Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on Ducati (motorcyle) gift to boyfriend Dingdong Dantes last Christmas: "Basta ako, ibinigay ko yun dahil gusto ko, para mapaligaya ko... At lagi kong sinasabi, pera lang 'yan, madaling kitain. Pero yung happiness na nabibigay mo sa isang taong mahal mo, walang kabayaran yun. At kung anuman yung love ko kay Dong, priceless yun. Kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng ginagawa niya sa akin, yung ipinapakita niya sa akin, walang katumbas talaga."


Sa presscon ng My Beloved noong Martes ng gabi, February 7, isa sa mga tinanong sa female lead ng serye na si Marian Rivera ay tungkol sa mamahaling Ducati motorcycle na iniregalo niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes noong Pasko.

May iba kasing nagre-react kung bakit ganun daw kamahal ang regalo niya kay Dingdong samantalang hindi pa naman sila mag-asawa.

Sabi ni Marian tungkol dito, "May kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang idea.

"Kung hindi man maganda para sa kanila o maganda para sa kanila, okay lang yun.

"Binibigyan ko sila ng kalayaan para sabihin kung ano ang gusto nila.

"Basta ako, ibinigay ko yun dahil gusto ko, para mapaligaya ko...

"At lagi kong sinasabi, pera lang 'yan, madaling kitain. Pero yung happiness na nabibigay mo sa isang taong mahal mo, walang kabayaran yun.

"At kung anuman yung love ko kay Dong, priceless yun.

"Kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng ginagawa niya sa akin, yung ipinapakita niya sa akin, walang katumbas talaga.

"At alam naman ninyo 'yan, vocal naman siya sa akin, so happy na ako dun."

VISIT TO DIREK MAC. Nausisa rin si Marian tungkol sa pagbisita niya kay Direk Mac Alejandre sa taping ng mini-serye ng TV5 na Nandito Ako, na pinagbibidahan ng international singer na si David Archuleta.

Si Direk Mac ang direktor noon ni Marian sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya. Nasa bakuran na ng TV5 ngayon ang direktor.

"Big issue ba? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Marian nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Pagkatapos nito ay ikinuwento niya ang ginawa niyang pagdalaw kay Direk Mac sa taping nito.

"Okay, ganito. Una sa lahat, after ng Amaya, nag-usap kami ni Direk Mac.

"Sabi niya, 'Anak, mami-miss kita. Masasabi ko talaga na isa ka sa kaibigan na itinuring ko sa showbiz, hindi bilang artista sa direktor.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaibigan talaga kami ni Direk Mac, e.

"So, sabi niya sa akin, 'Sana naman dalawin mo ako.'

"Siyempre nagte-text kami, 'Kumusta ka na, anak, nagsimula ka na ba ng My Beloved? Ako nagsisimula na ako dito.'

"Parang inaano niya, kinukuwento niya si David, ganyan-ganyan.

"Sagot ko, 'Direk, 'pag wala akong taping, promise talaga dadalawin kita.'

"Hanggang sa ilang buwan na yung lumipas, hindi talaga ako nakadalaw.

"One time may trabaho ako umaga, pagdating ng hapon, tapos na ako.

"Tinext ako ni Ana Feleo [co-star ni Marian sa Amaya], sabi niya, 'Yanyan, baka naman wala kang gagawin, nandito lang ako sa may Pasig. Ang lapit-lapit sa bahay mo, baka naman gusto mo akong puntahan?'

"Sabi ko, 'Okay! Sige, huwag mong sabihin kay Direk, isu-surprise ko siya.'

"'Tapos, lahat ng tao doon kakuntsaba ko, na bilang lahat sila nasa Amaya.

"Gusto ko talagang i-surprise si Direk."

Ang ibig sabihin ni Marian ay karamihan ng staff at crew ng Nandito Ako ay nanggaling sa Amaya.

Patuloy ng aktres, "'Tapos nung dumating ako doon, hindi ko naman ini-expect na may mga staff and crew pala na magbi-VTR sa akin doon, na may mga nakaabang.

"Siguro dahil last day na rin ng taping ni David, na hindi ko rin naman ini-expect... at hindi naman ako nagpunta dun para kay David.

"Well, hindi ko sinasabing hindi ko gusto si David. Napakahusay niyang kumanta, napakinggan ko siya, nanood ako ng taping nila.

"Pero si Direk Mac talaga yung dinalaw ko at yung mga kaibigan ko dun, katulad ni Ana Feleo at ni Kuya Mon Confiado.

"So, pumunta ako doon para dalawin sila.

"At si Direk, nakita ko talaga sa mata niya na mangiyak-ngiyak talaga siya, na sabi niya, 'Anak, akala ko hindi mo ako dadalawin! Hindi ko pinapatulan yung text mo sa akin na dadalawin mo ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nung nagpunta ako doon, sobrang haping-happy siya.

"Sabi niya, 'Thank you kasi napaligaya mo talaga ako kasi sobrang napagod ako dito.' Kasi every day yung taping nila.

"So, nagdala lang ako ng food doon, parang kain lang kami.

"'Tapos siguro after 45 minutes, wala pang isang oras, sabi ko, 'Direk, magpapaalam na po ako.'

"Kasi nahihiya na rin ako bilang taga-ibang istasyon yung nandun, 'tapos yung mga ibang artista din.

"Pero hindi ako lumapit sa set nila, nasa likod lang ako.

"At 'pag may kamera nga, gumaganun ako, nagtatago ako...

"Nasa sulok talaga ako kasi alam ko naman yung feeling na dumayo sa kabila, 'tapos ganun yung treatment."

Dagdag pa ni Marian, "Well, masasabi ko na napakasarap ng pag-welcome talaga nila sa akin doon, wala akong nakitang bakas ng kung anuman... talagang 'Welcome Miss Marian!'

"'Tapos lumapit pa yung EP nila sa akin, 'It's an honor for us na dinalaw mo kami.'

"Sabi ko, 'Thank you po, si Direk Mac po yung dinalaw ko.'

"Okay, di ba?

"Well, kung sa iba bibigyan ng meaning, basta ako napaligaya ko si Direk Mac at yung mga kaibigan ko na nakasama ko sa Amaya, okay ako dun."

Hindi raw nakausap ng Kapuso star si David Archuleta.

Paliwanag ni Marian, "Nahihiya ako, e.

"Nung patapos na yung eksena niya na nagko-concert siya, na alam kong imi-meet kami o whatever na ipapakilala ako, nagyaya na ako. Sabi ko, 'Uuwi na po ako, Direk.'

"Kasi ayoko din naman na sabihin na... mahirap kasi pong mag-jump sa conclusion, kung ano ang magiging opinyon ng bawat tao, na nandun ako.

"So, maigi na yung... talaga namang si Direk Mac ang dinalaw ko, si Direk Mac nakausap ko, nadalaw ko, nakapag-usap kami kahit konti, 'tapos umalis na ako."

Kinausap ba siya ng GMA-7 pagkatapos ng pagdalaw niya sa set ng Nandito Ako ng TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, wala," sagot ni Marian.

"Kasi wala naman ako sa bakod nila [ng TV5], e, nasa location naman yung taping nila, e.

"So, wala akong nakikitang masama."

IZA CALZADO'S TRANSFER. Tungkol pa rin sa pangingibang-bakod, naitanong din kay Marian ang tungkol sa paglipat ng dating Kapuso star na si Iza Calzado sa ABS-CBN.

Nagkasama sina Marian at Iza sa mga pelikulang Desperadas, One True Love, at Panday 2.

Ano ang reaksiyon niya sa ginawang paglipat ni Iza sa Kapamilya network?

Sagot ni Marian, "Siguro mahirap magbigay ng pananaw sa paglipat niya.

"Pero naniniwala naman ako siguro na lumipat siya nang maayos, na kinausap naman niya ang GMA at wala naman tayong narinig sa GMA.

"At siyempre ako bilang artista, kung saan uusad yung career ng bawat artista, kung saan mas magiging masaya o mas magiging gusto niya, e, siguro may karapatan naman ang bawat isa.

"Lalo na siya, maganda naman yung pag-alis niya.

"Nakakapanghinayang lang kasi isa siya sa pinakamagaling din na aktres ng GMA, e."

Nagulat daw si Marian sa paglipat ni Iza. Pero hindi raw sila nagkausap ni Iza tungkol dito.

Pahayag ni Marian, "Hindi naman kasi kami magka-text ni Iza, hindi kami ganung ka-close.

"Pero 'pag nagkikita kami, nag-uusap kami, nagbabatian kami, at marami na ding mga shows na nagkasama kaming dalawa.

"Pero hindi dumating talaga sa punto na magka-text kami, gumigimik, hindi ganun.

"Kasi hindi din naman ako palalabas."

Si Marian ay mahaba pa raw ang itatakbo ng kontrata niya sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN