Part 2 Jaclyn Jose still mad at the father of Andi Eigenmann's child: "Ang matindi, ni katok wala! Ni text! Parang binuntis lang niya ang anak ko, 'tapos nilayasan!"

IMAGE Noel Orsal

Jaclyn Jose is willing to forgive Albie Casiño if—"Siguro bawiin lang niya yung mga tweets niya. Yung mga Formspring niya, yung mga pinagsasabi niya..."

The actress adds, "Binastos pa niya kasi e. Mabuti sana kung in-abandon lang. Nag-iwan pa siya ng mga salitang hindi maganda, e. In-out niya ang sarili niya at naghanap siya ng ibang tao na... nandamay pa. Hindi lang si Jake [Ejercito] ang itinuturo niya, e, pati mga co-stars,


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jaclyn Jose, sinabi ng batikang aktres ng mainstream at indie films na tapos na ang breastfeeding stage ni Andi Eigenmann.

Ang pangalan ng anak ni Andi ay Adrianna Gabriellie.

Yun nga lang, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Jaclyn sa sinasabing ama ng anak ni Andi na si Albie CasiƱo.

"Ang matindi, ni katok wala! Ni text! Parang binuntis lang niya ang anak ko, 'tapos nilayasan," sabi ni Jaclyn.

Dagdag pa ng aktres, pagsisisihan daw ni Albie ang pagtalikod nito kay Andi at sa anak nila.

"Ang ganda-ganda nung baby. Ang ganda ng apo ko!"

Pero handa naman daw patawarin at tanggapin ni Jaclyn at ng kanilang pamilya si Albie.

Papayag din daw silang makita ng young actor ang anak nila ni Andi.

"Siguro bawiin lang niya yung mga tweets niya. Yung mga Formspring niya, yung mga pinagsasabi niya...

"Binastos pa niya kasi e. Mabuti sana kung in-abandon lang.

"Nag-iwan pa siya ng mga salitang hindi maganda, e.

"In-out niya ang sarili niya at naghanap siya ng ibang tao na... nandamay pa.

"Hindi lang si Jake ang itinuturo niya, e, pati mga co-stars, e."

ANDI & JAKE. Si Jake Ejercito ang nababalitang boyfriend ni Andi ngayon.

Anak siya ni dating Pangulong Erap Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Nasa London ngayon si Jake at doon nag-aaral.

Pero ayon kay Jaclyn, patuloy ang komunikasyon nina Andi at Jake hanggang ngayon.

"Okey sila. They talk.

"Pero three years sa London si Jake, e. Tingnan natin pagbalik kung ano ang kapalaran."

Sina Andi at Jake pa rin ba hanggang ngayon?

"Hindi ko alam ang status nila, e," sagot ni Jaclyn.

"Basta, ang alam ko, they talk a lot, at siya [Jake] lang ang kinakausap ni Andi."

Diin pa ng aktres, "Hindi lalakero si Andi, hindi siya playgirl. Hindi!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May paratang kasi noon si Albie na "playgirl" daw si Andi, kaya hindi sigurado kung siya nga ang ama ng dinadala nito.

Sabi pa ni Jaclyn, "Ako nga ang nagsasabi sa kanya na, 'Magpaligaw ka ng marami para piliin mo kung sino.'

"Okey lang naman to have many suitors, e. Collect and select, at hindi yung kung ano na lang.

"Katulad no'n, iisa. Kung sampu yun, e, di sana nakapili siya ng matino-tino.

"E, iisa, e. Ang higpit-higpit pa!"

May himig-panghihinayang ang mga salita ni Jaclyn sa mga komento ng iba na sana raw ay si Jake na lang ang nakabuntis sa anak niya.

"Sana nga, e, kung ako ang tatanungin mo.

"Kasi yung bata [Jake] itself, napakabait, napakagalang.

"May breeding, saka may takot sa magulang.

"Alam mong hindi gagawin yung ginawa nung Albie.

"Yung may takot sa magulang ang importante.

"Yung anak ko, walang takot sa magulang!" natatawang sabi ni Jaclyn.

Ayon pa sa aktres, sa March ay posibleng bumalik na sa showbiz si Andi.

Pero hindi pa lang nito alam kung anu-anong projects ang gagawin ni Andi. Ang sigurado lang siya ay may nakahanda nang proyekto ang anak sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN