Mikael Daez on girls and gays fantasizing about him:"Hindi ko naman sila kilala, e."

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

"Well... ano pa ba ang hihilingin nila, e, nakabahag na nga lang ako sa Amaya? Di ba, nakabahag na ako sa Amaya? Wala na yata akong maibibigay pa!" says Mikael Daez laughing when asked if he's willing to accept sexy roles.


Ang model-turned-actor na si Mikael Daez ang nagsilbing male co-host sa Showbiz Central noong Linggo, January 1, 2012.

Wala kasi ang regular hosts na sina John "Sweet" Lapus at Raymond Gutierrez, na parehong nasa New York, kaya si Mikael ang nakasama nina Pia Guanio, Ruffa Mae Quinto, at Jennylyn Mercado sa Sunday showbiz talk show ng GMA-7.

Unang salang ni Mikael sa paghu-host kaya aminado siyang medyo kabado.

Pero, napatunayan naman ni Mikael na kayang-kaya rin niyang mag-host.

"I guess anyone can host naman," aniya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng airing ng Showbiz Central.

Dagdag pa ni Mikael, "I'm glad that I was given a chance.

"Pero siyempre, kinabahan ako!

"Nakita ko sina Pia, Rufa, at Jen... siyempre confident na sila, e.

"So, kinabahan ako.

"Pero I kept reminding myself during commercial gaps na, 'Breathe, relax, enjoy, and just slow down lang.'

"Of course, very harsh ako sa sarili ko, e. So there's always room to improve."

Ang nanalo sa talent search ng GMA-7 na Protégé na si Krizza Neri ang natoka na ma-interview ni Mikael nang live.

Aniya, "I felt comfortable interviewing Krizza Neri.

"I enjoyed being a guest co-host for the show."

BEGINNINGS. Unang napansin si Mikael sa isang TV commercial ng isang sikat na brand ng hamburger fastfood chain.

Nagkainteres ang Kapuso network na bigyan siya ng break as an actor.

Banggit niya, "My first acting project sa GMA was sa Spooky Nights sa episode na 'Bampirella.'

"It was a miniseries kasama ko si Marian Rivera.

"And then 'yong first big teleserye sa primetime na napasali ako ay 'yong sa Amaya, kung saan si Marian pa rin ang bida.

"I played the role of Lumad na parang best friend ni Amaya.

"And it was a very good experience na mapasali ako sa cast nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First movie ko naman ay 'yong Temptation Island [kung saan isa pa rin si Marian sa female lead].

"And now, I'm taping for a new show, My Beloved, with Marian again and Dingdong [Dantes].

"So, I'm very blessed that I'm working with really, really good people. Good talents who have been very successful na."

NEW TELESERYE. Ano naman ang kanyang role sa My Beloved?

"Ako 'yong lumiligaw sa character ni Marian.

"So, parang may love triangle sa aming tatlo nina Marian at Dingdong.

"It's gonna be a drama series. Alam ko ang ibang tao, iniisip nila baka horror, baka super-fantasy, pero hindi.

"Drama ang My Beloved. Very character-centered 'yong story.

"So mai-engage talaga 'yong mga viewers," saad niya.

HE CAN WRITE. Hindi lang pala basta model-actor si Mikael. Isa rin siyang writer.

"I have a column in The Philippine Star coming out every Sunday. As long as I meet my deadline!" sabay tawa niya.

"It's a weekly column. I write [about] anything under the sun. Anything I feel writing about.

"I wrote about CDO [Cagayan de Oro] recently. I write about things I like... experiences... inside stories... and very interesting interviews.

"I also have a blog where I publish my articles. Iyon ang parang personal library ko for everything I write.

"Hopefully I get to write din sa magazines. Mero'n... in the works. I will be a contributor for some magazines.

"Also, I'm very happy with Penshoppe [kung saan isa siya sa endorsers]."

Dagdag pa niya, "I'm a true-blue... Atenista, all the way ako. From elementary, to high school, hanggang college.

"I took up a business management course.

"So, I'm very happy the way things are.

"In terms of acting, I have something to prove, kasi I want to get better.

"I want to show everyone na kahit wala akong acting background, it is something that can be developed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then I can work on it. Para maipakita ko naman na kaya ko ito."

ACTING IS A CHOICE. Si Mikael ay 23 years old at may taas na 5'11". Guwapo at okey naman ang kanyang pangangatawan.

Sabi niya, "Acting... I've learned to love.

"Hindi naman sa love na love, pero nagugustuhan ko na, e.

"Gusto kong gumaling at matuto sa field na ito. At sana tuluy-tuloy na 'yong magandang simula ng career ko."

Kumusta naman ang lagay ng love life niya ngayon?

"I'm focusing on my work right now.

"And kahit wala munang love life, I'm happy naman.

"So, puro trabaho muna sa ngayon.

"Choice ko na for the meantime, wala munang love life.

"I'm focused on so many new things. Kailangang matuto muna.

"Puwede namang mag-multi-task. Ang dami kong bagong pinapasukan. Ang dami kong natututunan.

"So, I'll just try to focus on that first."

Wala raw muna kahit pakikipag-date si Mikael.

"I prefer to be with my family na lang during my free time.

"Tapos minsan with my friends. Barkadahan-barkadahan lang kami."

HIS TYPE OF GIRL. Ano ba ang tipo niyang babae?

"Kailangan good conversationalist siya. Kailangang marunong siyang magdala ng usapan.

"'Yon talagang...nadadala ako do'n," sabi ni Mikael.

Aware ba siya na maraming girls and even gays na kinikilig sa kaguwapuhan niya?

"Hindi!" napahalakhak si Mikael.

Ano ang masasabi niya pag mga nagpapantasya sa kanya?

"Hindi ko naman sila kilala, e! Di ba?" tawa ulit niya.

"I guess, if ever...parang by-product na 'yan ng ginagawa kong trabaho.

"A...wala. Okey. Sige lang, di ba?

"Sa akin, I'm thankful that there are people who appreciate me."

SEXY MIKAEL. Okey ba sa kanya ang sexy roles kung may offer?

"Well, ano pa ba ang hihilingin nila, e, nakabahag na nga lang ako sa Amaya?" natawang sabi ni Mikael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, nakabahag na ako sa Amaya? Wala na yata akong maibibigay pa!

"When it comes to portraying sexy roles, I don't know.

"I don't want to say yes, or no.

"Right now naman, I have projects already lined up sa 2012 na hindi naman sexy.

"So, iyon muna ang aasikasuhin ko, di ba?

"'Yong sexy roles, hangga't walang offer sa akin, hindi ko pa mapapag-isipan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN