JC Tiuseco's ideal summer vacation: "Just to chill, to relax, and do nothing or to travel sa mga magagandang lugar."

IMAGE Courtesy of JC Tiuseco

“Best summer vacation siguro, siyempre with family and friends. Wala akong maisip na eksaktong lugar, basta kasama ko sila, kahit nasaan ako, masaya," says JC Tiuseco when asked about his most unforgettable summer vacation.


Katawang pang-summer. Iyan ang perfect description sa hunky body ng very first Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco.

Kaya naman hindi dapat makalampas ang 2012 nang hindi pa nagbabakasyon si JC at ma-enjoy ang tag-araw.

At nangyari nga ito last May 1, Labor Day.

Nagbakasyon si JC sa Boracay, kasama ang mga dati niyang co-hosts sa GMA-7 X Life na sina Stephanie Henares at Gino dela Peña at ilang non-showbiz friends, mga artists and staff ng Mercator Artist & Model Management, pati ang head/talent manager nilang si Jonas Gaffud.

Nag-stay raw ang grupo nina JC sa La Carmela de Boracay ni Boy So.

Anu-anong happening ang ginawa nila sa Boracay?

“The usual, swimming, pasyal sa beach," kuwento ni JC. “We also went to Ariel's point for cliff diving.”

SUMMER'S BEST WITH LOVED ONES. Nang tanungin naman kung kailan at saan ang best summer vacation ever ni JC at kung sino ang kasama niya…

“Best summer vacation siguro, siyempre with family and friends.

“Wala akong maisip na eksaktong lugar, basta kasama ko sila, kahit nasaan ako, masaya.

“Every summer naman, there's always a memorable experience.”

Para kay JC, ano ang ideal summer vacation?

“My ideal summer vacation is just to chill, to relax, and do nothing or to travel sa mga magagandang lugar.

Anong proyekto ang pinagkakaabalahan ni JC ngayon?.

“My latest project is Daddy Dearest sa GMA with sila kuya Ogie Alcasid, ate Jolina Magdangal, Pauleen Luna, Ehra Madrigal, kuya Mike ‘Pekto’ Nacua, and si Miss Pinky Amador,” pagtatapos niya sa aming kuwentuhang summer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN