada ko lang," diin niya.

"Ayoko yung malaki ang age gap namin. Paano ko pa ma-enjoy ang paglaki ng mga anak ko kung late na ako mag-asawa at magka-anak, 'di ba?

"Tulad namin ni mama. Para lang kaming magkapatid kasi nga maaga akong naging baby niya.

"Sana gano'n din ang mangyari sa akin. Pero gusto ko ay kasal ako dahil matagal ko nang dream iyong magkaroon ako ng magandang wedding."

Wala naman daw pagtatanggi si Jean sa kagustuhan ni Jennica dahil 22 years old na ito.

Pero sana raw ay ipagpaliban muna ang anumang plano nito dahil sayang daw ang mga oportunidad na darating pa.

"Yun nga po ang sabi sa akin ni mama. Bigyan ko pa ng mahabang time bago ako magdesisyon to settle down at magkapamilya.

"Heto nga at may trabaho tayo ngayon at ayoko rin naman na mawalan ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko naman kay mama na hindi pa naman agad-agad na mag-aasawa ako. Paplanuhin ko pa naman 'yan.

"Worry kasi ni mama na baka maging lola siya kaagad. Hindi pa raw siya ready at hindi pa din siya ready na makita akong mag-aasawa na!" tawa pa niya.

Si Alwyn Uytyingco na kaya ang lalakeng makakatuluyan niya?

"Siyempre po, kung may isang tao man na gusto kong makasama na habang-buhay, yung lalakeng mahal ko at mahal din ako, si Alwyn na po iyon.

"Yung relasyon nga namin, mas matibay na kesa dati.

"Kung ano meron sa amin ni Alwyn ngayon, napatibay iyon ni God at dasal ko nga na pangmatagal itong relasyon namin," pagtatapos pa ni Jennica Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN