Oyo Sotto on mom Dina Bonnevie's new boyfriend: "Sa akin naman, kung nakikita ko namang aalagaan niya si Mama at hindi niya lolokohin, bakit naman hindi?"

IMAGE Noel Orsal

"Hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, puro 'hi-hello' lang. Sa kuwento-kuwento lang. Pero mukha namang matino at mabait na tao. Actually, 'pag nakita mo siya, tahimik lang, e. Nandun lang sa isang tabi. 'Pag hindi mo siya kinausap, hindi rin siya magsasalita," says Oyo Sotto about his mom Dina Bonnevie's new boyfriend.


Sa nakaraang media launch ng mga bagong shows ng TV5, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo Sotto na kasama sa cast ng bagong primetime series na Valiente.

Una naming inusisa sa aktor tungkol sa napabalitang bagong boyfriend ng ina niyang si Dina Bonnevie.

"Wala pang confirmation sa amin, e.

"Hindi pa ako sinasabihan talaga ni Mommy... yung isang upuan na magtatapat siya sa akin," sabi ni Oyo.

Dati nang inamin ni Dina ang pagkakaroon niya ng lovelife sa isang politician.

Nakita ang dalawa sa nakaraang Valentine's concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang Mr and Mrs A, na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

"Pero parang sila na nga 'ata," sabi rin ni Oyo.

"Actually, may hint naman na siya sa akin.

"Pero wala pa talaga akong naririnig sa kanya na, 'O, kami na. Siya ang boyfriend ko...' wala pang gano'n."

Nakilala na raw ni Oyo ang sinasabing kasintahan ngayon ng mommy niya.

"Nakilala ko na. May mga ilang times na... nung Christmas, nandun siya, nakilala ko na."

Hindi makapagbigay ng pahayag si Oyo kung paano niya ilalarawan ang boyfriend ng mommy niya.

Sabi niya, "Hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, puro 'hi-hello' lang. Sa kuwento-kuwento lang.

"Pero mukha namang matino at mabait na tao.

"Actually, 'pag nakita mo siya, tahimik lang, e. Nandun lang sa isang tabi.

"'Pag hindi mo siya kinausap, hindi rin siya magsasalita."

OYO'S APPROVAL. Sinabi ni Dina sa interview sa kanya ng PEP noon na aprubado naman daw ng kanyang mga anak ang kasalukuyang boyfriend niya.

Ano ang masasabi ni Oyo rito?

"Sa akin naman, kung nakikita ko namang aalagaan niya si Mama at hindi niya lolokohin, bakit naman hindi?

"Sa tingin ko, ano naman... mas approved naman ito.

"Kasi yung mga nakaraan, wala, e."

Nang banggitin namin ang foreigner-boyfriend noon ng mommy niya, umiling si Oyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, talo e."

Nilinaw ni Oyo na hindi sila mas maluwag ng kapatid niyang si Danica Sotto sa mommy nila kesa sa lovelife ng ama nilang si Vic Sotto.

"Actually, hindi rin.

"Yung sa mga foreigner niyang ano... lahat yun, tinitira ko.

"'Pag nakikita ko sila, niyayabangan ko sila. Hindi ko pinapansin."

Ano naman ang reaksiyon ni Dina sa pangangalaga nilang magkapatid sa kani-kanilang lovelife ni Vic?

"Wala lang... 'Uy, huwag naman kayong ganyan, mabait naman 'yan e.'

"Sinasabi ko, 'Hindi... hindi mabait 'yan!' Niloloko namin siya.

"Mas kay Mommy, e, babae yun, e. Mas nandoon yung... mas protective kami kay Mama. "

Ano ba ang mas gusto niya para sa mommy niya—maging single na lang o magkaroon man ito ng lovelife, pero hindi pangmatagalan?

"Siyempre ako, sa sitwasyon ngayon, ha... Kasi may pamilya na rin ako. Si Ate [Danica] meron na.

"So, gusto ko rin na may makasama siya habambuhay talaga. Na alam kong aalagaan siya—yung tunay talaga.

"Kasi siyempre, kawawa naman siya kung mag-isa lang siya," saad niya.

VIC & PAULEEN. Kung lantad na ang pagkakaroon ng boyfriend ni Dina, mainit pa ring pinag-uusapan ang diumano'y relasyon ng ama ni Oyo na si Vic Sotto kay Pauleen Luna.

Okay lang ba ito kay Oyo?

"Ewan ko, kasi hindi na ako nakakapanood ng Eat Bulaga! araw-araw," paiwas niyang sagot.

Napabalita na kaya raw hindi niya gustong manood ng Eat Bulaga! ay para hindi na niya makitang magkasama sina Pauleen at ang daddy niya.

"Hindi! Busy lang talaga ako," tanggi ni Oyo.

"Nanonood pa rin naman ako, e. Masarap manood ng Eat Bulaga!."

Pero dagdag niya rin, "Ewan ko, kung open na sila... desisyon naman nilang dalawa yun, e."

Isinantabi na ba niya ang pagtutol sa nababalitang relasyon ng ama kay Pauleen?

"Oo, sabi ko naman sa ibang interview ko na kung anuman yung sinabi ko, kung ano yung lumabas, hanggang doon na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong sasabihin pa."

Nakapagtataka na hindi yata masyadong open ang pamilya nila sa isa't isa pagdating sa kani-kanilang mga lovelife?

Sagot naman dito ni Oyo, "Siguro kinalakihan lang namin.

"Kasi si Mama at si Daddy, hindi naman sila talaga nanghihimasok sa lovelife namin before.

"Tanung-tanong lang. Pero hindi talaga yung mga kumukontra."

PAULEEN AND THE OTHER WOMEN. Kung bibigyan ba siya ng pagkakataon, gusto niyang makilala si Pauleen?

"Nakasama ko na siya, e. Kilala ko naman si Pauleen," sagot ni Oyo.

Ano naman ang pagkakilala niya kay Pauleen?

"Nakasama ko na siya dati sa isang soap... sa TAPE pa yun."

Take two sa aming tanong: ano ang pagkakakilala niya kay Pauleen?

"Wala... ayoko nang magsalita. Quiet na lang ako."

Sa mga naging karelasyon ng Daddy Vic niya, meron bang naging malapit sa kanila? Binanggit namin ang pangalan ni Coney Reyes.

"Well, si Tita Coney... iba kasi si Tita Coney e, talagang...

"Siyempre, we go to the same church. Iba, e.

"Si Tita Coney 'pag nakikita namin, talagang love namin si Tita Coney.

"Nakikita namin talaga yung pagbabago. Love namin si Tita Coney."

Bakit wala nang sumunod pang naging close sa kanila pagkatapos ni Coney?

"Hindi ko alam, e... siguro kasi ano... katulad dati si Pia [Guanio].

"Sinasama niya sa mga family gathering, pero mas naging close niya yung mga pinsan ko.

"Kami, hindi talaga, e.

"'Sige, hello...' ganun. 'Pag nakikita namin sa Eat Bulaga!, 'hi, hello.'

"Pero wala talaga yung conversation na nag-uusap kami talaga."

Ipinauubaya na raw ni Oyo sa ama ang personal life nito, lalo na ang tungkol sa lovelife.

OTHER SIBLINGS. Maliban kina Danica at Oyo, meron pa silang dalawang kapatid sa ama—si Vico, na anak ni Vic kay Coney Reyes, at si Paulina, na anak naman ng comedian kay Angela Luz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano sila ka-close sa mga kapatid nila sa ama?

"Si Vico, alam ko he's studying Law. Gusto ko yata niyang maging lawyer.

"Si Paulina naman... okey naman. Malalaki na sila, e.

"Grabe, ang bilis ng panahon. Dati, naalala ko, ang liit lang namin.

"Pero ngayon, may sari-sarili na silang lakad. Nagugulat na lang ako, gumigimik na rin sila.

"Never kong naisip na mangyayari, pero nangyayari pala talaga."

Dagdag ni Oyo, "Oo, close pa rin naman kami.

"Pero yun nga lang, hindi na kami nakakapagkita-kita katulad ng dati na sobrang halos every week nagkikita kaming mga bata.

"Pero ngayon kasi... siyempre, may ibang mga lakad na sila at kami naman ni Ate, may kanya-kanya na kaming sariling pamilya.

"So, hindi na talaga yung madalas na nagkikita."

Nagpapasalamat ba siya at hindi nagkainteres sina Vico at Paulina na pasukin ang showbiz gaya niya?

"Well, ako, proud ako talaga kay Vico at kay Paulina talaga.

"Kasi talagang lumaki sila nang maayos talaga.

"And buti na rin lang at hindi na rin sila nag-showbiz... kawawa naman," sabi ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN